Chapter 9

24K 327 15
                                    

“Hi, Love!”

Lovelle’s face brightened.  Si Kian ang napagbuksan niya ng kanilang gate. Narinig niyang may nag-doorbell kaya lumabas siya ng bahay upang tingnan kung sino ang dumating.

“Hi!” She answered. Pagkatapos nang nangyari kahapon, when he saved her from the perils of a snake bite, she didn’t know what to act. But one thing was for sure, she wasn’t angry with him anymore.

“Are you busy?”

“No, I’m not. Actually naiwan akong mag-isa dito sa bahay.” She was scratching the hem of her shirt unconciously.

Kian smiled. “So, can I invite you out?”

“Saan?” Napalunok siya. He was smiling so sweetly at her and she felt so mushy inside.

“Diyan lang sa bahay. Nagluto ng masarap na lasagna si Mama at kailangan niya ng bisita na kakain ng luto niya.”

“Oo ba.” Mabilis na sagot niya habang malapad ang ngiti. Masarap magluto ang Mama ni Kian. Alam niyang magugustuhan niya ang nilutong lasagna nito. “Sandali lang at magbibihis ako. Pasok ka muna at pakiantay ako sa sala.”

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Kian nang marinig ang sagot niya.

“Lovelle, kamusta na, ija?”

“I’m doing fine, Tita Patricia,” kaagad na nakipag beso-beso siya sa babae.

“Ang ganda mo na ngayon!” Humahangang hinagod siya nito ng tingin. “Don't get me wrong ha. We all knew that you are already pretty before but look at you now. You look stunning! Hiyang ka sa pagmomodelo, ija.” Patricia’s chinky eyes were twinkling in delight as she surveyed her from head to foot, adoring her loveliness. Namana ni Kian ang singkit na mga mata nito. Patricia was half Chinese, half Filipina. Her father was a Chinese National that escaped from China and settled in the Philippines.

“Thank you po.” She laughed graciously, amused.      “Kaya naman pala palaging nawawala ang binata namin ay dahil nawiwili sa magandang tanawin sa kabilang bahay.”

“Ma,” si Kian na disimuladong pinanlakihan ng mga mata ang ina. “Ready na kami ni Lovelle na lantakan ang niluto n’yong lasagna.”

“Okay lang ba sa iyo, Lovelle? Baka naman at nagda-diet ka at isa ka ng modelo ngayon.” Si Patricia na tinantiya ang reaksiyon niya.

She smiled. “Okay lang po, Tita. Actually, miss ko na rin pong kumain ng luto ninyo.”

“Ay ganuon ba,” masayang bulalas ng butihing ginang. “O siya maupo ka muna at ipaghahanda ko kayo ng mamemeryenda.” Iyon lang at tinungo na nito ang kusina upang maghanda ng pagkain.

Naiwan sila ni Kian. Umupo siya sa malambot na sofa at inilibot ang paningin sa magarang kabahayan ng mga Manzilla.

Parang walang nagbago sa paligid. Makintab pa rin ang mga gamit at halatang inaalagaan nang husto. Ang mga Manzilla ang pinakamayaman sa baryo nila maging sa buong Santa Barbara.

Ang dalawang palapag na mansion ng mga ito ay gawa sa marmol at adobe. Mamahalin ang mga gamit sa loob ng bahay at alam niyang umaabot sa milyon ang halaga ng gintong chandelier na nakaadorno sa gitna ng sala.

Ngunit sa kabila ng yaman ng mag-asawang Patricia at Ysmael, nanatiling magiliw ang mga ito sa lahat ng uri ng mga tao.

Magaling magdala ng tauhan si Ysmael at hands on ito sa pamamahala ng kanilang malawak na lupain. Ugaling namana ng nag-iisang anak nito, si Kian.

Maya-maya pa ay may sumulpot na dalawang katulong sa sala. Dala-dala ng mga ito ang pagkaing inihanda ni Patricia.           

“Let’s eat,” si Kian na kaagad na iniabot ang isang platito ng lasagna sa kanya.

Her Knight In Shining Armor (Published)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum