Ugaling Milenyal

72 3 0
                                    


Sa kasalukuyan ay ginagawan ko ng facebook account ang aking nakababatang kapatid. Kakabili lang kasi ni papa ng kaniyang selpon. Kaya heto siya ngayon nagpapatulong sa akin kung paano ito gamitin.

Hindi sa amin lumaki si Shena. Buong buhay niya ay nakatira siya sa malayo na kung tawagin ay probinsya. Sa nayon kung saan malayo sa tinitirhan namin ngayon.

"Ayan okay na." Nakangiting sabi ko at ibinigay sa kaniya ang android niyang selpon. Agad niya naman itong kinuha nang nakangisi.

Iniwan ko siya saglit at nagpunta sa kusina upang magluto ng aming tanghalian.

"Eh, ito ate paano ba ito?" Tanong niya ulit sa akin. Lumapit siya at itinuro ang nais niyang malaman.

Kinuha ko saglit ang kaniyang selpon at pinakita sa kaniya kung paano.

"D'yan mo pipindutin kung may gusto kang i-search na kaibigan." Sagot ko.

"Tingnan mo ate, may mga nag friend request sa akin." Excited na sambit niya.

"Ganon ba? Dali tingnan mo." Nakangiting tugon ko naman sa aking kapatid. Kita sa mukha niyang tuwang-tuwa siya dahil sa unang pagkakataon ay may nag-add sa kaniya.

"Kaya lang ate hindi ko maintindihan mga pangalan nila, 'e. Ano ba ito?" Nakakunot noong untag niya.

"Nakikita mo ba ang pangalang 'yan?" Tanong ko sabay turo sa isa sa mga pangalan.

"Opo ate," tumatangong sagot niya. "Kapag gan'yan wag mo silang i-accept kasi masasama silang tao. Tingnan mo ang profile niya. Mga bumbay ang mga 'yan. Pag may gan'to ulit wag kang mag accept nang accept dahil baka may kakaiba silang motibo sa'yo. Base palang sa mga mukha nila hindi imposibleng mga bastos ang mga 'yan."

"Ganoon po ba ate?" Inosente namang tanong niya.

"Oo, kaya mag-ingat ka." Tumango siya sa akin at bumalik sa sala. Isang linggo palang dito si Shena. Halata sa kaniya na nag-aadjust at naninibago pa siya sa bagong buhay na mayroon siya ngayon.

Saktong naluto ang pagkain namin nang tumawag ang aking nobyong si Vince.

"Ate! Ate!" Rinig kong maingay na sigaw ni Shena mula sa sala.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay sinagot ko si Vince.

"Ate!" Nakakabinging sigaw ulit ni Shena. Biglang uminit ang ulo ko dahil sa ingay at kakulitan niya.

"Ano ba?!" Nag-uusok tengang tugon ko sa kaniya. Nakita kong bigla siya napatuwid ng tayo.

"Babe, wait lang ah tawag ka ulit mamaya." Paalam ko sa aking nobyo bago pinatay ang tawag.

"Hali ka nga dito!" Sabi ko at hinila ang may kaliitan niyang braso. "Ba't sigaw ka nang sigaw? Hindi mo ba alam na may kausap ako?" Galit na sambit ko.

"May itatanong lang po sana ulit ate." Mahinang saad niya.

"Tanong ka ng tanong! Aralin mo kasi. Wag puro tanong lang! Nakakainis 'e. Palibhasa kasi walang gan'yan sa inyo. Matuto kang gamitin 'yan. 'Di ba tuwang-tuwa ka nang ibinigay ni papa 'yan?" Nakita ko kung paano tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.

"Hindi ka lang pala mapanghusga ate, mapanlait ka pa." Sabi niya sa akin at agad na tumakbo palayo.

Compilation of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now