chapter 45 : Torque Emperor --

5.2K 54 9
                                    

iForgotmeiname : This is not so important message but I want you to know that I can't update regularly because I have a problem. Sorry for the late update and I want to say thank you for giving me 7 vote/s and 5 comment/s for the last update. I appreciate it. :")

----------------------------

Clifford's POV

Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Raisel , hanggang ngayon nandito pa din ako sa kwarto simula kagabi. Parang ayoko na lumabas pa para lang makita si Empress. Dahil pag-nagkataon baka makita ko na siya na may kasama na iba. 

At ang ibang tao pa na kasama niya ay ang matalik kong kaibigan na ------

Si Raisel pa. 

" Lord Clifford, wala po ba kayong balak na lumabas ng kwarto niyo? Mayroon pa po kayong pasok. Baka po mahuli na kayo sa klase niyo. " sabi sa akin ng maid ko sa labas ng kwarto.

" Don't mind me. Just shut up your mouth you're so annoying! " I shouted her. 

Mukha naman umalis na yung maid sa labas ng kwarto ko dahil hindi na siya nagsalita pa. Pero maya-maya lang may nagsalita na naman mula sa labas ng kwarto ko -- pamilyar ang boses niya na iyon. 

" Hindi kaba lalabas ng kwarto mo o kakaladkarin kita palabas ng kwarto mo? You choose. " boses ng isang babae. 

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa naririnig ko --- kanina lang iniisip ko siya tapos ngayon nandito sa de Volkan Estate at nasa labas siya ng kwarto ko? Dapat ba akong maniwala? 

Maya-maya lang nakarinig ako ng yapak ng paa na papalayo sa pintuan ng kwarto ko -- aalis na ba siya? Hindi na ba niya ako hihintayin na lumabas? Dahil sa kakaisip ko ng kung ano-ano . Agad akong tumayo sa kama ko at pinuntahan ang pintuan ng kwarto ko. 

Pero imbes na buksan ko ito ---- kusang itong bumukas. 

( O_o ) - ganyan ang itsura ko ng bumukas ang pintuan. 

Mali pala --- hindi naman talaga siya bumukas dahil NASIRA ang pintuan ng kwarto ko! Sinira ni EMPRESS! Akala ko umalis na siya pero mukhang mali ako ng iniisip dahil sinira niya ang pintuan ko ng wala man lang paalam sa akin. 

" O' bakit ganyan ang itsura mo? " tanong niya sa akin habang nakatingin na parang gusto niya na akong kaladkarin palabas. 

" P-Paano -- " hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lang siyang nagsalita muli -- 

" I told you. Pag-hindi ka lumabas ng kwarto mo kakaladkarin kita palabas hindi ba ? Don't tell me hindi mo pinaniwalaan ang sinasabi ko kanina? " sabi naman niya sa akin. 

Ngayon naman nakakatakot na ang aura niya dahil nababalutan na siya ng kakaibang aura. I think she's mad on me. Galit na siya! ( >.< ) Huwag naman -- kanina ko pa nga siya iniisip -- no! Kagabi ko pa siya iniisip dahil sa RAISEL na iyon! 

Demon Academy : Black Heartless PrincessWhere stories live. Discover now