Out

255K 4.8K 633
                                    

Dianne's POV

"I want you out of this. Please Dianne .."

Napatingin na lang ako kay Art, nakikisusap sya, hindi ako makasagot dahil deep inside, Ayoko. Ayaw kong lumayo sa kanya. Ayaw kong hayaan syang may kasamang iba. Ayaw kong humiwalay. Yung tipong kahit masakit sakin ok lang. Kahit nasasaktan na ko kakayanin ko pa din.

'Coz I believe there is no love if there's no pain.

Na kakambal ng pagmamahal ay ang sakit. Naniniwala akong ganoon talaga ang pagmamahal, normal lang masaktan, normal lang magselos at normal lang na magkaroon ng problema.

Ayokong umiyak. Di ako iiyak.

"Why? Why do you want me out of this?" tanong ko sa kanya. Tiningnan ko sya sa mata, at nasasaktan lang ako lalo ng makita ang awa sa mata nya.

"Dianne .. i love you. And in three years, nakita ko kung paano ka magmahal, pinaglalaban mo, pinaninidigan mo, pinangangatawanan mo .. at ang sakit sakin na hindi ko magawa yun. Bawat laban mo nasasaktan ako, ako na lang sana ang nasa sitwasyon mo."

"Art .. alam mo namang lahat kakayanin ko para sa'yo diba? Ganyan kita kamahal." lumapit ako sa kanya. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay lumayo na din sya.

"Dianne please, mas nasasaktan ako pag nasasaktan ka. Tigilan mo na 'to. Lahat ng tao sinasabihan.kang tanga, pero ako .. alam kong hindi ka ganon. Then prove to them, you're not. Na alam mo kung anong tama. Do the right thing Dianne.." kumbinse nya sakin.

"Kelan pa naging mali ang mahalin ka Art?" puno ng hinanakit na tanong ko. "Alam mong umpisa pa lang, akin ka, you even told me that!"

"Dianne, tama na. Dadating din ang araw na ako naman ang gagawa ng mga bagay na magpapasaya sayo, na ako naman ang ipaglalaban ka. But for now, you should give yourself a time first." tumingin sya sakin na tila nagpapaalam.

Tumalikod sya at nilisan ang unit ko, masakit sa pakiramdam na talikuran ka ng taong mahal mo, hindi ko masasabing pinagpalit nya ako pero ganoon kasakit yung impact ng sinabi nya. Para nya na din akong binibitawan.

Napaupo ako para ipahinga ang katawan ko, ganito na ba ako katanga?

Nahiga ako sa couch at pumikit, kasabay ng pagpikit ko ay ang pag unahan ng mga luha ko, wala na, tapos na ang laban, tinapos nya na. Tapos na ang katangahan ko, pero kasabay noon ay ang pagtatapos ng kaligayahan ko at pagkasugat ng puso ko.

Hindi ko mapaniwalaan na wala na yung tatlong taon na pinaghirapan ko, na naasam ko nga yung matagal ko ng pangarap pero agad din namang nawala. I want to think na isa lang ito sa mga pagsubok namin, pero hindi ko maiwasan na umiyak.

Because the fact was clear. Clear as the water. Wala na. Tapos na.

Natulog akong may luha at nagising din akong umiiyak. This day, iba na ko, may nabawas na, may nawala. At hindi ko alam kung babalik pa yun.

May pasok ako sa office at kailangan ko pang asikasuhin ang sarili  ko.

Tumayo ako at humarap sa full length mirror ng kwarto ko.

This is me. Diannera Aragon. Pero ako pa ba ito? Nawala na yung puso ko. Tinangay ni Art kasabay ng pag alis nya. I smile on my reflection..

"That's not you .. you are bitter now. Nilamon ka ng pagmamahal mo kay Art. Nakalimutan mo ng ngumiti. Ngumiti sa mga simpleng bagay na nagpapasaya sa'yo. You forget to appreciate the little things in your life. Hindi mo na nakikita ang importanteng mga bagay sa paligid mo. Because your mind, your heart and your life, turns upside down on Art's presence. Now.. you should learn to grow, to smile, to laugh, to have fun and to love .. without him .. without Art .."

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon