Last

263K 5.9K 567
                                    

Dianne's POV

"Ako na ang maghahatid kay Dianne .." lumapit si Art sakin at hinawakan ang kamay ko.

"No .. ako na ang bahala sa kanya." sagot ni Hubert.

"I have my car .." ayaw patalo ni Art.

"Kami ang magkakasamang pumunta dito, kaya dapat kami din ang magkakasamang umuwi .."

"Let go Dianne's hand." mababa pero buong buo na sabi ni Art.

"No. I can't!" napapikit ako sa pagsasagutan nilang dalawa. Medyo nahihilo na din ako at nag iinit ang pakiramdam ko.

Sa totoo lang wala akong maintindihan sa ginagawa ni Art.

Bakit nya ginagawa 'to?

"Bitawan mo si Dianne, kailangan nya ng umuwi agad dahil may allergy sya sa Alcohol at sa ginawa nyo, mas lalo nyo lang syang pinapahirapan .."

"Ha?" sabay sabay nilang sabi napatingin sakin.

"We didn't know that." apela ni Hellga.

"Sh*t!" usal ni Hubert at pinagmasdan ako. "Nagpapantal ka na Dianne!"

"That's why we should go home." wala na akong nagawa ng hilahin ako ni Art at tuloy tuloy na pinapasok sa sasakyan nya.

Gusto kong magtanong kung anong nangyayari pero nagingibabaw yung sakit ng ulo ko at init ng pakiramdam ko.

"Here .. cover your body, the more silang mahanginan the more mangangati ang balat mo .." inabot nya sakin ang coat nya.

Wala akong nagawa kung hindi ang kunin yung coat nya, para nga akong tanga na umiiyak habang sinusuot yun, naghalo halo na kasi yung nararamdaman ko, buong byahe ay tahimik lang ako.

Siguro kung dati nangyari 'to; namamatay na siguro ako sa kilig, coz i love the feeling na andyan si Art, inaalagaan ako.

Nagulat pa ako ng sa harap ng bahay namin pinarada nya ang sasakyan nya.

"Why here?" takang tanong ko.

"Kailangan mo ng kasama .." bumaba na sya ng sasakyan, hindi ko na hinintay na makalapit sya sa pinto ko, ako na mismo ang nagbukas, pero pagbaba ko ay inalalayan nya agad ako.

"Careful." bulong nya.

"I'm fine.. Thank you.." nagtuloy ako sa gate at pumasok sa bahay namin sinalubong ako ng isa sa mga kasambahay namin.

"Where's Dad?"

"Wala pa sya Ma'am .."

Yun lang at naupo na ako sa couch, i'm feeling dizzy, napapikit ako ng mariin, inalis ko ang coat na nakapatong sakin, pinagmasdan ko ang balat ko, unti unti ng dumadami ang pantal ko, nangangati na din sila.

Bakit naman ngayon pa sila umatake? Dati naman hindi sila nagpaparamdam ah? Bakit ngayon pa kung kelan nag iisa ako? I'm all alone here.

"Here .. uminom ka ng maraming tubig para mawala ang alcohol sa katawan mo, it'll trigger more itching kapag hindi mo nailabas yan." bahagya pa akong nagulat ng makita si Art sa harap ko.

"Why are you here? Just go   .."

"Hindi pwede .. walang ibang mag aalaga sayo dito." lumapit sya sa akin at sinimulan akong dampian ng basang bimpo.

"Bakit mo ba ginagawa to Art? Can't you just go .. leave me alone . Wala na tayo .." pagpapaalis ko sa kanya.

"Relasyon lang natin Dianne ang naputol, pero hindi yung pagmamahal ko sayo, hindi kita kayang pabayaan, aalis lang ako pag alam kong maayos ka na." paliwanag nya habang patuloy sa pagpunas sakin.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon