Capítulo 5

1.1K 53 36
                                    

"Sorry, busy ako. Send my regards to Irvine at pakisabi dadaan ako diyan next week 'pag natapos ko na— Yes, sure— Okay, bye." Pagkatapos ng tawag, pinasok ni Pat agad ang cellphone sa kanyang bulsa. He checked his watch: 3:15; maaga pa siya para sa susunod na klase. Habang naglalakad, nakita niya ang usok na nagmumula sa kainan— ito ang food stall na sikat dahil sa kanilang mga tinitindang street food. He stared at the long line of customers. Konti lang ang chairs at tables sa harap ng stall, kaya ang ibang kumakain ay nakatayo na lang sa gilid o nag-t-take out na lang. Manghang-mangha siya na sa araw-araw na ginawa ng Diyos, parang hindi nauubusan ng pila rito.

Tinignan niya ang mga tao; karamihan ay mga estudyante, at ang iba rin ay halatang mga outsiders. Suddenly, he caught sight of a familiar person. Fil-Am, tall and handsome— yun ang description ng pinsan niya sa ex-boyfriend nito. Sigurado siyang ito si Francis na dati ay napansin niya ng ilang beses sa faculty room. Inalis na niya ang tingin dito pero binalik rin niya agad nang may mapansin. He saw him laughing and talking to the girl next to him; parang nakikipagharutan pa. Nang tignang maigi kung sino ang kasama nito, bigla niyang naramdaman na bumilis na naman ang tibok ng kanyang puso.

Nakita niyang inabutan ni Miho ang lalake ng isang stick ng isaw at napansin niya na nakatawa ito; mukhang kumportable silang magkasama. Nang inakbayan ito ng lalaki, inalis niya na ang pagkakatitig sa kanila. That moment, he felt a different kind of uneasiness inside that he decided to walk away. Pagdating sa corridor ng 4th floor, nakasalubong niya si Tanya. She was wearing a dress with floral prints and wedge heels; sa malayo pa lang ay ngiting-ngiti na ito sa kanya.

"Pat!" Ang masayang pagbati nito sa kanya. He just nodded in response.

"May ipapa-commission sana yung friend ko sayo! Ganda raw ng gawa mo! Pinakita—"

"Thanks. Let's talk about that later. Sorry, I have to go now." Medyo maaga pa para sa next class pero lagi naman niyang sinisigurado na siya ang mauuna sa classroom. Wala lang din siya talaga sa mood para sa enthusiastic vibe na dala ni Tanya. 

Pagdating sa classroom, naruon na ang dalawa sa kanyang mga estudyante. They greeted him in Spanish and he just responded with a slight nod. Umupo muna siya at nilapag ang mga libro at laptop sa mesa. Naalala niya si Irish at ang kagustuhan nitong malaman kung kamusta na ang ex-boyfriend. Right, he needs to get a little information about Francis, and it's not that hard. Nakausap naman na din niya si Miho ng ilang beses kaya mukhang sa kanya siya makakakuha ng sagot. Pero paano niya idadaan sa pasimpleng tanong ang tungkol kay Francis? Maybe next time, after a few more meetings kung may pagkakataon pa ngang makausap ito ng madalas.

Dumaan sa isip niya ang ngiti ni Miho. Ito ang unang beses na nakita niyang ganuon ito ngumiti sa harap ng isang lalake; parang napaka-natural, walang bahid ng pag-aalinlangan at hiya. Tumatawa pa ito na halatang nakikipagbiruan sa kasama. Naisip niya ang posibilidad na baka may namamagitan sa dalawa dahil mukha silang palagay sa isa't isa. E ano nga naman kung sila? It's none of his business; wala naman siyang pakialam sa buhay ng ibang tao.

His own train of thought irritated him that he unconsciously slammed the table with his right fist. Hindi niya malaman kung saan siya mas na-bwisit— sa ex ng pinsan niya, sa kasama nito na mukhang masaya o sa sarili niyang naramdaman na hindi niya maintindihan kung ano. Bigla tumigil ang pagiisip niya at nakita ang mga estudyanteng nakatingin sa kanya. Sa harap naruon ang isa sa kanila at inaabot ang papel sa kanya.

"S-Sorry, late po akong nakapagpasa.." Kabado at mahina ang boses nito.

"Next time, make sure you pass your homework on time." Kinuha niya ang papel at tumayo—  ang hudyat na magsisimula na ang klase.

---

"The best talaga ang isaw rito! Wala pa ring nagbabago, haba pa rin ng pila!" Ang sabi ni Francis habang ngumunguya. Miho nodded in reply. Nanatili siyang tahimik dahil busy siyang ubusin ang sampung sticks ng isaw na inorder niya.

Yo te CieloWhere stories live. Discover now