A Wrong Fall (Dagli)

100 2 0
                                    


"Bes, kinikilig talaga ako sa kan'ya." Saad niya na parang nasa harap niya 'yung kinakikiligan niyang lalaki.

"Ayan ka na naman sa kilig kilig na 'yan pag ikaw nasaktan, asahan mong masakit talaga 'yan." Sabi ko sa kaniya na may halong pang-aalaska.

"Baliw! Pero ang hot n'ya bes! Ang gwapo niya. Tas ang talino pa. Total package na." Nakangising sabi niya. Kita ng dalawang mata ko kung paano namula ang kaniyang pisngi nang ilarawan niya ang lalaki sa akin.


"Total package ka d'yan. 'Yang mga ganyang lalaki, iyan 'yung mga tipong paglalaruan ka lang. Papaasahin, papaibigin at kapag nahulog ka na, agad ka rin niyang iiwan." Pait na sabi ko. Totoo naman kasi e. Sa una lang sila magaling tas kung sawa na sila sa'yo hahanap din 'yan kaagad ng pamalit.

"Bes ba't ang bitter mo? Support nalang kasi." Nakakunot noong sabi niya.

"Hindi ko magawang suportahan 'yang mga ganyang bagay." Malamig na wika ko.

"Kung ako sa'yo bes simulan mo ng sumuporta kasi ramdam ko, ramdam kong gusto niya rin ako." 

"Feeling mo lang 'yan." Sabi ko sabay inom ng iced tea.

"Pero kasi ang sweet niya sa akin kanina. Nilapitan niya pa nga ako, e. Nakita ko ring nagnanakaw tingin siya sa akin. Nakakakilig." Tuwang tuwa na saad niya. Ewan ko ba talaga sa babaeng 'to. Ang hilig hilig magka-crush sa mga lalaking mahirap abutin. Sa mga lalaking masyadong perpekto. Nakakainis kasi sa totoo lang hanggang tingin at imahinasyon lang ang kayang marating n'yan.

"Sinasabi ko sa'yo kapag ikaw nasaktan at sasabihin mong kailangan mo ko, tandaan mo 'to sa panahong 'yun hindi kita kailangan." Seryosong sabi ko. Pero sa kaloob-looban ko tawang tawa na ako. Nakita ko kasi kung paano lumukot ang kaniyang mukha.

"Nagtataka talaga ako kung bestfriend ba talaga kita." Medyo inis na pahayag niya.

"Ako nga rin, e." Nakangising sabi ko na ikinainis niya pa lalo. Pinaghahampas niya na tuloy ako.

"Uy tama na!" Saad ko sa kaniya.

"Hi Celene." Bati ng isang lalaking nakatayo sa harap naming dalawa. Sabay kaming napalingon. Nakita ko kung paano naging kamatis ang mukha ng kaibigan ko.

"Ah, hello po." Sagot niya na parang mamatay na sa kilig.

"Celene una na pala ako ah may pasok na ako ngayon, e." Paalam ko at nagmadaling umalis.

"Gaga ba't mo ako iniwan kanina?" Nagtatakang sabi niya.

"May pasok kasi ako, 'e." Pagdadahilan ko.

"Sinungaling. Pero alam mo ba, nagkwentuhan kami niyaya niya nga akong maglunch e kaso kumain na tayo kanina."

"Stop that feeling Celene." Seryosong sambit ko.

"Pero sa tingin ko ay nahuhulog na ako sa kaniya. Apat na buwan na Meg. Hindi na normal 'to." Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

"Narinig ko kanina sa faculty ang balita na sila na ni Miss My." Nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo at tumulo ang kaniyang mga luha.

"Matagal ng nililigawan ni Sir, si Miss My, Celene." Sabi ko sa kaniya bago ko siya niyakap.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compilation of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now