Chapter 1

55.1K 585 28
                                    

Sa bawat malalalim na lubak na nadadaanan ni Lovelle ay napapangiwi na lamang siya. Lalo na kapag bumabaon ang gulong ng kanyang sasakyan sa malalim na hukay.

Darn! Pero huwag naman sanang bumigay ang Rav 4 niya. Paano kung ma-stuck siya sa isang malalim na lubak?

She was travelling alone. At walang makakatulong sa kanya if fever. Tahimik sa kahabaan ng rough road na kanyang tinutugpa. Walang tao sa paligid. More or less, the residents were already in their houses, taking a rest after long hours of work in the field, or maybe they were preparing already to cook their dinner.

Isang napakalalim na lubak ang nadaanan niya. Muntik na siyang ma-stuck doon. But she managed to get through.

She could already feel the strain of the road's poor condition to the engine of her car. Malapit na siyang makarating sa kanila pero mukhang nahihirapan nang tumakbo ang kanyang minamanehong sasakyan.

Napatampal sa manibela si Lovelle nang pumugak-pugak ang tunog ng makina ng sasakyan. Maya-maya pa ay tuluyan nang bumigay iyon at tumirik sa gilid ng daan.

"Damn!" she cursed in annoyance. Bumaba siya at malakas na ibinalibag pasara ang pinto.

Holy shit, but she’s stuck!

Ano ngayon ang gagawin niya? Wala siyang kaalam-alam sa pagmemekaniko.

Her already crumpled face gained more creases as she irritatingly gazed at her car.

Binuksan niya ang hood ng kanyang kotse. Sa loob ng dalawang taon pagkatapos niyang bilhin ang kanyang Rav 4, ito ang unang pagkakataong itinirik siya ng sasakyan. Her car was always dependable, but it was humming a different tune today.

Hindi siguro nakayanan ng sasakyan ang malalalim na lubak na nadaanan niya kanina. Isa pa ay mahaba ang biniyahe niya mula Manila hanggang Santa Barbara. At ito ang unang pagkakataong bumiyahe siya nang napakahaba at tuloy-tuloy.

It was a seven hour  more or less non-stop driving. Hindi rin lahat nang dinaanan niya ay sementado. May mga bahagi ng daan na rough road. Pero nang dumating na siya sa Santa Barbara at papasok na sa baryo nila ay mas lalong lumala ang kondisyon ng daan. Malalalim na ang mga lubak na kailangan niyang daanan.

Natuon sa lubak-lubak na daan ang atensiyon niya dahil kung hindi ganoon ang sitwasyon ng daan ay hindi sana bumigay at tumirik ang kotse niya.

She cursed silently.

Sinubukan niyang silipin kung ano ang sira sa makina ng kanyang kotse ngunit hindi niya naman alam kung papaano titingnan iyon.

Of course, she knew nothing aside from driving, what would she expect?

Sa loob ng dalawang taon ay hindi siya binigyan ng sakit ng ulo ng sasakyan niya. Kahit pa paminsan-minsan ay dinadala niya sa automotive shop upang ipa-check. Kaya naman ay nasanay na siya na maayos iyong umaandar palagi. Ni hindi nga siya nag-abala pa na ipakondisyon ang sasakyan bago siya bumiyahe ngayong araw. Oh well…

She glanced at her wristwatch. It was five o’clock in the afternoon. Lalo siyang nanlumo dahil sa mga oras na iyon ay wala nang pampasaherong trysikel na bumibiyahe papasok sa baryo nila.

Santa Barbara was a peaceful, farming community in Central Luzon. Simple at payak lang ang pamumuhay ng mga tao na karamihan ay mga magsasaka. Mabibilang lang din sa daliri ang may mga sariling sasakyan. Karamihan sa mga iyon ay nagmamay-ari nang malalapad na mga lupain. 

Mga limang kilometro pa ang layo niya mula sa kanilang bahay kung saan siya nasiraan ng sasakyan. Kung maglalakad siya ay tiyak na aabutan siya ng dilim sa daan. And to add more to her dilemma, she was wearing high-heeled boots! Talk about appropriate footwear, eh?

Her Knight In Shining Armor (Published)Where stories live. Discover now