Pampanga

427K 6.2K 1.1K
                                    

[ This is for you. Salamat sa pagsuporta ^^ ]

Dianne's POV

"One halter top, one off shoulder blouse, one see through, two perfect short, hmm .. two piece swim suit-"

"Two piece swimsuit?!" sabay sabay na tanong nila Cass, Veronica at Karla sakin.

Nag eempake kasi ako ng mga damit na dadalhin ko sa bakasyon namin ni Baby A sa Pampanga.

"Oo swimsuit. You know para makita ni Baby A ang sexy kong katawan. Bakit ?" takang tanong ko sa kanila.

"Swimsuit? Sa Pampanga?"

"Hello? Magsu-swimsuit ka sa gitna ng bukirin?"

"Oo nga. Wala naman dagat sa Pampanga eh. Pampanga river pwede pa." sabay sabay silang nagtawanan na ikinainis ko.

Sira ang plano ko. Balak ko pa naman iseduce si Baby A, malay mo ma-advance ang Honeymoon diba? At mapaaga ang kasal. Kahit na Boyfriend ko na si Baby A eh di pa din matitigil ang pang seduce ko. Oo sige, ako na atat.

Napaupo na lang ako habang naka pout. Nakakainis sira ang plano.

"Alam mo Ate, wag ka kasing excited, para namang mawawala yung Baby A mo." tumabi sakin si Cass.

"Kaya nga, ika nga nila, lahat ng bagay may panahon." sabi ni Karla.

"Saka ano pa ba ang hihilingin mo? Na sayo na ang lahat." pangko-comfort din ni Veronica.

"Oo na, oo na." kunwari pero go pa din ako. Inayos ko ulit ang aking mga dadalhin at pinangatawanan ko talagang isama ang two piece swimsuit. Mabuti na yung ready.

"Dad aalis napo  kami." lumapit ako kay Dad at hinalikan sya sa pisngi.

"Aalis na po kami Tito." paalam din ni Baby A kay Dad.

"Sige Hijo, magiingat kayo." pinagbuksan ako ni Baby A ng pinto para makapasok na at sya naman ang sumakay sa driverseat.

Dahil sa sobrang excited ko kagabi hindi ako nakatulog at maagang nag ayos. Habang byahe ay nakatulog ako. Lunchtime ng gisingin ako ni Baby A. Nasa Double Happines na pala kami.

"Baby D. Kain muna tayo." inaantok pa ako kaya naman tumagilid ako ng higa. "Dianne." ulit nya.

"Hmm .. inaantok pa ako eh." sagot ko.

"Tanghali na kaya dapat kumain ka muna." kulit nya pa.

"Naman!" inis na lumabas ako ng kotse without fixing myself.

Inalalayan naman ako ni Baby A maglakad dahil antok na antok talaga ako.

"Anong gusto mo?" umupo na ako sa pinaka unang lamesa na nakita ko at tumungo.

"Kahit ano. Burger na lang." narinig ko pa syang natawa sa sagot ko.

Maya maya ay bumalik sya na dala ang mga heavy meals.

"Ano yan?" tanong ko pa.

"Pagkain. Ano pa ba?"

"Alam ko. Bakit ang dami. mauubos mo ba yan?" takang tanong ko.

"Satin yan." napataas ang kilay ko.

"Me? Kakain nyan? No way! Puro calories kaya ang rice!" kinuha ko ang isang drinks at uminom.

"So?" balewalang tanong nya.

"Anong so? Nakakataba kaya yan." ingos ko sa kanya.

Sya naman ang tumaas taas ang kilay sakin. Lumipat sya ng upuan at tumabi sakin. Akala ko magsisimula na syang kumain pero di pala. Dahil nilapit nya sakin ang kutsara na may laman ng rice at chicken.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon