Capítulo 17

1K 52 45
                                    

"Huli ka!"

Halos malaglag ang puso ni Miho sa gulat pagkarinig ng boses mula sa kanyang likuran. When she turned around, Tanya held her arm tightly; mukhang wala itong balak pakawalan siya hangga't di siya magsasalita.

"Finally, naabutan din kita! What's happening between you and Pat? Kayo na ba?"

She noticed a hint of worry from her voice.

"Hindi."

Right, they're not in a relationship. Pat never mentioned something about courting her, wala rin naman itong sinasabi tungkol sa nararamdaman. Hinalikan lang siya nito, niyakap siya ng walang hinihinging permiso at kagabi, magkatabi pa silang natulog. Then, what is really happening between them? Napaisip na lang din siya ng di oras.

"E ano kayo? Don't tell me.. FuBu?" Tanya pouted and leaned on the wall, her arms akimbo.

"Ano yung FuBu?"

Tumawa si Tanya at pinalo siya. "Nevermind!"

"Kaya mo ba tinatanong kasi nag-aalala ka? Kasi 'di ba sabi mo medyo gusto mo pa siya?"

"Hindi dahil do'n, mas type ko na si Francis. Totoong live-in ba kayo?" Pabulong na tanong nito sa kanya.

"Mahirap kasi ipaliwanag," Napayuko siya at iniwasan ang titig nito.

"Kung oo, I'm really surprised. Ako nga hindi nakatagal ng 24 hours sa unit niya."

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. She's not trying to compete with any of his exes, dapat ba siyang matuwa sa narinig?

"Pero ito lang ha," Tumingin muna ito sa paligid. Wala ng ibang tao sa corridor kung hindi sila lang. "Alam mo naman yung nakwento ko sa'yo dati 'di ba?"

She nodded. Naalala naman niya lahat ng naikwento nito lalo na ang weird break-up reason ni Pat dito.

"If you like him and he likes you, then go. Kaso, babalaan kita, ha? Payong kaibigan. Pat did his boyfriend duties well, pero pinaramdam na niya sa'kin dati na wala siyang interes sa pagpapamilya. In short, parang short-lived relationships lang talaga gusto no'n."

Alam naman niya iyon pero hindi na lang siya umimik. She let her finish what she wanted to say.

"Ang hilig lang niya sigurong magpalit. Tama ata yung feeling ko na wala siyang alam sa true love. Ang naisip ko lang, you're a nice girl and he's really not so much of a nice boy. Gets mo ba?"

"Gets ko. Pero hindi naman ako nice girl na parang santa ah," Sagot niya dito. She really understood what she meant— na kapag nagustuhan niya ito at nagseryoso siya, malaki ang possibility na mabigo lang siya. Pat could be a nice friend, pag-karelasyon nga lang siguro ay duon na ito tagilid.

"Santa ka eh! 'Pag magkatabi tayo, nagiging demonyita ako," She said, laughing. Bumitaw ito sa kanyang braso. "Alam mo ba kung anong mga paboritong pagkain ni Francis?"

Humawak ito sa pisngi na tila kilig na kilig. Miho mentally faced-palm. She hoped that Tanya would break up with his boyfriend first before flirting with Francis. Siya ang medyo na-stress para dito. Mukhang nagbabalak itong mapalapit sa kaibigan niya sa pamamagitan ng pagkain. Regardless of that, she gave her an answer with a tip that he dislikes ketchup.

Tanya thanked her before leaving. Nangulit ito na makapagusap ulit sila sa susunod at kung gusto raw niya ay chichismisan siya nito ukol kay Pat. She felt a little awkward and unsure if she would really like to know about those private things but she just said yes, wala naman siyang magagawa dahil ang hirap naman ding umiwas dito.

Yo te CieloWhere stories live. Discover now