Chapter 8

190 13 0
                                    

Chapter 8

Linggo ng tanghali, katatapos ko lang mag simba kasama si Angeline. Naglalakad kami pauwi sa apartment.

"Sinagot ka na ba ng pinsan ko?" Pag bibiro ko sa kaniya, pero ang totoo, gusto ko lang naman malaman kung ano nang estado nilang dalawa.

Hinampas niya ako sa braso. "Baliw na 'to. Siya ang nanliligaw hindi naman ako." Reklamo niya. Ngumuso pa siya at sinamaan ako ng tingin.

"Oh sige, sinagot mo na ba?" Binago ko ang tanong dahil kita kong nainis ko na nga siya. Lalo siyang sumimangot at umiling.

Kumunot ang noo ko.

"Bakit hindi mo pa sinasagot? Akala ko ba gusto mo? Akala ko ba mahal na mahal mo?" Tanong ko kahit hindi makatingin sa kaniya. Diretso na ngayon ang tingin ko sa kalsada. Malapit na kami sa apartment, isang liko nalang. Nakakapang hinayang.

"Sinabi ko ba 'yon?" Naguguluhan niyang tanong.

"Tsk, oo at palagi mo nga sakin ipinamumuka." Bulong ko.

"Ano?" Tanong niya.

Nag tiim bagang ako, hindi dahil sa usapan namin ngunit dahil sa nakita kong nag hihintay sa tapat ng gate ng apartment namin nang nakaliko kami.
Natahimik na rin si Angeline at hindi na nagtanong pa. Bumagal ang lakad namin habang nakatingin sa dalawang taong sinasalubong ako.

"Anak." Tawag sa akin ni papa. Sa likod niya ay si Tita Nathalie na tipid na ngumiti sa akin.

Tumanda na ang itsura ni Papa. Umubo siya at hinimas ang dibdib. Tila nahihirapan. Kumunot ang noo ko.

"Pwede ba kitang makausap? Nami-miss na kita." Aniya sa malungkot na mata. Gusto kong mag iwas ng tingin ngunit hindi ko mapigilan sipatin ang katawan niyang namamayat. Hupak na rin ang pisngi at tila hinihingal pa. 

"Toni mauna na ako sa unit ko." Paalam ni Angeline. Tanging tango lang ang naisagot ko sa kaniya.

"Kamusta kana, Toni." Tanong ni Tita Nathalie.

"Maayos lang po. Doon tayo sa loob Papa." Sambit ko sa kanila.

Nauna akong pumasok sa unit ko. Wala si Ron. Saan nanaman kaya iyon nag tungo.

"Okay lang ba kayo rito ng pinsan mo? Doon na kaya kayo sa bahay natin anak."

"Maayos lang po kami rito." Matigas kong sambit. Naupo sila sa sala at napansin ko ang pag alalay sa kaniya ni Tita.

Kumuha ako ng pitsel na may tubig at saka baso. Inilagay ko iyon sa lamesa na katapat ng sofa.
Wala pa kaming pagkain kaya iyon lang ako maibibigay ko sa kanila.

"May sakit kaba?" Diretso kong tanong.

Natigilan si Papa.

"Ano, Pa? May sakit ka?" Tanong kong muli. Tumawa siya at umiling.

"Dahil lang ito sa katandaan anak. Madalas akong ubuhin. Sa panahon na rin siguro."

Kumunot ang noo ni tita at bahagyang napailing.

"S-sasama kaba sa Mama mo kapag umuwi siya?" Nahihirapang tanong ni papa. Nagulat ako roon. Kaya ba siya napasugod ngayon dito dahil doon?

Napatingin ako sa kaniyang mata. Nag susumamo ito at kitang kita ang takot doon. Napaiwas ako ng tingin.

"Kung sasama ako, wala naman po sigurong masama do—

"Iiwan mo na ako anak?" Putol niya sa sasabihin ko. Ano ngayon kung iwan ko siya? Siya naman itong unang umalis, siya ang unang iniwan kami ni mama. Siya ang unang nagtaksil.

Napatingin ako kay Tita Nathalie, ang babaeng pinili ni papa kaysa sa pamilya namin.

Umubo si papa kaya hinagod-hagod ni Tita ang kaniyang likod.

"Pi-pirmahan ko ang papel na pinapapirmahan sa akin ng mama mo. Itutuloy namin ang annulment, anak. Ayos lang ba iyon sa'yo?" Tanong niya. Kumunot ang noo ko. Gusto kong sigawan siya. Bakit niya pa ako tinatanong? Mahalaga ba ang sasabihin ko? Sa totoo lang din naman ay wala nang halaga ang kasal nilang dalawa. Pareho na silang may kaniya-kaniyang pamilya. Ako lang ang naiwan. Nasa gitna.

"Okay lang. Hindi naman na po iyon importante." Pilit na sagot ko.

"Pasensya kana, anak." Sambit niya pa at saka umubo muli.

"Umuwi napo kayo. Mukang hindi maganda ang lagay ng ubo ninyo."

Tumingin si papa sa akin na parang nag mamakaawa. Iniwas ko ang aking tingin. Hindi ko magawang tingnan siya.

Nasasaktan ako para sa kaniya ngunit anong magagawa ko? Galit parin ako. Hindi ko parin tanggap ang nangyaring ito sa pamilya namin.

Gusto kong maawa sa kaniya. Gusto kong yakapin siya ngunit nagaharang noon ang pagkamuwi ko.

"Galit kapa rin anak? Sana....sana dumating ang araw na mapatawad mo ako. Patawad anak." Wika niya bago tuluyang lubas ng aking apartment. Narinig kong muli ang kaniyang pag ubo bago sumarado ang aking pinto.

Nang mawala sila sa paningin ko ay kasunod na bumuhos ang aking luha. May parte sa akin na gustong tumakbo palabas at habulin si papa. Gusto ko ulit maranasan ang magkaroon ng ama.

Natawa ako sa sariling isipin. Pwede palang ganoon, ang sabay mong maramdaman ang pagmamahal at galit sa isang tao.

Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Angeline.

Pinunasan ko ang luha ko at sinagot iyon.

"Hello, okay ka lang Toni?" Tanong niya mula sa kabilang linya. Napasinghap ako at tumingin sa aking bintana. Mula rito ay natatanaw ko siya. Nakatingin sa akin mula sa kaniyang bintana.

Nanginig ang aking labi at hindi na napigilan pa ang aking sarili na lalong maiyak. Binaba ko ang cellphone kahit hindi pinatay ang tawag. Nakayuko lang ako at nakapikit habang patuloy sa pag iyak. Yumuyugyog ang aking balikat. Hinayaan kong makita niya akong ganito. Mahina.

Napakamalas ko.

Nasa malayo si mama. Sumama sa iba si papa, si papa na dahilan kung bakit nasira ang pamilya ko. At heto ako, umiiyak at hinahayaang mapanood ng babaeng pinaka mamahal ko. Na may mahal namang iba.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto at nagulat akong si Angeline iyon.

Nanggigilid rin ang luha sa kaniyang mata. Tumakbo siya at niyakap ako. Hindi siya nagtanong. Hindi siya nag sasalita habang yakap ako. Tila naiintindihan niya ang lahat ng hinanakit ko. Pero sana malaman niya rin ang nararamdaman ko.

Sa mga oras na ito, pakiramdam ko, ito lang ang kailangan ko. Siya lang ang kailangan ko.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Masama bang hilingin na sana....sana ay sa akin nalang siya.

Sana ako nalang ang mahal niya.

When my heartaches endWhere stories live. Discover now