chapter 70: time --

2.9K 33 4
                                    

Chapter 70: time. 

HIndi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayon, dahil hindi ako makapaniwala na gagawin ko na naman ang pagkakamali na ginawa ko dalawang taon na ang nakakaraan. Talaga ba na hinahabol ako ng kapalaran ko? Talaga ba na nabuhay ako para maging taga-pag-mana ng Windsor Empire? Kahit na hindi ko naman talaga ginusto ang ganito wala din naman ako magagawa dahil ito na talaga ang nakatakda kong tadhana. 

Wala na ba talaga akong magagawa pa para mabago ang tadhana na matagal ko ng tinatakbuhan? Simple lang naman ang gusto -- at iyon ay ang mabuhay ng simple at magkaroon ng simpleng buhay tulad ng sa iba. Walang iniisip na kung ano-ano na makakapagpabigay ng sobrang pressure lalo na pagdating sa pamilya. Hindi ko alam pero-- bakit ngayon lang pumasok sa isip ko ang lahat ng ito. Dahil ba wala na talaga akong magagawa? 

" Gabby, move. Wala kaba balak na puntahan ang taong pinunta natin dito? Huwag mong ibusin ang oras ko sa wala naman kakwenta-kwentang bagay. " 

Napatingin ako sa Lolo ko, hindi ko na talaga siya kilala. Dahil ibang tao na ang nakikita ko ngayon, hindi ko man lan siya makita na nakangiti sa akin. Akala ko magiging maayos ang lahat kung ipaglalaban ko kung ano talaga ang gusto ko pero hindi pala. Mali pala na ipaglaban ko kung ano ang gusto ko dahil kahit na ano ang gawin ko wala din naman mangyayari. 

Masasaktan ko lang ang mga tao na malapit sa akin kung tuluyan kong ipaglalaban ang kagustuhan ko. Mas mabuti na ako na lang ang masaktan at mahirap kaysa makita ko ang mga tao na mahalaga sakin na nasasaktan at nahihirapan habang ako ang nakakaramdam ng kalayaan. Siguro nga hindi talaga nababagay sa akin ang salitang KALAYAAN. 

" I'm sorry. I'm just spacing out. "

Kung kanina malakas ang loob ko na sagutin-sagutin ang Lolo at nagawa ko pa talaga siyang tutukan ng baril habang nasa mansion kami. Ngayon parang binaligtad na ang mundo namin, dahil nasa kanya ang lahat ng otoridad at karapatan para magsalita. He's Lord Emperor afterall. No ones want to oppose what he say or what he want.

" Let's go. " 

" Yes, Emperor. "

--

Cheska

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nakita ko kanina, parang bigla na lang bumaligtad ang lahat at walang nangyari na plano sa amin mula sa Empress. Ang lahat ng sinabi niya sa amin bago siya pumasok ng opisina ng kanyang Lolo ay nawala na. Ang mukha at expression niya kanina paglabas ng opisina.

" Is she really okay? "

" Ganun-ganun na lang ba ang lahat? "

" Wala na ba talaga tayong magagawa? Hindi pwede na gawin ni Empress ang ganito. " 

Kahit sila ay naguguluhan sa mga nangyayari ngayon, kanina lang bago pumasok ang Empress sa opisina ng Lolo niya nakita ko pa ang mukha niya na punong-puno ng lakas confidence na iisipin mo kaya niyang gawin ang lahat. Nakita ko din siya na ngumiti sa aming lahat, pero ang lahat ng iyan ay parang hindi nangyari. 

Demon Academy : Black Heartless PrincessWhere stories live. Discover now