Celina

484 9 2
                                    

Sa isang malawak na paaralan, tahimik na nakaupo si Celina sa sulok ng kanilang silid habang naghihintay sa kanilang susunod na guro. Isang transferee student si Celina galing sa Maynila dahilan kung bakit naninibago siya sa lugar na kanyang ginagalawan. Isang tahimik na dalaga si Celina, minsan lang siya kung umimik kadalasan ay nagsusulat o di kaya'y nanonood lamang siya ng telebisyon. Walang ingay niyang pinasadahan ng tingin ang kanyang mga bagong kaklase, mga kaklase niyang abala sa pakikipag-usap sa bawat isa.

Nang magsawa na siya sa pagmamasid, sumilay sa kanyang labi ang nakakapangilabot na ngiti. Marahil ay may naiisip na naman siyang kakaiba.

"May nakita akong cute guy kanina sa may gate." Kinikilig na sabi ng babaeng katabi niya. Nginitian lamang ni Celina ang babae pagkatapos ay yumuko. 'Di nagtagal may isang nakakabighaning lalaki ang pumasok. Isang lalaking may mala anghel na anyo. Nagtataglay ito ng maganda at perpektong hugis ng mukha. May mapupungay din itong mga mata, may matangos na tulay ng ilong at mayroon din itong mapupulang labi. Halos lahat ng estudyante sa loob ng silid ay naagaw ang atensyon pagkapasok nung lalaki.

Mula sa pagkakayuko ni Celina biglang umangat ang tingin niya nang magsalita ang nag-iisang taong nakatayo sa harapan.

"Good morning," bati ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Celina, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso, kasing bilis ng tumatakbong yapak ng mga kabayo. Hindi maipaliwanag ni Celina kung ano ang kanyang nararamdaman. Siguro ay natatakot siya o di kaya'y may ibang dahilan.

"Good morning, Sir." Nabigla si Celina nang malaman niyang guro pala nila ito.

Samantalang abala sa pagsasalita ang kanilang guro sa harap, muling yumuko si Celina at ipinatong ang isang kamay sa mesa habang ang mga palad niya naman ay nasa kanyang noo. Napabuntong hininga siya sapagkat may ilang salita siyang hindi naiintindihan.

Naglakad palapit ang may mala anghel na mukha nilang guro papunta kay Celina. Ang mukha nitong perpekto ay nagtataka kung bakit may isa sa mga estudyante niya ang hindi nakikinig.

"Okay ra ka Miss?" Untag ng guro ni Celina gamit ang sariling diyalekto. Napaangat ng mukha si Celina dahilan kung bakit nagkatitigan sila ng ilang sandali. Umiwas siya ng tingin. Nagsalungat ang dalawang kilay niya nang maisaisip niya ang tanong ng kanyang guro.

"Po?" Patanong na sagot ni Celina dahil hindi niya naintindihang muli ang sinabi nito.

"Okay ra ka?" Balik na tanong ng guro sa kanya.

"Pasensya na po pero hindi ko po kayo naiintidihan, tagalog lang po alam ko." Magalang na sabi ni Celina habang maigi niyang pinagmamasdan ang mukha ng kanyang guro. Ngumiti ang kanilang guro sa kanya bago ito tumugon.

"Ahh, kaya pala. Ang tanong ko sayo ay kung okay ka lang ba?" Dahan dahang tumango si Celina sa untag ng kanyang guro. Umayos ng upo si Celina at muli itong nakinig sa guro niyang may mala anghel na anyo.

"My name is Jake Rivers and I am your class advisor." Pagpapakilala ng guro nilang abot tenga ang ngiti.

"Ang cute mo naman Sir," rinig niyang sigaw ng isa sa kanyang mga kaklase. Maiging tinitigan ni Celina ang babaeng sumigaw. Napangiti si Celina sa kanyang naulinagan pati na rin ang guro nila. Totoo naman kasi talagang cute ang kanilang maestro.

Nang matapos ang kanilang orientation, tumayo si Celina at naglakad papunta sa library.  Nakangiting umupo siya sa pinakasulok ng silid sabay kuha sa kanyang celphone.

Jake Rivers. Tinipa niya ito at  isinearch sa facebook. Ilang sandali lang ay lumabas at nagpakita ang profile nito. Bago niya pindutin ang friend request, tiningnan niya muna ang mga larawan ng kanyang Business Math teacher.

Compilation of One Shot StoriesKde žijí příběhy. Začni objevovat