Ch. 13: Closer (Edited 01/10/19)

315 12 0
                                    

*Ito yung bago maghiwalay si Ayen and her boyfriend.

Chapter 13 (Edited 01/10/19)

Ayen's POV

Bakit ba busy ang mga tao ngayon? It's saturday, people! Ano'ng meron!? I called Kean and she said, may check up and therapy sya ngayon. Si Xandra at Cyrenne naman may pupuntahan. Yung kambal at sina Fiona at Eunice, ganun din. Sino ba ang pwedeng gambalain ngayon?

🎶Yeoreum yeoreum hae! Sunny summer🎶

"Sino naman itong tumatawag?" tanong ko sa sarili at sumama naman ang mood ko nang malaman kung sino. "Ano'ng kailangan mo sa akin?" tanong ko nabg sagutin ang tawag.

"Could you be nicer when you talk to me?" tanong ni Kevin.

"I can't, sorry. Automatic na lumalabas ang sungay ko pag ikaw ang kausap ko." naniningkit lalo ang singkit kong mata dito kay Kevin e.

"Wag kang ganyan. Alam mo bang 'the more you hate, the more you love'?"

My eyes rolled. "Alam ko yung kasabihan pero hindi applicable sayo. 404 not found."

"Ang sungit mo. Baka pumangit ka lalo nyan."

"ARGH! NAKAKAINIS KA TALAGA!" sigaw ko. "I HATE YOU!"

"Aww... I love you too. Mwah!"

"G-R-R-R! Ano ba'ng kailangan mo sa akin ah!?"

"Let's go out. Nabo-bored na ako e."

"I'm not free. May gagawin ako. Bye."

Hindi ko na sya hinintay na sumagot pa at agad na pinatay ang tawag. I know I'm bored as fudge pero hindi sya yung hinahanap ko. Baka sumakit lang ang ulo ko sa kanya.

🎶Yeoreum yeoreum hae! Sunny summer🎶

"May gagawin nga ako!" sigaw ko pagkasagot ko ng tawag.

"I'm sorry, Ayen pero galit na kasi si Pres e." sagot ng nasa kabilang linya.

Tinignan ko yung caller ID at hindi pala si Kevin yung tumawag.

"Sorry, Ella. Akala ko kasi si Kevin e." sabi ko. "Ano'bg meron kay Angelo? Bakit nagagalit na naman?" si Ella yung secretary ng club namin.

"E tumawag kasi sakin si Pres, hinahanap yung proposal natin for Sport Fest. Galit na galit nga e kasi hindi ka daw ma-contact." sagot nya.

"Ah, okay. Isesend ko na sa e-mail nya." sabi ko at agad na binuksan ang laptop.

"Sige, thank you ah."

"Sige."

Pinatay ko na yung tawag at ni-send kay Angelo ang proposal ng club namin. Tapos ay wala na. Tunganga na ulit ako.

"Busy kaya si Ivan?" tanong ko sa sarili ko at idinial ang number ni Ivan.

"Yes, Abie?" sagot nya agad sa tawag ko.

"Are you free?" tanong ko.

"Sorry, Babe. May practice kami ng basketball." Sagot niya.

"Ganun ba? Okay."

Hindi na ito sumagot at pinatay lang ang tawag.

Sumandal lang ako sa kinauupuan at nagtaka kung bakit pinatay agad ni Ivan ang tawag ko.

*knock knock*

"Yes?" sagot ko.

"May naghahanap sayo sa labas." sabi ni Mommy nang buksan nya ang pinto ng kwarto ko.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Onde histórias criam vida. Descubra agora