chapter 60 : change plan --

3.3K 39 3
                                    

Chapter 60 : Change Plan

x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x-x

( 2 Days Ago )

" Empress, nakahanda na po ang lahat. Kailangan na po natin makaalis ng mas maaga upang hindi mahalata ng Lord Emperor na hindi ka magtatagal sa France. " 

Malinaw na inulit ni Cheska ang sinabi niya sa akin kanina lang pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdaman ko kanina pa may nagmamasid sa lahat ng mga kinikilos sa loob ng mansion. 

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, dahil bigla na lang akong nakaramdam ng kaba na hindi ko maipaliwanag. Hindi din ako sigurado kung dapat pa nga ba kaming tumuloy sa plano na nagawa ko , parang may masamang mangyayari. Hindi ko maipaliwanag pero sigurado ako na may hindi magandang mangyayari kung itutuloy namin ang plano ngayon. 

" Empress, what's the problem? " 

" Eugene. " 

" Yes, Empress? Something wrong? " 

" Tell me are you ---  "

Nabigla kaming lahat na nasa kwarto ko dahil bigla na may bumukas ang pintuan ko at sa hindi ko maintindihan na dahilan ang Lord Emperor agad ang nakita ko ng magbukas ang pintuan. Nakatingin siya sa akin ng deretso na parang may gusto siyang sabihin sakin. Pero alam ko na hindi siya makakapagsalita sa harap ng mga kasama ko ngayon dahil hindi siya ganoon na tao. 

Dahil pag-kaming dalawa lang ang dapat na mag-usap wala ni-isa na tao ang dapat na nasa paligid namin para makinig ng aming pag-uusapan. Bakit? Marahil sanay ang Lord Emperor na kausapin ako na ako lang talaga yung tipong walang makakaabala sa aming dalawa. 

" Cheska, iwanan niyo muna kami. " 

" P-Pero --- " 

Hindi ko na siya pinatapos pa, tinignan ko na lang siya ng masama para maintindihan niya na dapat na talaga silan umalis, Mukha naman naintindihan na nila ang ibig kong iparating dahil una na lumabas ng kwarto sina Eugene, Raisel at sinundan na ng magkakapatid na Fuentabella. 

Pero bago pa man sila makalabas ng kwarto napansin ko na nakatingin sa akin si Cass at may sinabi siya o mas magandang sabihin na nagsalita siya pero hindi siya gumamit ng boses. Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko man narinig ang sinabi niya sa akin pero madali ko itong nabasa mula sa pagkakabuka ng kanyang bibig. 

At ang hindi kapani-paniwala na impormasyon na nalaman ko kay Cass ---- 

Empress, there's a traitor. " 

Sa mga oras na ito, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya na iyon. Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na silang makalabas lahat, nasarado na ang pintuan ng kwarto ko at kaming dalawa na lang ng Lord Emperor ang nandito pero na nanatili pa din akong tulala at nakatingin sa pintuan. 

Demon Academy : Black Heartless PrincessWhere stories live. Discover now