chapter 59 : intruder --

3.4K 40 0
                                    

Chapter 59 : Intruder 

Clifford 

Dalawang araw na simula ng umalis ang Empress pero wala pa din akong nababalitaan na natuloy nga siyang pumunta sa Japan tulad ng sinabi sa akin ng Head Master. Hindi ko tuloy alam kung saan ba ako dapat pumunta, kung susundan ko ba siya sa France o pupunta na agad ako sa Japan. Sa tingin ko naman hindi magsisinungaling sa akin ang Head Master sa sinabi niya pero --- 

Hindi ko na alam ang gagawin ko! Sila nasa ibang bansa hindi ko man lang alam kung ano ang ginagawa nila tapos ako nandito pa din sa DEMON ACADEMY pumapasok at inaasikaso ang mga papel ko para makaalis na din ako ng bansa. Ngayon lang nangyari sa akin ito na hindi agad naayos ang papeles ko. 

Mas maganda na siguro kung kausapin ko ulit ang Head Master tungkol sa mga nangyayari ngyaon. sigurado ako na may alam na siya dahil imposible na wala siyang nalalaman tungkol sa mga ginagawa ng Empress. 

" Head Master? " 

Nagpakita naman ako sa kanya ng pag-galang kahit hindi naman siya ginagalang ng ibang estuydante dito sa academy. Dahil kung titignan mabuti parang estudyante lang din umasta ang Head Master sa loob ng academy. 

" Come in. Clifford. " 

Pumasok naman agad ako ng sabihin na maaari na akong tumuloy, hindi ko kailangan mag-ubos ng oras sa mga panahon na ito dahil habang malayo si Gabby sa tabi ko pakiramdam ko kalahati na ng buhay ko ang nawawala. Tulad ng dati maluwang ang Head Master Office, papasok pa lang ako sa pinaka-opisina niya ay nakita ko na ang isa sa pinaka-kinaiinisan kong tao na ayaw kong makita. 

Akala ko pa naman hindi na siya magpapakita pa dito dahil umalis na siya ng academy matagal din siyang nawala pero ngayon nandito na naman siya -- hindi naman siguro siya sasali pa sa gulo na nangyayari sa gangster world. Ano ang gulo? Simula ng kumalat ang balita na pag-alis ng Empress marami ng naghangad na umangkin ng puwesto niya dito sa Pilipinas habang hindi pa siya bumabalik.

" Ano ang ginagawa mo dito? "

Diretsong tanong ko sa kanya. 

" Ganyan na ba talaga bumati ang isang Emperor Candidate, Lord Clifford? " 

" Pwede ba Drew, wala akong oras na makipag-away sayo ngayon at hindi ko kailangan ng presensya mo dito sa Head Master Office kaya pwede ba? Umalis ka muna dahil kailangan ko makausap ng personal at mag-isa ang Head Master. " 

Nakipagsukatan pa siya ng tingin sa akin bago muling sumagot sa sinabi ko. Talaga naman na nang-iinis ang lalaki na ito. Kung alam ko lang matagal na, na isa din siya sa mga nagkakagusto sa Empress tulad ni Kevin, matagal ko na dapat siyang dinispatsa. 

" Wala akong balak na makinig sa usapan niyo at wala din naman akong paki-alam kung ano pa ang pag-uusapan niyo. Kaya feel free ka lang Lord Clifford dahil walang walang wala talaga akong balak na makigulo sa problema mo ngayon. " 

Demon Academy : Black Heartless PrincessWhere stories live. Discover now