Munting Regalo

419 4 1
                                    

"Nanay! Tatay! Wag niyo po akong iwan." Umiiyak na pakiusap ko sakanila. Nakita kong may bitbit silang malalaking bagahe na pinasok nila sa likod ng tricycle.

"Anak kailangan naming gawin ng Tatay mo 'to para sa kinabukasan mo. Isang taon lang naman anak babalik din kami agad." Sabi ni Nanay, binigyan niya ako ng huling halik bago sila sumakay. Umiyak lang akong umiyak. Nakita kong umandar na 'yung tricycle na sinakyan nila sinubukan kong humabol pero 'di na ako umabot.

"Trixie halika dito. Pasok na baka ano pang mangyari sayo d'yan." Sabi ni Lola na nakatayo sa harap ng aming bahay. Tumakbo ako papunta kay Lola at niyakap siya.


"Lola ba't ganon? Bakit kailangan pa nilang umalis? Bakit kailangan pa nila akong iwan dito?" Sunod sunod na tanong ko kay Lola.


"Maiintindihan mo rin balang araw Apo. Para sa ikabubuti mo ang gagawin nila. Para sa kinabukasan mo." Malungkot ako na pumasok sa bahay. Araw araw tinanong ko si Lola kung kailan ang balik nila. Noong minsan noong nakulitan na si Lola saakin ay gumawa siya ng paraan. Binigyan niya ako ng kalendaryo. Araw araw binibilugan ko ito. Pero makalipas ang ilang linggo buwan at mga taon wala parin sila. Hindi nila ako binalikan gaya noong sabi nila na isang taon lang silang mawawala. Ilang birthday ko na, na wala sila dito.

"Trixie andaya mo naman!" Sigaw ng mga kalaro ko. Naglalaro kasi kami ng chinese garter sa harap ng aming bakuran.

"Oo nga umuwi ka nalang." Hiyaw naman nung isa. Napayuko nalang ako habang naglakad paalis papasok sa aming bahay. Hindi nalang ako umangal pa.


Hindi naman ako nandaya sila nga yung nandaya e,  pasok naman yung paa ko sa chinese garter 'di ko naman natapakan. Ang sabihin nila hindi nila ako gustong pasalihin sa laro dahil may iba silang gustong ipalit saakin. Kung kailan kaarawan ko at gusto kong maging masaya pinagbabawalan naman nila ako.


"Trixie halika na Apo pasok ka sa loob. Maligo at magbihis ka kay baho mo na. Bilisan mo may pupuntahan tayo." rinig kong sabi ni Lola mula sa sala.

Bigla akong naganahan sa sinabi ni Lola. May pupuntahan daw kami. Saan kaya?


"San tayo Lola?" Untag ko habang nakatingala sakanya.

"Wag ng maraming tanong apo maligo ka na para maaga tayo makaalis." Nakangiting tumango lang ako.

Gaya ng sabi ni Lola naligo at nagbihis ako ng pinaka maayos ko na damit. Baka kung saan kami pupunta ayoko namang maging dugyot tingnan. Inayos ko yung buhok ko at tinirintas. Naglagay ako ng konting pulbo sa mukha parehas ng ginawa sa akin ni Lola noon.


"Aba mukhang excited ang Apo ko. Siya, halika na at umalis na tayo. Alam kong magugustuhan mo itong munting surpresa ko para sayo. Maligayang kaarawan apo." Bati ni Lola. Malapad akong  napangiti sa sinabi niya. Umalis kami ng bahay at nagtungo sa terninal ng bus sumakay kami buti nalang at pa puno yung bus.


Hinawakan ni Lola ang kamay ko. Ako naman ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Dalawang oras pa ata bago kami makarating sa lungsod.

Ang sarap at ang presko ng hangin. Ika-labing isa na kaarawan ko na ngayon. Makalipas ang dalawang oras na biyahe nakarating rin kami. Bumaba kami ni Lola sa terminal at sumakay ulit ng tricycle.

"Lola saan po ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko.


"Sa mall apo. Ipapasyal kita gaya ng nakasanayan natin." Tugon ni Lola.


Tama nga ako sa mall nga ang punta namin. Sa malaking gusali na puno ng mga tao at iba't ibang bagay.


Habang papasok kami nakahawak parin ako sa magaspang na kamay ni Lola. Ayokong mawala dahil masyadong malaki ang gusaling ito. Naglakad lakad lang kami.  Nilibot at binusog ko ang mga mata ko sa mga bagay na hindi ko makikita sa amin.

Compilation of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon