Chapter 3

29K 361 9
                                    

 

Pagising niya nang umagang iyon ay nakita na niya ang kanyang kotse sa garahe nila. Kaagad na nilapitan niya iyon at binuksan ang pintuan ng driver’s seat. She slid inside the car.

Nakita niya ang susi sa keyhole at ginamit iyon upang paandarin ang makina ng sasakyan. Maayos na umandar iyon.

So her car was already fixed? Looked like yes! Or better yet, she should do a test drive.

Minaneobra niya paatras ang kotse niya para masigurong maayos na ang kondisyon niyon.

And yes, the sound coming from the engine went out smoothly. When she was finally convinced that her car was back in good shape, she drove it back to their garage.

Lumabas siya ng kotse at muling pumasok sa loob ng bahay. Nadatnan niya sa kusina ang ina na naghahanda ng agahan. Tumulong siya rito at inako na ang pagpiprito ng hotdog.

“Nasa garahe na ang sasakyan mo, Lovelle. Inihatid ni Kian kagabi pagkatapos niyang ayusin.”

“Oh yeah…” She shrugged her shoulders. “I saw it already in the garage, Mom…”

“Na-check na rin iyan ng Daddy mo kanina at okay na raw. Maganda raw ang pagkakaayos ni Kian sa kotse mo…”

Hindi siya nagbigay ng komento sa sinabi ng ina. She rolled her eyes secretly. Well, she didn’t care!

“Oh, Lovelle, ang sabi nga pala ni Kian kagabi, pupunta daw siya mamayang hapon. He wanted to visit you. Aba eh ang tagal n'yo ring hindi nagkita, ano?”

Her eyebrows rose sardonically. Oh, so Kian wanted to pay her a visit? The nerve!

Pagkatapos nang nangyari sa kanila eight years ago, how dare him face her with such confidence that she didn’t know he was capable of. He was acting like everything was normal between the two of them, that there was no untoward incident that happened between them.

But well, she was not like him. That was for sure! She can’t fake things. She can’t take his presence and she didn't want him around her anymore.

No, she did not want him hang out with her ever again or vice versa. She wanted to shriek in abhorrence at the thought of her and Kian being together. At sa isiping tatlong linggo siyang mamalagi sa Santa Barbara, she fumed in annoyance. That means, she had three weeks to deal with him.

Ngayon niya gustong pagsisihan kung bakit ginawa niyang tatlong linggo ang bakasyon niya. But well, it was actually her mother’s idea. Kung siya lang ang masusunod, pinakamatagal na ang isang linggo.

Pero sa unang pagkakataon, sa loob ng walong taon, ay ngayon lang umungot ang Mommy niya na habaan ang bakasyon niya. Sa tuwina ay ang mga magulang niya ang lumuluwas ng Manila upang makasama siya. Her mother would stay for a few weeks in her place. Palagi kasi siyang busy sa trabaho niya.

Mamayang tanghali ay aalis siya para hindi siya mararatnan ni Kian sa bahay nila. She will just avoid him if he won’t avoid her. Masisira lang ang araw niya kapag makaka-engkuwentro niya ang dating kababata. So she impulsively planned to visit one of her high school friends later this afternoon.

“May pupuntahan ako mamaya, Mommy.” She removed the hotdogs from the frying pan, at inilagay sa pinggan. “Please tell him I won’t be available should he come this afternoon. Pasensiya na…”

“Aba at matagal din kayong hindi nagkita ni Kian ah. I’m sure he misses you, Lovelle. He’s your childhood sweetheart… your best friend. Don't you miss him?”

Her face hardened in dismay. How can she miss that traitorous kind of a friend?

Her mother really had no idea how she had hated Kian.

Her Knight In Shining Armor (Published)Onde histórias criam vida. Descubra agora