Ch. 17: The Reason Why We Hate Him (Edited 05/13/2020)

193 11 0
                                    

As usual, nagre-read ulit ako sa mga previous chapter at ang dami daming typo HAHAHAHAHAHA

Anyway, enjoy this updated version of this chapter 💕

-iammisskenny

--

Chapter 17: The Reason Why We Hate Him (Edited 05/13/2020)

CYRENNE's POV

I went back to school after two weeks of mourning. Pero nung pagbalik ko, may event pala so wala ring kwenta ang pagpasok ko and then, sinugod pa si Kean sa hospital kahapon.

Pero lumabas din kahapon si Kean dahil nagpupumilit sya at wala namang nagawa sina Tita kaya inuwi na nila. Anyway, nabalitaan ko din na nag away sila Kean at Tristan and their relationship was fake. Pero okay na din daw sabi nila Ayen, ewan ko ba sa kanila. Ang gulo nila. Sayang nga at di ko nasaksihan kahapon edi sana nakasapak ako kay Tristan kahit isa lang.

"Cyrenne!" Tawag sa akin ni Eunice. Nagmamadali sya at parang may mahalagang sasabihin. "Bad news, Cyrenne."

"Ano?" Takang-tanong ko.

"Stan Li..." Banggit ni Eunice sa pangalan ng taong kinamumuhian namin. Pangalan pa lang, bad news na talaga. "He's here."

"What!? Kelan pa!?" Gulat na tanong ko dahil sa nalaman.

"He's here since last week. Then, he transferred here yesterday." Sagot ni Fiona sa tanong ko.

"Fuck... Why?"

"We don't know. Nalaman na lang namin ni Fiona nang sabihin sa amin ni Rafaella kahapon. Narinig nya na kausap ni Dean si Stan Li sa office nito kahapon." Sagot ni Eunice na mukhang kinakabahan. "Cyrenne, anong gagawin natin?"

"Alam na ba nila Ayen?" Tanong ko pa.

"No, not yet. Ikaw pa lang ang nasasabihan namin." Sagot ni Eunice.

"Call them. Kausapin natin sila sa rooftop." Sabi ko at nag isip kung anong gagawin namin at sa kung anong pwedeng gawin ni Stan Li ngayon.

"Okay." Sagot ni Eunice at pumunta sa kabilang room.

Naiwan kami ni Fiona sa room nang dumating si Ethan. Para syang bata na nakakita ng laruan nang makita ako.

Ang weird nya talaga simula pa kahapon!

"Ethan, good timing." Sabi ni Ayen na nasa likod nito.

"Why?" Tanong ni Ethan kay Ayen.

"Stan Li's already here." Sagot ni Ayen at nagbago ang timpla ng mood ni Ethan.

Oh yeah, magkakasama na nga pala sila noon pa.

"We saw him yesterday and last week so what's new?" Malamig na tanong ni Ethan.

"No, not that." Sagot ni Ayen. "He's 'here' here. He transferred here." Sagot ni Ayen.

"Shit, no!"

"Doon tayo mag usap sa rooftop. Baka may makarinig sa atin." Sabi ko sa kanila.

Sabay-sabay kaming umakyat sa rooftop. Tiningnan muna namin kung may ibang tao dito sa rooftop bago kami nag usap.

"Why is he here?" Tanong ni Ethan agad.

"Tristan..." Agad na sagot ni Ayen. "It's about Tristan. Hindi naman sya babalik dahil lang sa wala."

"We don't have to worry about Tristan." Buong tiwalang sabi ni Ethan. "He can handle that demon. Ang inaalala ko ay si Kelly."

Yes. With her current condition, we wouldn't want him near Kean. Mahirap tibagin ang tiwala ni Kean lalo na sa mga kaibigan nya. We can't just tell her na may kakaiba kay Stan Li. We need evidence.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang