Sa Tabi Mo

656 8 1
                                    

“Takbo Jess! Habulin mo ko!" Masayang sigaw ko. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa makalayo ako sa kanya. Natutuwa ako dahil naunhan ko siya. Nakita kong kumakaway siya saakin na para bang may sinasabi pero hindi ko iyon pinansin bagkus ay tumakbo lang ako nang mas mabilis pa.
Dahil sa tuwa ko, hindi ko namalayan na hindi na pala siya nakasunod saakin. Palinga linga ako pero hindi ko siya makita.

Binalikan ko siya sa kinaroronan niya kanina pero wala na siya doon. Natatakot ako, hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Umupo muna ako saglit para magpahinga. Hinihingal kasi ako kakahanap sakanya. Ito ang unang pagkakataon na pinakaba niya ako ng sobra. Kumalma ako dahil alam kong nandyan lang siya at pinagtitripan lang ako. Isinandal ko ang ulo ko sa posteng pundido ang ilaw.

Mayamaya lang ay hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako, pagkagising ko ay madilim na. Tumayo ako at pinagpag ang aking damit. Kinakabahan ako pero pilit kong inaalala ang daan patungo sa bahay nila. Sobrang dilim ng kalsada, tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagbibigay liwanag sa dinadaanan ko ngayon.

Nakakapangilabot dahil may naririnig akong iba't ibang ingay. Habang papalapit ako sa bahay nila, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Nang makarating ako sakanila ay nagmamadali akong kumatok. Bumungad saakin ang mukha ng Mama ni Jess.


"Nasaan si Jess?" Tanong ng Mama niya na ikinatayo ng mga balahibo ko. Gulat akong tumingin sa kaniya.


"Hindi ko po alam." Magalang na sagot ko.


"Diba magkasama kayo kanina?" Untag niya. Dahan dahan akong tumango kahit na sobrang kinakabahan na ako sa paraan ng pagtingin ng Mama niya sa akin.


"Kung magkasama kayo saan siya ngayon?"


"Magkasama po kami kanina pero bigla po siyang nawala sa paningin ko." Sagot ko.  Kinakabahan ako at nanlamig dahil mukhang galit ang Mama niya saakin.

"Kunin mo ang celphone mo sa loob. Tawagan mo siya." Malamig na tugon niya. Sinunod ko ang sinabi ng Mama niya. Mabilis akong nagtungo sa sala dahil doon ko naiwan ang celphone. Sinubukan kong kontakin ang phone ni Jess. Ring lang ng ring ito nung una pero ilang saglit lang ay may sumagot. Kinakabahan ako na natutuwa dahil sinagot niya ang tawag ko.


"Hello Jess sa'n ka ngayon? Ba't nawala ka bigla? Bakit iniwan mo ko doon sa--" Hindi ko pa man natapos ang dapat kong sabihin ay may sumagot na sa  akin.


"Hello Ate, puntahan niyo po si Kuya dito sa may plaza, sa harap ng flower shop. Duguan po siya ngayon!" Hingal na pagsasalita ng babae. Nabigla ako sa huling sinabi niya. Bakit? Paanong? Natataranta akong lumabas ng bahay.

"San ka pupunta Iza?" Tanong ng Mama niya.

"Si Jess daw po duguan. Nasa may plaza, sa harap ng flower shop." Pigil hiningang sabi ko.

"Ano?! Bakit? Teka, halika puntahan natin. Tumawag ka ng ambulansya!" Natataranta ring sigaw niya.

Tumawag ako ng ambulansya. Pagkatapos nun ay nagmamadali kaming umalis. Habang papunta  kami ay tahimik at taimtim akong nagdarasal para sa kalagayan ni Jess. Ilang saglit lang ay huminto na ang sinasakyan namin.


Pagkababa ko ay hindi ko makaya ang mga pangyayari. May mga taong nagkukumpulan at may mga pulis na nag-iimbestiga sa nangyari. Halos hindi ko na makita si Jess. Pilit akong sumiksik at ipinagdinan ang sarili para makapasok. Napaluha ako nang makita ko ang duguang katawan ni Jess na nakahiga sa isang stretcher papasok sa ambulansya.

Mabilis akong lumapit sakanya pero hinarangan ako ng mga medics. Hindi ko kinaya ang nakita ko. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. Ano ba ang nangyari? Bakit maraming dugo? Parang kanina lang ay magkasama pa kami. Bigla kong naalala ang mga sinabi niya saakin kanina nung magkahawak kamay kaming nakaupo sa may swing.

"Pag namatay ako, wag kang iiyak Iza ha?" Malambing na wika niya habang hinahaplos ang pisngi ko. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

" Wag ka ngang magsalita ng ganyan Jess!"


"Lahat ng tao ay mamatay din Iza. Kaya kung mawala man ako, tandaan mo na mahal na mahal na mahal kita. Lagi akong nandito para sayo, babantayan kita. Hindi kita iiwan. Ipikit mo lang ang mga mata mo at isipin mong nasa tabi mo lang ako." kahit na nagtataka ay tumango-tango lang ako sa sinabi niya. Pagkatapos nun ay nag-aya akong makipaghabulan para naman gumaan ang hangin sa pagitan naming dalawa. Malawak ang espasyo ng palaruan kaya masarap tumakbo.


"Miss hindi ka pwede dito!" nabalik ako sa kasalukuyan nang sinigawan ako ng isang mama.

"Girlfriend niya po ako." Dahil sa nalaman, agad niya akong pinasakay. Habang nasa biyahe kami, hawak-hawak ko ang mga kamay ni Jess. Pagkarating namin sa ospital ay agad na ipinasok si Jess sa Emergency Room.


Nanginginig ako dahil sa pinaghalong takot at kaba. Sana maging okay lang siya. Niyakap ko si Tita na kanina lang din umiiyak. Pero laking gulat ko nang bigla niya akong itulak palayo.

"Kasalanan mo ito!" Singhal niya sa akin.

"Umalis ka dito! Kasalanan mo kung bakit nasa piligro ang buhay ng anak ko!" Umalingawngaw ang boses ng Mama niya sa ospital. Kahit na labag sa kalooban ko ang mga sinasabi niya ay nakayuko akong umalis. Hindi ko masisi si Tita kung bakit niya nasabi iyun. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero sigurado akong may kasalanan din ako.


Kinabukasan ay bumalik ako sa ospital. Nasa ICU si Jess. Malala kasi ang kondisyon niya. Kagabi ay pumunta ako sa lugar na pinangyarihan ng aksidente. Nandon pa ang mga pulis pagkarating ko. Nilapitan ko sila at nagpakilala. Tinanong ko kung ano ba ang totoong nangyari. Sabi nila na hit and run daw. Ayon sa mga witness patawid daw si Jess nang biglang may mabilis na sasakyang dumaan. Nanlumo akong bigla sa narinig. Binigay nila saakin ang isang bouquet ng mga bulaklak na may kasamang card sa gilid. Kinuha ko ang card at binasa ang sulat nito.


"Palagi mo sanang tandaan na mahal na mahal kita. Kung sakaling dumating man ang araw na wala na ako, tandaan mo lang 'yung sinabi ko. Mahal kita Iza ko."


Napahagulhol ako sa nabasa.

Ilang buwan narin akong pabalik-balik sa ospital pero hanggang ngayon ay hindi parin nagigising si Jess. Patago ako kung bumibisita dahil baka magalit si Tita.  Isang araw, dumalaw ako kay Jess, hindi nga ako nagkamali sa aking sinabi dahil nagalit siya nang maabutan niya ako. Pero gayun pa man ay hindi ako sumusuko na makadalaw kay Jess araw-araw.


"Jess hindi ka ba napapagod na matulog?" Tanong ko habang hawak hawak ang mga kamay niya.

"Gumising ka na Jess. Miss na miss na kita." Hindi ko mapigilan na hindi mapaluha.

Naramdaman kong gumalaw ang daliri niya. Bigla akong kinabahan dahil tumunog ang makina sa gilid ko. Natataranta ako, kaya tinawag ko ang mga nurse at doktor. Napaluha akong nagmamasid kay Jess na pinagtutulungan.


"Clear!"

Nakakabingi ang tunog ng makina. Ayokong tingnan. Ayokong paniwalaan ang nangyayari ngayon.


"Time of Death, 11:43 pm." Pag-a-anunsyo ng doktor.


Tinakpan nila ng puting tela si Jess. Napaupo ako, hindi ko kayang makita na wala na siya. Pumikit ako at ginawa ang sinabi niya sakin kahapon. Pilit kong iniisip na andito pa siya pero ang katotohanan na ang gumising sa akin.

"Pakipirmahan nalang po ng death certificate."


Compilation of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now