Capítulo 3

1.3K 55 64
                                    

"May kanin ka?"

Natigil sa pag-aayos ng gamit si Miho nang marinig ang boses ni Tanya.

"Kaka-meryenda mo lang 'di ba? Gutom ka na uli?" She took a bar of Dars chocolate from her satchel bag and gave it to her. Umayaw naman agad ito at nagpasalamat.

"Kanin ang kailangan ko sa ulam eh." Ngumuso si Tanya at nakita niya si Francis na hawak ang thermos flask nito at kumukuha ng tubig mula sa dispenser. He was wearing a baby blue button-down shirt paired with khaki pants and boat shoes at dala rin nito ang backpack niya. Siya pala ang tinutukoy na ulam.

"Dali, ipakilala mo na 'ko!" Kilig na kilig si Tanya at wala siyang magawa para patigilin ito. Napaisip nalang siya na kung alam lang kaya ng boyfriend nito ang pinagsasabi at pinaggawa ni Tanya ngayon, maghihiwalay kaya sila?

"Ngayon na?" Miho glanced at her watch. Hindi naman siya nagmamadali pero kailangan pa niyang hanapin kung saan naruruon 'yung nagpahiram sa kanya ng jacket.

"Isang minuto lang 'to! Masyado ka bang atat umuwi? Dali na, mamaya hindi ko nanaman siya maabutan eh. Madalang ko siyang nakikita rito! Now is the right time!" Hinatak na siya ni Tanya nang biglang napatingin sa pwesto nila si Francis at agad silang nilapitan nito.

"Uwi ka na?" He pinched her cheek and in return, she slapped his arm.

"Pauwi na rin. Oo nga pala, si Tanya." Sabay turo nito sa katabing nagpipigil ng kilig.

Inabot ni Francis ang kanyang kamay at nag-shake hands sila ni Tanya.

"Kaibigan ako ni Miho! She's my highschool classmate," Ang nakangiting sabi nito. Napaisip naman si Miho kung kailan pa siya tinuring na kaibigan ni Tanya; marahil ay ngayon lang dahil sa presensya ng kinakikiligan nito.

"Maiwan ko na muna kayo. Ingat sila sa'yo, Miho! Nice to meet you, Tanya!" Ngumiti si Francis, kumaway at lumabas ng faculty room.

"Sarap ba ng ulam? Hindi mo na huhugasan kamay mo niyan 'no?" Ang pabirong tanong ni Miho kay Tanya pagkaalis ng ulam.

"Gosh! Oo! Paano mo nalaman?"

"Paano pag di siya naghugas ng kamay tapos galing siya ng CR?"

"Okay lang!" At inamoy-amoy ni Tanya ang kanyang kaliwang palad. "Ambango niya! Shucks, paano 'pag mas malapitan pa kaya? Pano kapag isinubsob ko 'yung mukha ko sa—"

"Shucks ka rin, sumbong kaya kita sa boyfriend mo? Sabihin ko kaya gusto mo pang isubsob 'yung mukha mo sa ano.. kung saan man 'yan, ng ibang lalake?" Kinuha ni Miho ang mga gamit niya sa mesa matapos magbiro ng pagbabanta sa kausap.

"'Wag ganon! 'Wag!" Sabay palo sa balikat nito, "Miho, pwede next time pagkitain mo uli kami 'pag may chance? Mukhang ang close-close niyo eh! Sabay tayo kumain o kahit ano, ganon. Please?"

"Oo na." Miho couldn't say 'no' to Tanya. Kahit hindi sila close dati nuong highschool days, alam niya na isa sa mga ugali nito ay ang pagiging mapilit.

"Alis na 'ko. Maghugas ka ng kamay at tigilan mo 'yang pagsinghot. 'Di bagay sa kagandahan mo." At hindi siya nagbibiro. Tanya is too pretty para magmukhang batang rugby girl sa EDSA.

"Thank you talaga ha? Babawi ako sayo! Parang gusto ko na mag-shift sa Japanese. Ikaw na lang magturo ng Spanish, palit tayo, ano? Bukas, dito na ko uupo sa pwesto mo." Siniko pa siya nito na para bang makatotohan ang gusto nitong mangyari. Naisip niya tuloy na kung magkamilagro at bigla talaga siyang maging fluent mag-Espanyol baka pumayag na rin siya na makipagpalit sa kanya.

Paglabas, saktong naabutan niya sa may corridor ang kanina pang hinihintay na si Pat. Kaagad niya itong nilapitan at tinawag.

Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon