Chapter 32

1.3K 44 0
                                    

Gising pa rin ako kahit na malalim na ang gabi, hindi ako makatulog sa kakaisip kung anong mangyayari bukas at kung sino ang makakalaban ko. Tapos na ang lahat at tanging mga prinsipe at prinsesa na lang at ako ang hindi pa.

Napabangon ako mula sa pagkakahiga at nagpunta sa banyo upang maghilamos. Gaya ng nakasanayan tuwing hindi ako dinadapuan ng antok lumalalabas ako ng dormitoryo at saglit na nagpapahangin. Nagpunta ako kung saan kami nagusap ng gabing iyon, napatigil naman ako ng may makitang pigura ng dalawang taong nakaupo,

"Ikaw naman kasi eh! Pwede namang doon kana lang nag aral!" Natunugan ko agad ang boses ng isang babae na sa aking palagay ay si Athena,

"I can't Athe. All royalties are required to study here"

J-Jared

"Lagi naman kitang binibisita sa inyo ah"

"Oo nga pero iba pa rin yung kasama kitaa" Medyo malayo man at nakatago sa likod ng malaking puno kitang kita ko kung paano pumulupot ang mga braso ni Jared sa bewang ni Athena,

"I miss you" Bago pa man makita ang paglapit ng dalawa sa isa't isa agad na akong umalis at tinahak ang madilim na kagubatan.

Takbo at lakad ang ginawa ko habang ang mga luha ay patuloy na umaagos, hindi ko alam ang pupuntahan at hindi ko alam kung nasaang kagubatan ako. Ang nasa isip ko lang ay takasan ang sakit na nararamdaman,

"You always running Sam"

Napatigil ako't napaupo sa mga damuhan ng marinig muli ang boses ng babaeng laging gumugulo sa akin,

"K-Kasi ang sakit sakit na! Pagod na ako! Ayaw ko na!" Diniinan ko ang mga palad sa aking dibdib nagbabakasakaling mabawasan ang sakit,

"You keep on running not knowing you're running on a circle. Sinasayang mo lang ang oras mo sa pagtakbo ngunit patuloy ka lamang na bumabalik sa iyong pinanggalingan. Walang katuturan ang pagtakbo mo, harapin mo ito Samantha"

Patuloy lang ako sa pagiyak habang nanatiling nakahawak sa mga naninikip na dibdib,

"W-Why do I need to suffer like this?"

"People should suffer so that they can learn. Without suffering there is no lesson, you will keep doing the same thing if you don't suffer and realize the lessons behind those sufferings. Grow up Sam. You are a Woman. Don't run. Face it."

Tumigil na ang luhang naging dahilan upang lumabo ang aking paningin, medyo nabawasan naman ang sakit sa dibdib na nagpapahirap sa akin sa paghinga. Tumayo ako at pinahid ang pisnge na basang basa dahil sa pagluha,

"That's it Samantha. Stand up because you are a brave woman, don't let anyone else bring you down for as you are the Queen of yourself"

Huminga ako ng malalim at dinama ang malamig na simoy ng hangin habang unti unting pinipikit ang mga mata at inaalala ang mga masasakit sa nakaraang dahilan kung bakit hindi ako makaabante sa hinaharap at sinabayan ang babaeng patuloy na bumabagabag sa akin,

"Accept the past. Let the future in. Accept the pain and learn with it. Forgive the people that cause you pain but don't let them fool you again. Be brave. Keep on fighting. Focus on what's infront of you not the things that already behind you. Take a deep breath, clear your minds and let the pain make's you braver."

"Accept the past. Let the future in. Accept the pain and learn with it. Forgive the people that cause you pain but don't let them fool you again. Be brave. Keep on fighting. Focus on what's infront of you not the things that already behind you. Take a deep breath, clear your minds and let the pain make's you braver."

Kasabay ng mga salitang binibigkas ay ang paginit ng aking katawan na tila ba may isang enerhiyang gustong kumawala, dinama ko ito at unti unti ay pinakawalan.

"AAAAAAAAAHHHHHHHHHH!"

Isang malakas na sigaw ang aking binitawan na umalingawngaw sa buong kagubatan. Tila nakikiisa ang mga naglalakasang kidlat sa aking pagsigaw. Kasabay ng liwanag na nagmula sa aking katawan ay ang paglakas ng hangin at pagbuhos ng  malakas na ulan. Patuloy ang aking pagsigaw dahil sa magkahalong sakit at init na nararamdaman, ganon din ang liwanag na patuloy na lumalabas sa aking katawan.

Unti unting humina ang liwanag at tuluyang nawala. Tuluyan naman akong napaluhod habang hilong hilo sa pagod na nararamdaman. Bago pa man mawalan ng malay at bumagsak sa lupain isang braso ang sumalo sa akin,










"R-Roshima"

The Long Lost Legendary Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon