Chapter 40

2K 53 9
                                    

Third Person Point of View

"I'll find her" Mabilis na lumabas ang Binata na galit na galit sa opisina kung saan pinatawag sila kasama ang mga Hari't Reyna sa isang pagpupulong,

"Jared delikado na paano kung nasa paligid lang pala ang mga Tarchannen" Hinawakan ng Dalaga ang Binata sakanyang mga braso animo'y pinipigilan ito,

"Dalawang araw na Jared wala pa rin siya baka talaga namang pa-"

"ISA PA ATHENA KAKALIMUTAN KUNG BABAE KA AT KAIBIGAN KITA" Mahigpit ang hawak ng Binata sa braso ng Babae na halos mangiyak-ngiyak na sa sakit,

"Sasama ako" Bigla namang sumulpot ang isang Binata sa likuran ng Dalaga,

"Pabigat ka lang" Matalim na tinitigan ni Jared ang binatang si Roshima, nakipagsukatan din naman ito ng tingin at sa huli ang binatang Roshima ang unang umiwas

"Sasama kami" Napatingin ang tatlo sa sampong kakarating na handa na makipagsagupa sa gyera na sila Faye, Sky, Haika, Miyuka, Cyrene, JR, Xander, Anthony, Felix at Rizzar na may kanya kanyang bitbit na mga gamit,

"Hindi mo na kami mapipigilan Prinsepe kaibigan namin ang nasa panganib, hindi kami mapapakali kapag naiwan kami dito habang siya ay nasa peligro" Mungkahi ni Faye na seryosong seryoso.

Sa masukal na kagubatan naman sa pinakadulong bahagi nito ay makikita ang napakalaking kulay puting dragon na nakatingin lang sa dalagang nakahiga sakanyang harapan,

"Samantha"

"Hmmn" Dumapa ang dalaga sa pagkakahiga at hindi inalintana ang nagtatawag sakanya,

"Samantha gising"

Naiinis na iminulat ng dalaga ang kanyang mga mata at tinignan ang kanina pang nagtatawag sakanya,

"Fvck!" Akamang gagawa ito ng atake ng biglang humiga ang napakalaking halimaw sakanyang harapan animo'y nagpapaamo

"Pakiusap hindi kita sasaktan, kailangan ko ang tulong mo Samantha"

Umayos sa pagkakaupo ang dalaga tiyaka tinitigan ng mabuti ang puting halimaw na nasa kanyang harapan,

"Asan ang mga kaibigan ko?"

"Sa aking palagay ay nakabalik na sila sa Akademya" Lumipad ang halimaw na ikinabahala naman ng dalaga,

"Uminahon ka Samantha hindi kita sasaktan"

"Sino ka ba at ano ang iyong kailangan?!" Sigaw nito,

"Ako si Samantha at kailangan ko ang tulong mo upang maibalik ako sa aking tunay na anyo" Tila na estatwa ang dalaga sakanyang kinatatayuan. May ideya na siya ngunit hindi pa rin ito sapat upang hindi siya magulat sa narinig, palaisipan pa rin sakanya anh lahat at hindi niya magawang maniwala sa napakalaking halimaw

"P-Paano?" Tanong nito na naguguluhan sakanyang mga naiisip,

"Hindi totoo ang mga usap usapan na kinuha ng isang Tarchannen o Soudeour ang anak ng Hari't Reyna ng Magos, ang totoo niyan noong umatake ang mga alagad ng kadiliman ay isinumpa ito ni Lioht ang Diyosa ng liwanag upang guluhin ang isipan ng lahat. Ginawa nitong puting dragon ang sanggol at ipinadakip sa isang Hroshomogeiz tiyaka dinala sa kagubatan na kung tawagin ngayon ay Dein Forest. Matutulungan mo lang ako kapag natapos na ang ating misyon" Nanghihinang napaupo sa damuhan ang dalaga habang nakikinig sa bawat salitang binibitawan ng puting Dragon sakanyang harapan. Hindi ito makapaniwala kahit ideya niya na ang malaking halimaw na ito ay ang matagal ng nawawalang Prinsesa ng buong Magos, marami pa ring mga katanungan ang bumabagabag sakanya

"Kung ikaw ang Prinsesa bakit mo pinapatay ang mga pumapasok rito?"

"Hindi totoo ang mga sabi sabi nilang isang malaking halimaw ang pumapatay sa mga nagpupunta rito Samantha, ang mga Tarchannen ang may kagagawan nito. Sinusubukan ko silang iligtas ngunit sa tuwing tinitignan nila ako sa aking mga mata ay nagiging puting bato sila, wala din akong magawa kundi labanan ang iba dahil naglalaban sila" May bahid na kalungkutan na pahayag nito,

"Bakit hindi mo sinubok na ipaalam sa lahat na ikaw nga si Prinsesa Samantha Akira?" Isang mala crystal na butil ng tubig ang tumulo sa mga mata ng dragon dahilan ng labis na kalungkutan,

"Sinubukan ko, ilang beses kung sinubukan. Ngunit walang Lucēre ang nakakaintindi sa akin, lagi silang umaatake at wala akong magawa kundi umalis na lang"

"Si Haring Aiko? Ang iyong ama" Umiling naman ang dragon sa pahayag ng dalaga,

"Hindi niya rin maintindihan"

"Bakit ako nagagawa kitang intindihan at nakakausap pa nga? At bakit hindi ako nagiging bato gayong kanina pa ako nakatingin sa iyong mga mata?"

"Wala ka pa talagang ka alam alam sa iyong katauhan Diyosa?"

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon