Capítulo 8

1K 58 59
                                    

Miho woke up feeling better—Hindi na masyadong masakit ang ulo niya kung ikukumpara kahapon. It was a Sunday, so she didn't force herself out of the bed at 8 in the morning. Pumikit muna siya at nanatiling nakahiga hanggang sa narinig niya ang intercom na tumunog. She reached for the phone on her bedside table and answered it. Isa lang naman ang madalas na dahilan kung bakit nag-r-ring ang intercom: may bisita siya.

Nang marinig sa guard ang pangalan na Gregorio del Pilar, agad siyang nataranta. She wasn't expecting him to come; ang nabasa lang naman niya ay ang "I'll see you tomorrow" na message nito pero walang sinabi na sa apartment niya ito didiretso.

She knew she looked horrible— bedhead at hindi pa nakakaligo, pero wala siyang nagawa kung hindi ang payagan itong makaakyat dahil nakakahiya naman kung pagaantayin pa niya ito sa baba.

She was in the middle of brushing her teeth when she heard a knock on the door. Pagbukas niya, anduon si Pat na naka-plain black shirt, khaki shorts, slip-on shoes at may bitbit na paperbag.

"Morning, Emily," He smiled at her. She tried to smile back but it looked more of a smirk; nakapasok pa kasi ang toothbrush sa bibig niya. Sumenyas na lang siya na pumasok ito at maupo.

Pagkatapos magtoothbrush at pagkalabas ng banyo, nakita niya si Pat na may inilalagay sa loob ng kanyang refrigerator. Palapit pa lang siya dito nang bigla itong nagsalita bago pa siya magtanong.

"Ready-to-cook sisig at leche flan. Pasalubong ng ate ko— What's this?" Pat showed her one of her canned drinks with Japanese characters on it. "Alcoholic beverage from Japan? Chu-hi?"

She nodded in response. Nahalata niya ang good mood ni Pat, malayo sa mood nito nuong nasa library sila nuong nakaraan.

"Nice shirt," Tumayo ito sa harap niya at tinitigan siya mula ulo hanggang paa. She looked down and realized that she was wearing her oversized Coke shirt. Natatakpan nito ang short shorts na suot kaya mukha siyang walang pangibaba. Hinatak niya ang laylayan pababa dahil sa hiya at naglakad papunta sana sa cabinet para kumuha ng damit, pero pinigilan siya ni Pat.

"No need to be conscious. I don't mind at all," He assured her.

"Hindi pa ko naliligo! Nakakahiya naman sa'yo. Mabango ka na tapos ako dito amoy.. Amoy ewan." Pinantakip ni Miho ang buhok niya sa kanyang mukha. Tinanggal naman ni Pat ang mga kamay niya, at tinitigan siya.

"Were you surprised?" She noticed him bit his lip, as if trying not to smile.

"Oo naman! Kung alam ko lang, naligo na ko ng maaga!" She said with a laugh. "Wala ka naman sinabing pupunta ka dito."

"Of course. If you knew, you would have probably ran away from me again," He moved closer to her. Hindi na siya nakaiwas dahil naramdaman na lang niya ang mga kamay nitong mabilis na humawak sa kanyang baywang at ang ilong nito na tumama sa leeg niya.

"A-anong—"

"Your scent—"

"'Wag mo kong amuyin! Amoy kama pa ko!" At tinulak niya itong palayo. She wanted to hide, but unfortunately, there's no place to hide. Sa sariling kwarto, kahit sa banyo ay wala siyang takas dahil sira ang lock nito.

"Yun ba ang tawag d'on? Amoy kama?" Ang sabi nito bago ngumisi. "You smell good actually."

Nag-iwas na lang siya ng tingin dito at itinuro ang upuan para yayain itong maupo. He laughed and when she asked what's funny, he just shrugged. Umupo si Miho sa kama at naupo si Pat sa upuan na malapit rito.

Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon