Chapter 18

8.4K 309 5
                                    

Sobrang lalim na ng gabi at dilat na dilat pa din ang aking mga mata sa kadahilanang hindi makatulog, kanina ko pa pilit na pinapatulog ang sarili kaso hindi talaga ako makatulog. Kaya kahit gabing gabi na bumangon ako at nagsuot ng Cardigan para hindi lamigin.  Dahan dahan kung binuksan ang pintuan ng aking silid pati ang pintuan ng aming dormitoryo, ng makalabas tinignan ko muna ang paligid at ng walang nakitang tao agad akong naglakad ng walang kasiguraduhan kung saan pupunta.

Umihip ang malamig na hangin at hindi naging sapat ang Cardigan upang hindi ako lamigin. Sa madilim na kapaligiran isang pamilyar na pigura ang nakita kung nakaupo sa mga damuhan,

"J-Jared?" Lumingon naman ito at sinenyasan akong lumapit na ginawa ko naman. Naupo ako sakanyang tabi at tinignan ang karagatan sa may kalayuan,

"You can't sleep?" Biglang bumilis ang puso ko ng marinig ang inaantok niyang pananalita, sht ka Saunder

"O-Oo" sagot ko naman na hindi inaalis ang mga tingin sa napakagandang tanawin ng karagatan,

"Next time when you go outside at this time wear jacket, coldness here is different" napatingin naman ako sakanya na nakatingin din pala. Agad akong napaiwas at tinuon na lang ang pansin sa mga nag gagandang halaman,

"H-Hindi ka ba nilalamig?" Tanong ko dahil hindi man lang siya nakasuot ng Jacket,

"I can produce heat to make me warm" Napatango naman ako at hindi na nagsalita. Mas lalo kung hinigpitan ang yakap sa sarili ng mas lumakas ang hangin. Napansin ko namang tumayo si Jared na ikinalingon ko,

"Uuwi ka na?" Umiling naman ito at nagpunta sa likuran ko,

"A-Anong ginagawa m-mo?" Umupo ito sa aking likod at hinagkan ako. Naramdaman ko naman ang init ng mga yakap niya na nagpatanggal ng lamig na nararamdaman,

"Nilalamig ka pa?"

"H-Hindi na" Nanatili kami sa ganoong posisyon habang pinapanood ang kalmadong karagatan, sana ganito na lang kakalmado ang lahat

"Do you want story?" Tanging tango lang ang tinugon ko sa tanong niya na naging senyales upang mag umpisa siyang magkwento,

"This is about the story of The Long Lost Legendary Princess of Magos" saglit akong napatingin sakanya at nagtama ang aming mata, nginitian ko ito at ganon din siya. Umayos ako ng pagkakaupo at sumandal sa dibdib niya. Damang dama mula sa likuran ang bilis ng pagtibok ng puso nito,

"Queen Saphire and King Aiko William lost their only Daugther, Princess Samantha Akira William while battling the Tarchannens. A lot of myths believe that one of Tarchannen or Soudeour abduct the said Royalty. It's one of ths reason why the people of Leukos what we called Lucēre is very determined to find the location of Tarchannen. Not only the Leukos, the whole Magos is very inclined to find the Lost Princess"

"Maliban sa rason na anak siya ng Hari't Reyna ng buong Magos ano pa ang dahilan kung bakit determinado ang lahat sa paghahanap dito?"

"She holds the seven spirit of God and Goddesses. The fire, water, air, nature and the unknown spirit of Lioht and Phlegein"







EDITED

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon