Flashing Back

289K 5.5K 1.3K
                                    

Dianne's POV

'Gumising ka na Dianne .. ngayon ang flight mo .."

Nagmulat ako ng mata at nakita ang naka empakeng gamit ko, ngayon nga pala ang araw ng alis ko papuntang Europe ...

Char lang! HAHA

Sweetheart's POV (totoo na 'to!)

"Ms. Sweetheart everything's alright na po .. " lapit sakin ng isang staff ko.

Napapangiti na lang ako habang tinitingnan sila Dianne at Art na masayang nagtatawanan kasama ang mga kaibigan nila.

Nakahinga na din ako ng maluwag, pusang gala na yan! Tinaya ko ang proffesionalism ko para lang sa pag aayos ng kasal nila, tapos mauuwi lang pala sa wala.

Halos magwala na ako sa harap ng mga staff ko ng malaman kong hindi mahagilap sila Dianne, pucha na yan, akala ko talaga sira ang plano namin ni Art aince day one.

Pero sabi nga ni Art sa kanyang vow kanina, destiny made their way, nung nakita ko si Dianne kanina para akong nakakita ng ginto.

Everything went smooth ..

At syempre another achievement for me as a Wedding planner.  Tama, wedding planner lang ang role ko dito.

Sa lahat ng kasal na inayos ko, kay Art ang pinaka hassle, at pinakasadista!

Grabe lang .. i must say that all the hardwork, stress and all the badwords that Dianne threw on me are all worth it.

Sandamakmak at sangkatutak na papuri ang natanggap ko after the wedding ceremony, actually, sideline ko lang talaga ito, totoong isa akong business woman but my hearts love this job.

At mukhang kailangan ko ng talikuran ang aking business mind dahil ngayon pa lang ang dami ko ng project na naka line up. Art and Dianne's wedding is a big break for my career.

Nakita ko si Papa Hubert sa gilid  .

"Humbertoooo!" sigaw ko at takbo palapit sa kanya.

"Si Dianne lang tumatawag sakin nyan!" sabi nya habang lumalayo. Omwgad! Bakit ang hawt nya? Wala akong alam sa kalandian pero ng makilala ko si Hubert bet na bet ko talaga sya!

"Sayang di mo napanood yung kasal nila kanina! But don't worry bibigyan kita ng video!"

"I'm not a masochist! Tss .. lumayo ka nga muna sakin Sweetheart .. " pilit nyang tinatanggal yung kamay ko.

"Papa Hubert .. " nakangiti kong pavlcute sakanya.

"Psh .." pagsusungit nya.

"Ang pogi mo talaga! Para tuloy tayong sila Dianne at Art. Perfect!" pumapalakpak pa na sabi ko.

"Isang salita pa Sweetheart!" matalim ang tingin na sabi nya. Napa pout na lang tuloy ako.

"The man who can't be move!" bulong ko at isang nakakalusaw na tingin ang binigay nya sakin.

"Teka nasaan pala si Chichay?" tanong ko. Sa kanya ko kasi pinaalagaan si Chichay nung malaman kong may kasamang aso si Dianne.

And Chichay is a very sweet puppy ..

"Ayun oh!" turo nya kay Chichay na nakabuntot sa kanyang mga amo.

Ang saya ni Dianne ay kitang kita sa magandang mukha nya, at ang groom nya ay ang sweet sweet sa kanya. How I wish to have that one someday ..

I look at Hubert .. and that someday is what i'm feeling right now .. I think nakita ko na sya.

Art's POV

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon