chapter 51 : message from L.E --

4.3K 48 3
                                    

Ate Belle : Another chapter. :) Hope you like it ! Thank you ! Ito na ang chance ko para makabawi sa ito at sana makatapos muli ako ng isang maayos na chapter para sa inyo. :) Salamat muli sa mga sumusuporta ng mga istorya ko. HIHIHIHI! Wala lang natutuwa lang ako. I swear. ! :) Promise! HONESTO ( ^_^v )

--------

D A V I D ' S  P O V 

" I promise. " 

Hindi ko alam kung saan na naman ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya iyon. Pero wala naman na ako magagawa pa dahil nasabi ko na sa kanya. Gusto ko din naman ang mga nasabi ko. 

Ayoko ko siyang iwanan , ayoko ko siyang mawala sa buhay ko dahil simula pa lang nng makita ko siya alam ko na agad sa sarili ko na siya na talaga. Hindi ko na kailangan pa na maghanap sa malayo dahil ang matagal ko ng hinahanap ay nasa tabi ko lang. 

Isang araw na din ang lumipas simula ng magkausap kami ni Empress sa kanyang mini-garden. Hindi ko pwedeng makalimutan ang araw na iyon (kahapon) , maraming nangyari na unang beses ko lang narasanan. 

Unang beses kong nakita ang isang Empress Gabriellie na mahiya.

Parang hindi siya ang kinikilalang Black Heartless Princess , dahil unang beses ko din siyang nakita kahapon na umiyak. Hindi lang basta iyak ang nakita ko sa kanya kundi may halo itong kaka-ibang sakit. 

Hindi ko maipaliwanag, Basta. 

" My Lord , " 

Gusto ko ulit siyang makita pero hindi pwede , napapadalas na daw kasi ang pag-alis ko ng academy. Ayoko naman masira ang magandang reputasyon ko sa sarili kong academy, kinikilala ako bilang Gangster Emperor. Kaya dapat --- 

" My Lord... " 

" Bakit ? " Walang ganang sagot ko kay Justine. 

( -_- ) tss. 

Hindi ba niya naisip na may iniisip ako ? Ano naman kaya ang kailangan niya sa akin, palagi na lang siyang istorbo sa aking pag-iisip. Hindi ba ako pwedeng magkaroon ng tahimik na lugar o kahit man lang libreng oras para mag-isip tungkol sa aming dalawa ni Empress. ? 

" Hindi naman masyadong importante ang sasabihin ko pero kailangan mo pa ----- " hindi ko na siya pinatapos at nagsalita na agad ako. 

" Hindi naman pala importante ang sasabihin mo , iniistorbo mo pa ako? " walang ganang tanong ko sa kanya. 

" I apologize , My Lord pero kailangan niyo lang po malaman na pinapatawag kayo ng Lord Emperor. " 

Pagkatapos niyang sabihin iyon --- bigla na lang akong napatayo sa kinauupuan ko. Lord Emperor ? Pinapatawag ako ? Pero bakit --- Ano na naman kaya ang sasabihin niya sa akin ? Hindi kaya alam na niya ? 

Demon Academy : Black Heartless PrincessWhere stories live. Discover now