Ch. 23: Missing (Edited 08/03/2021)

164 11 0
                                    

Chapter 23: Missing (Edited 08/03/2021)

KEAN's POV

Nagsi tayuan agad kami nang tumunog yung bell. I heard Ayen groaned as she stood up. Gutom na daw kasi siya at kanina pa siya tingin nang tingin sa wall clock. Narinig ko pang inasar siya ni Kevin pero agad ding nanahimik dahil binantaan ni Ayen.

"Let's gooo~" Sigaw ni Ayen at naunang lumabas.

Palabas na din sana ako nang tawagin ako ni Angelo.

"Kelly, pinapapunta tayo sa Dean's office." aniya habang kinukuha ang isang mini notebook.

"Bakit daw?" tanong ko pa.

Kibit-balikat lang ang isinagot sa akin ni Angelo.

Napabuntong-hininga naman akong humarap kila Ayen. "Una na kayo. Susunod na lang ako."

Tumango lang si Ayen at nakapamulsa lang si Tristan sa isang tabi at nakasimangot na naman. Kinurot ko lang ang pisngi niya bago sumunod kay Angelo na nakasimangot din.

Pagdating namin sa Dean's Office, si Angelo na ang kumatok at naunang pumasok. Nadatnan namin siyang may kausap sa cellphone.

"I'll call you later." sabi ng Dean at humarap sa amin. "Good, you are here. We have a sudden urgent meeting conference with all of our teachers. So, I'll call this day free. Pauwiin na ang mga students at huwag ng gumala at magstay ng matagal sa school. Dismissed." sabi nito at pinaalis kami kaagad.

What the...

Narinig kong napabuntong hininga si Angelo at humarap sa akin. "Ako na ang mag-a-announce." aniya at umalis patungo sa broadcast room.

Agad akong pumunta sa canteen at hinanap sina Ayen. Nakita ko agad sila na nakaupo malapit sa counter.

"Ano daw yun?" tanong ni Ayen sa akin.

"Half-day lang tayo today dahil may conference daw silang kailangan puntahan. Lahat ng teachers kasama." sagot ko sa kanya.

"Ayos!" biglang sabi ni Ayen.

"So, kakain pa ba tayo dito o hindi?" biglang tanong ni Cyrenne.

"Bahala kayo." Sagot ni Eunice.

"Alis na tayo. May pupuntahan ako." sabi ni Cyrenne at napatingin kaming lahat sa kanya.

"Saan ka pupunta, sis? Bakit di ko alam?" suspetya ni Xandra.

"Secret yun. Walang clue." sagot na lang ni Cyrenne pero mukhang nahulaan ko na kung ano ang gagawin niya.

"Should we go on a date too?" pabulong kong tanong kay Tristan.

"Yeah. Where should we go?" tanong niya na medyo excited— medyo lang.

"There's a cafe na gusto kong puntahan. I heard na masarap yung mga pastries nila." sagot ko at inilabas ang phone para ipakita kay Tristan yung sinasabi kong cafe.

"Naiinggit ako. Date din tayo." biglang sabi ni Ayen kay Kevin.

"You don't have to say that." Kevin winked at her at itong gaga, kinikilig na naman.

"Hay~ love is in the air~" sabi ni Eunice at tumawa naman si Fiona.

So ayun, napagdesisyunan naming hindi na kumain sa canteen at umalis na lang. Bumalik pa kami sa room para kuhanin ang gamit namin.

"Mauna na kami." Paalam ni Ayen.

"Kami din." Sabi ko.

Naiwan sina Cyrenne sa room at nauna na kaming pumunta sa parking lot.

Ms. Great Pretender *MAJOR EDITING*Where stories live. Discover now