Chapter 1 - Mr. Aso Meets Ms. Pandak

804 27 7
                                    

I've Met The Mayabang Prince

Chapter 1 - Mr. Aso-na-mayabang-na-mahilig-sa-Max Candy Meets Ms. Pandak.

"Mom? Bakit naman kasi kasama pa ako? Tsk." Naiinis na sabi ko kay Mom. Paano kasi isasama pa ako sa ibang lugar. Pero dito lang sa Pilipinas. Pero magEeroplano pa. Psh. Hindi ba pwedeng yung kapatid ko na lang?

"Dahil kailangan tayo ng Daddy mo dun." Sabi ni Mom.

"Pwede nyo naman akong iwanan dito ah? Isama mo na lang si Mary!~"

"Hey you old sister! Bakit mo pa'ko dinadamay dyan?" Maarteng sabi ng kapatid ko. Imagine? 7 years old pa lang yan pero tignan mo naman ang ugali at kaartehan. Mas maldita pa nga yan eh. Tss.

"Ah basta. Hindi ako sasama." Sabi ko at dumiretso sa kwarto ko.

**

"Yahhhh. Ang ganda here sa airport oh? Right my old sister?" Napilit ako ni Mom eh. Psh. Bwisit 'tong batang 'to. BadTrip na nga lalo nya pang binabadtrip.

"Mom. Look my old sister oh. Nakakunot ang forehead like a bull dog." Aba loko 'tong batang 'to ah. Hindi ko na lang siya pinansin at sumakay na sa eroplano.

Tatlo lang kaming babyahe. Magkatabi sila Mary at Mom ng Seat. Eh ako? Medyo malayo sa'kanila. Tss. BadTrip.

Nagsimula ng lumipad ang eroplano. Nakakaboring naman. Tss. Pagkalingon ko sa kaliwa ko nakita ko si? Di ko sya kilala eh. Haha.

"Oh? Anong tinitingin-tingin mo dyan?" What the F? Diba dapat line ko yan? Kasi sya 'tong nakatingin sa'kin eh.

"Aba! Eh gago ka palang aso ka eh!" Naiinis na sabi ko.

"A-aso? Sino? Ako? Etong gwapong mukhang 'to mukhang aso?" Sabi nya habang tinuturo pa ang mukhang asong mukha nya. Psh.

"Ay hindi. Ayang upuan yung mukhang aso. Tss." Pilosopong sabi ko sa kanya.

"Hah! Eh ikaw?" Tinignan nya ko mula ulo hanggang paa. Kahit nakaupo kami. "Pandak." Aba! Alam kong pandak ako. Matangkad lang sya. Aish.

"Matangkad ka lang aso." Totoo naman eh. Mukha syang aso.

"Pandak ka lang talaga." Aba ang loko. Sumasagot pa. Psh!

"Aso."

"Pandak."

"Kapre."

"Dwende."

"Mayabang."

"Maliit."

Tinignan ko sya ng masama. Bwisit 'tong lokong toh. Arghhhh!

Hindi ko na lang sya pinansin at tumingin na lang ako sa ibang direksyon. Baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko at makapatay pa ko ng aso at makasuhan ako ng animal Abuse.

Mga ilang oras pa ng makalapag ang eroplano.

Sabay-sabay kaming bumaba.

"Oh anak? Musta ang byahe?" Pagkababa namin, sinundo kami ni Dad.

"Okay lang Dad. Ewan ko lang kay old sister." Tinignan ko sya ng masama at binelatan lang ako. Tss. Di ko alam kung bakit ako nagkaroon ng kapatid na ganto eh.

Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso lang ako sa kwarto na itinuro ni Dad.

**

"Bye Dad. Mauna na po ako." Sabay kiss ko kay Mom and Dad.

"Ok. Ingat anak."

Papunta na'ko sa School ko dito sa lugar na'to. Yeah. Napagdesiyonan kasi na dito na 'ko mag-astral, habang inaayos nila yung Business chu chu na yan.

I've Met The Mayabang Prince [On-Going]Where stories live. Discover now