Magkabilang Mundo

363K 5.5K 1K
                                    

Dianne's POV

"Someday we'll know Why I wasn't meant for you.."

Maingay na paligid, bumabahang pagkain, magulong mga tao. Yan ang bumungad sa amin ni Baby A pagdating namin dito sa condo nya, as usual kumpleto ang barkada, andito sila para sa despidida party ko daw, kung alam lang nila na ayaw kong maalala na aalis ako ngayong araw at isang taong mawawala at malalayo sa kanila.

Nagkakasiyahan sila sa sala habang kami ni Baby A ay tahimik sa isang sulok, magkayakap, sinusulit namin ang natitirang oras ng relasyon namin. Andun na napapa buntunghininga na lang ako at yayakap sa kanya ng mahigpit tapos sya hahalikan ako sa buhok. Pinipigilan ko ang luha kong wag mahulog pero andun pa rin yung sakit. Sakit na iwan sya.

Hawak ni Baby A ang kaliwa kong kamay kung saan pinaglalaruan nya yung sinsing na binigay nya sakin nung birthday namin, nakaakbay sya sakin, habang ako ay nakasandal sa dibdib nya at tila walang balak umalis.

"It's seven." paalala nya. Marahan lang akong umiling sa kanya.

"Ayoko ng umalis Baby A."

"Hey. Nag usap na tayo diba?"

Tumingin lang ako sa kanya at tumulo na ang luha ko. Nakagat ko ang labi ko para pigilan 'to pero di ko talaga kaya. Agad naman nyang pinahid ang luha ko at ngumiti.

"Kaya natin 'to Dianne" he cupped my face and kiss my forehead.

Nagulat pa kami pareho ng kumalong samin si Chichay. Ngayong aalis na ako, si Baby A muna ang mag aalaga sa kanya.

"Say Babye to your Mami." binuhat ni Baby A si Chichay at tinapat sakin. Hinalikan ako ni Chichay or sabihin na nating dinilaan nya ako.

"Bye. Pakabait ka sa Dadi mo ah?" kausap ko kay Chichay.

Nilapag sya ni Baby A at tumakbo para maghagilap ng nahulog na pagkain.

Marahan lang akong tiningnan ni Baby A. Di ko sya magawang tingnan dahil alam kong maiiyak lang ako.

"I think I should go." pigil ang luha na sabi ko.

"C'mon Baby D, cry." kinabig nya ako at doon na naiyak. Binuhos ko lahat para masimot na, para pag alis ko wala ng tumulo. Niyakap nya lang ako habang hinahagod ang ulo at likod ko.

Kahit paano ay gumaan din yung pakiramdam ko, kaya naman lunayo ako at tiningnan sya. Kinuha ko yung kwintas na nakatago sa loob ng dibdib nya hinalikan ko yun.

"Wag mong iwawala yan ah? Hangga't nasayo yan ibig sabihin mahal mo ko pag nawala yan ibig sabihin hindi mo na ko mahal."

"Of course. Iingatan ko 'to."

Tumayo ako at nag ayos na. Tinawag ko si Dale na syang maghahatid sakin sa Airport.

Tumingin sila lahat sakin at lumapit.

"Aalis na ko Guys. Kayo na bahala kay Baby A, bantayan nyo sya ha, promise nyong walang babaeng makakalapit sa kanya ha?" naiiyak ng bilin ko.

Nilapitan ako nila Cass, Veronica at Karla. They all hugged me. At naiyak din sila.

"Ingat dun Ate."

"Galingan mo."

"Wag kang mag alala babantayan namin yan."

Kanya kanya nilang sabi. Inabot ni Baby A yung shoulder bag ko. Tiningnan ko yun at napalunok, pag kinuha ko yun ibig sabihin aalis na talaga ako. Parang slow motion na kinuha ko yun with out looking at him. Ayokong tumingin dahil alam kong aabutin na naman ng isang oras bago nya ko mapatahan. Kanina pa tumatawag si Lola.

Seducing my Gay Boyfriend (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon