Chapter 44

1.7K 39 10
                                    

Flashback...

Lioht's POV

Malamig ang simoy ng hangin na lumalapat sa aking balat, tanging ang tunog ng alon ang naririnig sa gabing iyon. Napakapayapa at napakasarap sa pakiramdam. Huminga ako ng malalim habang naka-pikit ang mga mata't damang dama ang bawat pag-akap ng malamig na hangin,

"Sa mga oras na ito ay dapat na natutulog kana" Naramdaman ko ang isang pamilyar na enerhiya sa taong umupo malapit sa akin. Isang ngiti ang agarang gumihit sa aking mga labi ng malanghap ko ang kanyang nakaka-akit na pabango,

"Hindi ba't na tutulog ka na rin sa ganitong oras, Phlegein?" Tinignan ko ito ng may panunukso na siya namang ikina-iling niya,

"Kamusta ang pag-uusap niyo ni Darek?" Kitang kita ang pagiging blanko ng kanyang mukha ng banggitin ang ngalan ng isang kaibigan. Linapitan ko ito at hinagkan bago hinalikan sakanyang mapupulang labi,

"Wala ka ng dapat ikabahala Phlegein, pinaliwanag ko na ng maaayos kay Darek na hanggang kaibigan na lang kami dahil ikaw at ikaw lang ang tanging mamahalin ko" Ako naman ay napanatag ng makita ang munting ngiti sakanyang mga labi,

"Kilalang kilala ko si Darek, Lioht. Hindi iyon basta bastang sumusuko sakanyang kagustuhan na kahit may naaapakan na siya wala siyang pakelam basta makamit ang kanyang nais, natatakot ako mahal ko. Kung magkatotoo man ang babala ng oracle hindi ko alam ang aking gagawin" Pinakatitigan ko ito at kitang kita sakanyang mga mata ang labis na kalungkutan,

"Hindi naman lahat ng nakasulat sa oracle ay nagkakatotoo, mahal ko. Malay mo isang panakot lang ito sa atin" hinaplos ko ang kanyang pisnge at mabilisang ginawaran ng halik,

"Mas mabuti pa rin na maging handa tayo"

....

Phlegein's POV

"LIOHT!" Pagod man dala ng kanina pang paglalakad hindi ko ito ininda at patuloy na naglakad sa hindi malaman na daan,

"LIOHT!!" Nagising ako na wala na sa aking tabi ang minamahal agad akong bumangon at hinanap siya sa kung saan saan, iniisip ko pa lang na may nangyaring hindi maganda sakanya parang ikamamatay ko na.

Ginamit ko ang aking kakayahan at nagpalabas ng mga kaluluwa upang mabilisang mahanap si Lioht, inutusan ko ang mga ito at wala pang isang segundo nawala na sila sa aking harapan. Patuloy lang ako naglakad ng marinig ang iyak ng isang kaluluwa, isang senyales na nagawa na nila ang aking inuutos. Mabilisan kung tinakbo ang direksyon kung nasan ang ingay at dinala ako nito sa harapan ng rumaragasang tubig, tinignan ko ang kaluluwang tumawag at pumasok ito sa likod ng talon. Walang pagdadalawang isip at sumunod ako rito.

Sa malamig at madilim na kweba na nakatago sa likod ng talon nakita ko ang babaeng kanina ko pa hinihanap na walang saplot, nandilim ang aking paningin at uminit ang mga mata. Isang kulog ang namayani sa napaka-tahimik na lugar, sabay ng pagdilim ng kalangitan. Tumakbo ako sa kinalalagyan niya at hinagkan ito,

"Lioht, mahal ko" Ramdam ko ang panginginig nito at biglang umatake dahilan ng pagtilapon ko hindi kalayuan sa kanyang kinauupuan, pag angat ko ng tingin kitang kita ko sakanyang mga mata ang pagkamuhi at galit sa akin

"Walanghiya ka! Pinagkatiwalaan at minahal kita Phlegein! P-Paano mo nagawa ito sa akin?" Sinubukan ko itong lapitan ngunit naglabas ulit ito ng atake na agad ko namang naiwasan,

"Lioht, hindi ko alam ang sinasabi mo. Uminahon ka mahal ko" Dahil may kadiliman ang kweba walang kahirap hirap akong napunta sakanyang likuran at hinagkan ito.

Sandamakmak na matutulis na bagay ang  tumusok sa aking puso ng magpumiglas ito, hindi ko naman siya hinayaan at patuloy lang siyang kinulong sa aking mga bisig kahit patuloy naman siyang sinasaktan ako,

"B-Bitawan mo a-ako! I-Isa kang h-halimaw!" Kasabay ng kanyang sigaw ang malakas na pwersang humawi sa rumaragasang tubig at bumungad doon ang iba pa naming kasamahan,

"Lioht!" Nag pakawala ng atake si Serien sa aking dereksyon na agad namang nasalo ng aking atake, sa hindi malaman na dahilan nag patuloy silang lahat sa pag atake sa akin. Hindi ko man gusto nagpakawala na rin ako ng atake, kinontrol ko ang kanilang mga anino dahilan upang hindi sila makagalaw. Sandali lamang iyon dahil isang napakalakas na pwersa ang nagpatumba sa akin dahilan ng pagkawala ng aking malay,

"L-Lioht"

Firro's POV

"Pumunta ka sa Akademya, Aeros. Hanapin mo si Alesea at dalhin siya agad dito" Agad tumango ang aking kaibigan at lumabas ng silid. Napa-buntong hininga ako at napa-upo sa isang upuan malapit sa aking kinatatayuan.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakalabas si Phlegein sa Elemental Barrier na ginawa mismo ni Darek na siyang pinakamakapangyarihan sa aming lahat, ibig sabihin lang nito na may tumulong sakanya. Kung gayon sino naman ang taksil? Tumayo ako at tumungo sa labasan ng silid upang mag pahangin ng ilang saglit. Pagtingin ko sa aking kaliwa nakita ko si Darek na nag mamadali, pumasok naman sa aking isipan na baka may nangyaring hindi maganda kay Lioht kaya ito ay nagmamadali. Sinundan ko ito at akmang tatawagin ng isang tarchanen ang sumalubong sakanya't kinausap siya, nagtago ako sa pader na malapit sa akin tiyaka pinakinggan ang kanilang pag-uusap

"Kanina pa umatake ang mga Tarchannens sa Akademya, my lord"

"Nasan ang babae?"

"Kinakalaban ang alam niyang kanyang Ama"

"Napakadali tala--"

"Firro!" Nagka-salubong ang tingin namin ni Darek at agarang umatake naman ang tarchannen na kausap niya, walang kahirap-hirap ko itong nasunog bago pinatamaan ng atake si Darek

"Firro ano bang ginagawa mo?!" Hindi ko pinansin si Amanda at patuloy lang ang atake sa nakangising Darek,

"Ikaw ang lumapastangan kay Lioht! Isang kasinungalingan ang lahat ng sinabi mo sa araw na iyon!"

"A-Ano?"

"HAHAHAHAHAH nakakapagtaka talaga kung paaano kayo naging Diyos at Diyosa" Umatake ito sa amin at gamit ang pinagsamang kapangyarihan namin ni Amanda, nagawa namin itong pigilan kahit papano

"Puntahan mo sila Lioht at umalis dito!" Utos ko sa babae habang nakikipaglaban kay Darek,

"P-Paano ka?"

"UMALIS KANA" Agad naman itong tumakbo,

"Hindi kayo makakatakas Firro, walang Lucēre ang kayang lamangan ako. Mamamatay kayong lahat at mapapasa-akin lang si Lioht"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon