Chapter 4

17.5K 199 4
                                    

Ipinarada niya ang sasakyan sa harapan ng isang dalawang palapag na lumang bahay-kastila.

Mukhang tahimik ang kabahayan. Baka walang tao?

She turned off the engine of her car. Then she went out of it. She walked towards the steel gate. Walang doorbell.

She looked for a coin in her pocket and used it to knock on the steel gate. Maya-maya ay may dumungaw sa bintana.

“Abigael!” Natutuwang kumaway siya sa babae. Nagulat ito nang makita siya. Her old friend looked surprised.

“Lovelle!” She shrieked in excitement at nagkukumahog na bumaba ng bahay. Pinagbuksan siya nito ng gate. They embraced each other tightly.

"Kamusta ka na , Abi?" She really missed her friend. It had been years since they last saw each other.

"Lovelle!!!" Sumisigaw na muli siya nitong niyakap. "Grabe, ang ganda-ganda mo na talaga. Nakita kita sa tv, oh em gee!"

She just smiled.

"Buti naman at umuwi ka na at hindi mo ako nakalimutang bisitahin. I so missed you so much, friend." Hindi ito magkamayaw sa pagkukumahog. "Halika, pasok ka." Inakay siya nito papasok sa loob ng kabahayan.

"Kamusta ka na? Anong balita sa'yo?" Abigael started firing her questions the moment her butt sank on the sofa.

"Heto, okay naman ako. Ikaw, kamusta na?"

"Ay naku, ganito pa rin ako. Alam mo namang maaga akong nag-asawa, 'di ba?"

Tumango siya.

"Ayan, ganito pa rin naman ang buhay ng mga tao rito sa Santa Barbara. Wala pa ring ipinagbago. Sandali lang ha at kukuha ako nang mamemeryenda."

"Okay..." She studied Abigael. Despite of the fact that she married early, she looked fine. She gained a little bit of weight which made her looked healthy. She was so skinny before. Mukhang hiyang sa pag-aasawa ang kaibigan niya. From what she heard, Abi married a seaman.

Abigael went to the kitchen. She was left alone in the living area. She hovered her eyes around the surroundings. Nang may mahagip ang paningin niya.

A cute, little girl was behind a door, shyly peeking at her. She smiled and waved at her. Gumanti nang kaway ang bata.

Bumalik si Abigael na may dalang tray ng pagkain. Nakita nito ang kinawayan niya.

"Come here, Shy," tinawag nito ang anak. "Tita Lovelle is here. Say hello." Lumapit ang anak nito, mukhang nahihiya. "Lovelle, this is my daughter, Shy," pagpapakilala nito sa anak.

"Hi, Shy!" She warmly greeted the cute, little girl.

"Hi, Tita Lovelle!" inabot nito ang ina at may ibinulong. Natawa si Abigael. Tapos ay binalingan siya. "My daughter just said that you are pretty."

Lumapad ang ngiti niya. "Thank you, Shy. Ikaw din naman. Pretty rin." Napangiti ang bata sa tinuran niya.

"Lika, mag-meryenda muna tayo." Si Abigael na inabutan siya ng sandwich.

"Thanks!" Inabot niya ang ibinigay nito.

Nagsalin din ito ng isang basong orange juice at ipinatong sa coffee table na nasa harapan niya.

"So kailan ka dumating?" Maya-maya ay tanong nito.

"Kahapon lang." She took a bite on the sandwich.

"Talaga? Tapos binisita mo agad ako?"

She nodded her head.

"Ay! Touched naman ako, Lovelle. Salamat at hindi mo ako kinalimutan bilang isang kaibigan."

Her Knight In Shining Armor (Published)Where stories live. Discover now