Ch. 9: ASA (Edited 01/14/17)

300 14 0
                                    

Chapter 9 (Edited 01/14/17)

Kean's POV

Nagtuloy-tuloy sa pagpasok si Ayen simula last week. Kaso di nya pa rin sinasabi sa akin kung anong problema nya. Speaking of Ayen, nasaan kaya yung takas sa mental na yun? Mai-text nga.

To: Ayen ^^,

Hoy, babae 😂 kita tayo sa SB.

Sending...

Sending...

Sending...

Sending...

Ano na namang problema ng network na to!? Dapat tumawa---

SENT!

Kailangan lang palang takutin para magsend. Leche.

*BZZT*

Ayen ^^,

Kay. What time?

To: Ayen ^^,

1 pm. Wag mo kong indyanin! Wag ka ding late!

Pagkareceive ko ng reply galing sa kanya ay naghanda na ako. Malapit na din kasing mag 1.

*SB*

Kanina pa ako naghihintay sa babaeng yun at wala pa rin. Mauubos na yung iniinom ko. Sabi ko na nga ba at iindyanin na naman ako nun eh.

15 minutes na akong naghihintay, wala pa rin sya. At alam nyang ayaw kong maghintay ng matagal!

"Sorry. I'm late. May inasikaso lang."

Thank God at nandi---

"Te, kailan pa nag karoon ng araw sa SB? Naka aviator glass ka pa." Tanong ko.

"Ngayon lang. Ang taas nga eh." Sagot nya.

"Wow. Sana sinabi mo para nagdala din ako." Sarcastic kong sabi. "Bruha ka. Magsabi ka nga ng totoo. Alam kong may problema ka eh. Pero ayaw mo lang sabihin. You can't hide things from me. Kilala mo ako."

"A-Ano ba sasabihin ko?"

Hala. Nagdeny pa. Halata naman.

"Sabihin mo nga sakin, Abiegaille Ryen Aihara. Kumain ka na naman ba ng peanut butter!?"

Si Ayen yung tipo ng tao na kapag may problema, peanut butter ang nilalantakan nya. Weird no? Parang buntis lang.

"P-Pano mo n-nalaman?"

Huli ka, bruha!

"May amos ka pa." Walang emosyon kong sabi.

Sya naman tong si Uto-Uto, nagpunas.

"Tch. Baka. Hinuhuli lang kita. Anong problema?" seryosong tanong ko.

"W-wala."

"Sabihin mo na kasi. Halata ka." Ani ko.

"Ang ano ba kasi yun?"

Nakasuot pa din sya ng salamin at dahil mabilis ang kamay ko, mabilis kong hinigit yun.

"HAHAHAHAHA!" malakas kong tawa. "Okay pala, huh?"

"Okay nga lang ako." Inis nyang sabi.

"Okay ka ba sa hitsura mong yan? Yung mata mo parang kinagat ng isang daang ipis." Irap ko.

"Isa lang." Sakay nya sa biro ko.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Where stories live. Discover now