Capítulo 10

1.1K 49 64
                                    

Routinary ang naging takbo ng klase ni Miho nuong araw ng Lunes. Matapos ituro ang lesson, pinag-seatwork niya ang mga estudyante at pinag-practice sa mga dialogue. She knew that it is difficult to be fluent in a language if one would not strive to use it in daily conversations; kaya naman sinisigurado niya na ang lahat ng mga ito ay magsasalita tuwing klase.

Most of the students in class do not have Japanese friends, so they only rely with their classmates for practice. Pag dating naman sa writing and reading, naniniwala naman siya na kakayanin ng mga bata ang proficiency exam pag dating ng Disyembre. Isa pa iyon sa pagtutuunan niya ng pansin sa mga susunod na buwan, maliban pa sa mga upcoming activities sa school para sa Linguistics Department.

Kung isa itong normal na araw, hindi mababali ang routine niya ng pag-uwi ng maaga o pagbisita sa kanyang kaibigan. Pagkatapos ng klase, tumambay muna siya saglit sa faculty room at nag-check na lang ng mga homeworks na kakapasa lang ng mga estudyante niya. Pat texted her to wait for him, may tinatapos lang raw ito sa klase na na-delay na long quiz ng ilang estudyante.

"Uy, saan hiking?" Lumitaw sa gilid niya si Francis na may malaking ngiti sa mukha habang nakaturo sa malaki niyang backpack. "O sleepover?"

"Mangangapit-bahay lang," She turned her attention to her papers; inayos na niya ito at ipinasok sa satchel bag niya. She promised Francis she'll tell him everything soon, huwag lang muna ngayon dahil nasa faculty sila at baka may mga chismosang makarinig. Ysabelle, the girl sitting beside her is not fond of gossiping, pero ayaw parin niya na may makarinig sa topic nila, most especially because it involves another colleague.

"Parang 'pag ganyan, alam ko na. Should I ask him instead?" Ginulo na naman nito ang buhok niya pero inayos uli matapos niya itong simangutan. "You owe me a long explanation, Miho. Duon ka ba titira sa kanya? Ilang araw?"

"She's staying in my unit for days or probably, more than that." They both heard a voice from behind. Napalingon si Miho at nakitang nanduon si Pat sa likuran ni Francis. She also noticed that Tanya was behind Pat; mukhang kakarating lang din nito sa faculty room. Her lips were parted na para bang may sasabihin pero hindi naituloy; obviously, Tanya heard what he said.

"Oh my God! Tama ba narinig ko?" Napatakbo si Tanya sa pwesto niya at tinignan si Pat. "Bakit? Anong meron? Kayo ba?" Tanya looked at him with an exaggerated expression of surprise on her face.

Gustong magtago sa ilalim ng desk si Miho. Their voices were audible enough to be heard by people who were nearby.

"Please excuse us," Pat said and held her wrist; a signal that it's time to go or better yet, escape. Tumayo na siya at kinuha ang gamit. He took her backpack and she did not protest anymore. Kailangan na nilang umalis.

"Take care, okay?" Francis said. His expression was not clear. Mukha itong nag-aalala at gulat na pinaghalo.

She waved nervously at them as she noticed Tanya looked as if she was still in shock. Iniisip na niya kung ano ang maaaring iniisip nito, but she knew that this was not the time to think of what other people might think of them.

Pagdating sa hagdanan, sinubukan niyang kunin ang bag niya na hawak ni Pat, pero imbis na ibigay, isinuot nito ang backpack para hindi niya ito maagaw. It felt a little weird everytime he would play as a gentleman in front of her; mas tumatak kasi sa kanya ang pagiging masungit nito lalo na nuong unang beses silang nagkita.

"Diretso tayo sa unit mo?" Tumingin siya sa mga puno sa may parking area imbis na sa kausap. She felt a little shy in asking him; naalala kasi niya na may malaking utang na loob siya rito.

"Nope, we'll get something better than ice cream," He replied.

Indeed, they went to a yogurt shop that was half an hour away from school. Mula sa labas, kita na mga estudyante ang karamihan ng mga customer nang mga oras na iyon. She couldn't help but wonder if Pat brought her here as a joke or if the craving just hit him.

Yo te CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon