Humberto is Back!

422K 7K 2.8K
                                    

[ Thanks for dropping by on my MB, para sa'yo to dahil di ka maka move on sa sobrang iyak sa Arturo's POV chapter, sana pag nabasa mo'to mapangiti ka :)) ]

Dianne's POV

Napatingin na lang ako sa papalapit na si Humberto. Naka plain black fitted shirt sys at maong pants. Malayo pa lang ay alam ko ng nakatingin sya sakin even though naka shades sya. Nay hawak din syang box ng cake at flowers.

"Emegerd! Who's that fafable man?"

"Taray!"

"Ano itech? Love triangle?"

Comment ng mga tao sa paligid ko. And when he stop in front of me ay inalis nya yung shades nya.

"Kamusta ka na Dianne? Nabalitaan kong nagkasakit ka daw, i was so worried, kaya naman bumalik agad ako dito to see you .."

"She's fine. So you can go." napatingin naman ako kay Baby A na tumayo at namulsa. Gravy! Ang astig ni Baby A kahit loose shirt lang!

At ayun na naman ang kanilang secret titigan! Huhuhu enebe kasing meron sa kanila?! They are hiding something eh! I can feel it!

Nalaman na ba ni Hubert na nageevolve na si Baby A, at nagiging lalaki na sya tapos maiinlab na sakin? Kaya natakot sya at bunalik agad? Siguro mahal pa talaga nya si Baby A kaya binalikan nya ito. Siguro yung flowers na hawak.nya para kay Baby A yun at peace offering nya para magkabalikan sila.

Tekaaaaaaa!!!!!? Waiiiiittttttt!!!

Allergy si Baby A sa flowers ahh?

Di kaya para sakin yun tapos magso-sorry sya dahil kukunin na nya si Baby A?

Waaaaaaahhhhhh!!!! Kahit maganda yung flowers di ko pa din pagpapalit si Baby A! Nevaaaa!!!

"Helllo? Mala MHL ang peg nyo ahhh? Matanong ko lang sino ka ba?" ang uber sa kapal na mukha kong kapatid ay nagtanong na.

"Ako pala si Hubert an-"

"Kaibigan namin ni Dianne." putol ni Baby A. I can smell something fisshhhhyyyy ...

"Ok kung kaibigan nyo edi maganda. Lezz parteeeehhh!" naka party mode talaga tong mga to at isa isa ng nag sialisan.

"Haba ng hair mo te!" bulong pa ni Cass.

"Kung ako sayo mayni mayni mo na lang! Ang hirap pumili sa kanila eh!" si Karla.

"Te kung ako sayo, bigyan mo ng do or die game! Ang hirap pumili eh! Sakit sa bangssss!" si Veronica.

Ano bang pinagsasabi ng mga to! Por que ba magkaharap sila at nagtititigan eh ako na ang pinag aagawan? Di ba pwedeng may LQ muna sila?!

Kainis lang! Sarap ingudngod nitong dalawa na to! Ang titig walang break? Ayaw talagang mag alis ng tingin!

*Ehem* *ehem*

Nag fake cough ako para makuha ang atensyon nila. Nagulat pa ako ng mabilis silang lumapit sakin at kinomfort ako.

"Dianne ok ka lang?" sabay na sabi nila. At si Baby A ay nag abot ng tubig tapos si Hubert naman ang nagtapik sa likod ko. Enebe! Ako ba pinag aagawan nila?!

"Get your filty hands on my Dianne." mahinahon pero madiing sabi ni Baby A at tinanggal nya ang kamay ni Hubert sa likod ko.

"Then stop doing that." nilayo naman ni Hubert yung baso ng tubig na pinapainom ni Baby A sakin.

At nagtigigan na naman sila!

Yung totoo?! Kaninong kwento ba'to?! Bakit parang Art-Hubert team up ang napi-feel ko, titigan pa lang umaapoy at umaalab na?!

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon