Chapter 17

8.3K 302 20
                                    

Nitong mga nakaraang araw napapansin ko ang pagka-abala ng mga estudyante sa pageensayo. Usap usapan din ang Levelling Battle na sinasabi nila,

"Ano ba yun Sky?" Tanong ni Faye, wala si Haika ngayon dahil pinatawag ng Head Nurse at kaya naman kaming tatlo lang sa dormitoryo,

"Twice in a year nagaganap ang Levelling Battle. Ang unang buwan ng pagsubok ay makakalaban mo any kapwa estudyante sa susunod na Levelling Battle sa taon na din na iyon ay ang magiging kalaban mo ay mismong sarili mo"

"Para saan naman yun?" Tanong ulit ni Faye,

"Para sa mga bagong Task Force Soudeour. Sila ang mga Lucēre na binibigyan ng malalaking task, isa na dito ang Mission: Tarchannen na hahanapin ang pinagtataguan nila" Doon nabaling ang buong atensyon ko,

"Ganon kadaling mapasali sa Force?" Hindi ko na napigilan na tanong kay Sky,

"Hindi. Kapag naipasa mo ang dalawang pagsubok, ipapasok ka nila sa Dark Forest kung saan iilan lang ang nagagawang makabalik at kapag nagawa mo'ng makabalik swerte ka dahil parte ka na ng Force"

"Ilan ba ang dapat na myembro na mapapasali?" Faye,

"Depende. Ang mahalaga may mga makakasali sa iba't ibang Base"

"Paano kung walang First Base or Second?" Faye,

"Yan ang hindi pa nasusubukan na mangyare sa Akademya"

Kailangan kung mapabilang sa Force kung ganon,

"Saan ka pupunta Sam?" Tanong ni Sky ng makitang palabas ako,

"Mag e-ensayo"

Sumama ang dalawa sa akin sa pag ensayo, puno ng Training Ground ng mga estudyante na mababakas mo ang determinasyong makasali sa Force

"This is my chance Faye" bulong ko sa kaibigan na sinangayunan naman niya,

"We will make sure na magbabayad sila" Mas lalo akong ginanahan sa pageensayo sa araw na yun at sa mga sumunod pang araw.

KINABUKASAN nahuli ako sa paggising kaya ng magising isang note lang ang nakita ko sa labas ng pinto ko na nagsasabing nauna na silang nagpunta nag Cafeteria. Nag deretso naman na din ako agad matapos mag ayos. Medyo may kalayuan pa man sa Cafeteria naririnig ko na ang malalakas na sigawan ng mga estudyante,

"Ang lakas ng loob niyong banggain ako porket kaibigan niyo ang mga Maharlika, sino ba kayo? Nakakalimutan niyo ba kung anong base kayo? Ipapaalala ko lang, First and Second base such a very wimpish Bases"

Hindi maipaliwanag kung bakit nakikipagsiksikan ako ngayon sa mga estudyante, ng makarating sa harap nakita ko ang tatlong kaibigan na nakalutang. Tinignan ko ang may gawa at nakita ko si Ziarra at Stephanie na tuwang tuwa pa, sa galit pasekreto kung ginamit ang isang kakayahan na kayang patigilin ang  isang abilidad. Walang kahirap hirap ko itong nagawa at agad na sinalo ang kaibigan gamit ang abilidad ko sa tubig. Matapos mailapag sila sa tabi inaangat ko ang dalawang walang kalaban laban at buong lakas ko silang iwinaglit sa mga nagkumpulan na estudyante. Inulit ko ang ginawa at muli silang inangat, basang basa ang mga ito dahil sa sariling kagagawan

"Don't you ever touch them btch" at  padabog  silang binitawan









EDITED

The Long Lost Legendary Princess Where stories live. Discover now