Chapter 9 - Practice

259 10 6
                                    

I've Met The Mayabang Prince

Chapter 9 - Ms. Sleeping Beauty

Leah's POV

Nakalimutan ko palang sabihin na dadating si Max. Geez. Eh kasi naman, Business partners ang mga Parents namin. Kilala ko si Max, pero hindi nya ko kilala. Nakalimutan nya yata dati. Na ako yung kababata nya. Hays.

Max's POV

Putek! Ang aga kong nagising dahil sa tawag ni Mom. PinapaCheck nya sa'kin yung Resort? BUSY daw kasi yung Business Partner nya. Tapos BUSY rin daw sya. Psh! Ako pa inutusan.

Pwede namang si Ate Maxene! Bakit ako pa? Diba? Tss. Wala naman akong magagawa. Tutal, walang pasok kasi Saturday ngayon at hindi naman daw ako BUSY.

[Resort]

Ok naman dito. Maayos naman. Uuwi na sana ako kasi naCheck ko naman na 'tong Resort at pinaayos ko na sa ibang nagtatrabaho dito yung problema kaya pwede na kong umalis. Psh. Nagsayang lang ako ng oras para dito? Tsk.

Paalis na sana ako ng makita ko si Marilyn. Lumapit naman sya sa'kin. Tss. Alam ko namang itatanong nya sa'kin kung bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito? Tinignan ko naman sya mula ulo hanggang paa.

SEXY pero hindi pa rin maitatangging pandak pa rin sya. Haha. Hindi na muna ako siguro uuwi. Baka bukas na lang. Aasarin ko pa 'tong si Marilyn. Sarap asarin neto. *smirk*

Marilyn's POV

Lumapit ako sa kanya. Magsasalita pa lang ako ng nagsalita na sya.

"Sabi na Stalker kita eh." NakaSmirk pa sya ha?

"Oy lalaki. Ilang ulit ko bang sasabihin sayong hindi mo nga ako STALKER! Nakakadiri mang sabihin pero baka ikaw ang STALKER ko?!" Naiinis na sabi ko.

"Hmm? Ako? Stalker? Sa gwapo kong toh? Ako pa magiging Stalker mo? HA!" Mukha pa lang nya nakakaasar na! Geezz!

"Bakit ka ba nandito?"

"Ako? Tss. Wala lang. Hindi na kita tatanungin kung bakit ka rin nandito kasi alam ko na yung sagot." Sinasabi ba nya na sinundan ko sya?

"So? Sinasabi mong sinundan kita? Ha?!"

"Wala akong sinasabing ganyan. Ikaw po!" NakaSmirk na sabi nya.

"ABA! Eh loko ka pa----"

"Ahm. Hiiiii!" Pagkatingin ko sa nagsalita. Si Leah pala. Buti naman dumating na sya. Psh!

"Hi." Maikling sabi ni Max kay Leah.

Eto namang si Leah, biglang lumungkot ang mukha. Anyare?

Hinila ko na sya palayo kay Max.

Bumalik na kami sa Resthouse. Umupo kaming dalawa sa kama. Alangang tumayo diba?

"Uyyyy! Kwento ka, dali!" Anong ikekwento ko?

Nagtataka ko syang tinignan. "Ano bang pinagsasabi mo dyan?!"

"Ang sabi ko magkwento ka. About sa inyo ni Jake."

"Ha?" Naguguluhan ako sa kanya. Tungkol kay Jake? Ano namang tungkol sa kanya?

"Hayyy. Crush mo sya noh?!" Ngingiti ngiti nyang sabi. Nakaazar ang ngiti.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?!" Kunot noo kong tanong. "Wag ka ngang Issue!" Pairap kong sabi.

"Sorry na! Hehe. Tinatanong ka lang naman eh. Galit na agad!" Sabay peace sign nya.

"K. Btw, bakit nandito si Max?" Pag iba ko sa topic.

"Nakalimutan ko palang sabihin, Anak sya ng Business Partner ni Dad. Resort din ang business nila. Syempre kasama na ang mga Company ng mga Tela. Tsaka may School and Markets rin sila. Yung school na pinapasukan natin? Sila may-ari nun." Sila may ari ng School na pinapasukan ko ngayon? Grabe. Ang yaman rin talaga nila. Mas mayaman pa sya kesa samin.

"Tinatanong ko lang kung bakit kaya sya nandito. Hindi ko sinabing ikwento mo yung mga Business nila. Psh!" Pero atleast. May nalaman pa ko kay Max.

"Ayyy. Oo nga pala. Hihi. Sarreh naman."

"Yeah yeah! Saan ka pumunta kanina at ano yang mga binili mo?"

"Ah. Eto ba?" Tapos pinakita pa nya yung plastik.

"Baka eto Leah? Psh." Tinuro ko yung kama.

"Haha. Swimsuit para sa'tin!"

"Psh. Bumili ka pa nyan? Hindi ko rin naman yan magagamit."

"Hindi ko naman sinabing ngayon natin 'toh gagamitin. Hmm? Kapag Sembreak natin. Pupunta ulit tayo dito. Ok?" Paliwanag nya.

"K." Maikling sabi ko.

[School]

Tamad na tamad talaga akong pumasok ngayon. Nandito na ko sa School kanina pa. Nakatungo lang ako sa Desk ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan. Kaya napatingin ako sa pumasok. Nakita ko si Max.

Dire-diretso syang pumasok. At umupo sa upuan nya.

"Gisingin mo ko kapag nandyan na si Ms." Sabi ko habang nakatungo. Hindi ko na narinig yung sinabi nya kasi antok na antok na ko.

Max's POV

Tulog pa rin si Marilyn pero nandyan na si Ms. Pfffttt. Natatawa ako. Hahaha. Hindi nya ko utusan noh para sumunod sa sinabi nya kanina. Bakit ko sya gigisingin?

Lumapit si Ms. sa'min at lumapit kay Marilyn na tulog na tulog pa rin.

"Ehem. Miss Lopez?" Pffftt. Di pa rin talaga sya nagigising?

"EHEM!" Nilakasan na ni Ms.

Kinalabit naman ni Leah si Marilyn. Nasa unahan kasi ni Marilyn si Leah.

"Ano ba!" Sabi ni Marilyn, pero nakatungo pa rin sya.

Kinalabit ulit ni Leah si Marilyn at si Ms. ay mukhang bulkan na sasabog na.

"ANO BA LEAH!" Napatayo si Marilyn. Nagulat naman si Leah at itinuro si Ms. na puputok na.

"S-sorry Ms." Nahihiyang sabi nya.

Tinignan naman nya ko ng masama.

Hahahaha.

Ms. Sleeping Beauty

To be continue...

I've Met The Mayabang Prince [On-Going]Where stories live. Discover now