Ch. 21: Mt. Pulag (Edited 09/06/2020)

136 11 0
                                    

Chapter 21: Mt. Pulag (edited 09/06/2020)

KEAN's POV

Papunta pa lang kaming Daang Hari nang magreklamo na naman si Ayen.

"Uy, 'di ba kayo nakakaramdam ng gutom?" Tanong ni Ayen na sinang-ayunan ni Cyrenne.

"Oo nga, girl!"

Napabuntong-hininga naman ako. Sakto na nakita ko iyong sign ng Mcdo.

"Fine." Savi ko at kinalabit si Tristan saka tinuro iyong Mcdo.

Kahit si Tristan napapabuntong-hininga habang lumiliko siya papasok sa parking lot ng Mcdo.

"Yes! Labyu, bes!" Sigaw ni Ayen at nauna pang bumaba ng van pagkapatay ng makina.

Sunod-sunod na silang lumabas at pumasok sa loob pero naiwan ako kasama si Tristan na hinintay ko. Pagpasok namin, umo-order na sila.

"Saan nga pala tayo?" Tanong ni Ayen habang kumakain.

"Baguio, girl. Hiking sa Mt. Pulag." Si Cyrenne ang sumagot.

"Hindi ka ba nagbabasa sa group chat?" Tanong naman ni Xandra.

Napanguso si Ayen. "Nagbabasa! Nakalimutan ko e!"

"Guys," tawag ko sa kanila. "May nakita ba kayong convenient store na malapit?" Tanong ko sa kanila.

"Wala akong napansin." Sagot ni Cyrenne.

"Bakit?" Tanong naman ni Xandra.

"Bibili pa tayo ng foods then first aid kits and toiletries." Sagot ko sa kanila.

"May madadaanan naman siguro tayong mall or supermarket mamaya." Sagot naman ni Noelle.

Tumango-tango ako.

After naming kumain, syempre umalis na kami agad. Di ko na nga napansin yung oras at lugar na dinadaanan namin. Basta nakarating kami sa Benguet bago magtanghalian. May nadaanan din kaming mall at doon na din kami naglunch.

Nang makarating kami sa DENR Station, doon namin na-meet yung pinsan ni Tristan at yung mga kasama din nito.

"This is my cousin, Seth." Pakilala ni Tristan sa pinsan niya.

"Hi." Bati ng pinsan ni Tristan. "I'm Seth and this is my girlfriend, Aya."

Ipinakilala pa nito ang mga kaibigan nito bago kami ipakilala ni Tristan. May lumapit sa aming staff para ipaalam na mag-i-start na yung briefing.

Di ko alam kung gaano kami katagal nag-brief dahil maraming sinabi iyong nag-orient. After that, umalis na kami papunta sa Ranger Station. Madami-dami din kami dahil weekend.

Dapat pala hindi weekend ang pinili namin. Anyways, unexpected naman itong plano namin so di bale na.

Wala masyadong nagsasalita sa amin nang mag umpisa na kaming magtrek pwera kay Ayen sa walang kapaguran ang bibig. Well, thanks to her at sa kadaldalan niya, naka-close din namin agad yung mga friends ng pinsan ni Tristan.

AYEN's POV

Tuwang-tuwa na naman silang lahat sa kalokohan ko. Tsk. Iba ka talaga, Ayen!

So ayon, kasalukuyan kaming nagpapahinga sa isang shed dahil medyo malayo na din iyong nilakad namin. Nakalagpas na din kami sa Camp 1.

Habang nagpapahinga, napansin ko si Kean at Tristan na nagpupunasan ng pawis. Ugh. People in love stinks chos.

Sabi ni Kean, malamig daw pero hindi naman. Siguro maya-maya kaunti kapag padilim na.

"You need some water?" Alok nung isa sa friends ni Seth, pinsan ni Tristan.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Where stories live. Discover now