Chapter 6 - Max's Smirk

329 14 6
                                    

I've Met The Mayabang Prince

Chapter 6 - Max's Smirk

Marilyn's POV

Hinatid nya ko sa bahay. Ansakit ng ulo ko tae. Sya na din nagpaliwanag kila Mom kung bakit ako nalate ng uwi at medyo basa. Di na ko nagpaalam sa kanya at bigla na kong umakyat sa kwarto ko. Pero thankful pa din ako kay Jake kasi nakita nya ko kanina at pinayungan pa. Hanggang ngayon naazar pa din ako.

Pumikit na lang ako at natulog. Masyadong masakit ang ulo ko para dito. Hays.

(Kinabukasan)

Eto ako, naglalakad mag isa. Loner ampeg. Sobrang lutang ko. Dahil yata sa nangyari kahapon. Aish.

Pagpasok ko sa Room, mukhang nagkakagulo. Psh! Wala akong paki dyan. Dumiretso ako sa upuan ko. Nakita ko naman sa kanan ko ang bag ni Jake at sa kaliwa naman ay bag ni Max. Paki ko ba sa kanya. Tae! Nakakaazar lang pag naalala ko yung pangyayari kagabi.

Pagkaupo ko, tumabi sa kin si Leah. Remember her? The one who sit beside me yesterday at the Cafeteria.

"Huy Marilyn. May nag-aaway." Sabi nya na nagpout pa. Psh.

"Paki ko naman sa kanila?" Bored na sabi ko.

"Ayy. You're so mean. Kilala mo ba si Max?" Kinikilig na sabi nya.

"Wag shunga Leah. Ok? Magkakasabay pa nga tayong kumain kahapon diba? Tss." Pambara ko sa kanya.

"Ayy? Oo nga pala. Sorry. Hehe." Sabay Peace sign nya. "Pero kilala mo si Jake?" Bigla naman ako napalingon sa kanya.

"Oo naman. Bakit?" Tanong ko. Pasuspense pa si Gaga.

"Sya kasi yung kaaway ni Max ngay---" Napatayo naman ako at dumiretso sa likod kung saan may nag-aaway.

And there, nakita kong nagsusuntukan sila.

"Yahhh! Hindi si Max ang nauna! Kundi yang si Jake. You Bitch!"

"NO! Si Jake ang nauna!"

And there, nagsabunutan na sila. Mukhang WAR sa Section na'to ah? Tae! Papatigilin ko ba?

"TUMIGIIIILLLLLL NGA KAYOOOOO!" Malakas na sigaw ko na nakapagtigil naman sa kanila. Pati sila Jake and Max. Tae kahit masakit pa din ulo ko hanggang ngayon napasigaw pa ko.

"Bakit ka ba nangingia---" Sasagot pa sana yung babae na kaklase ko pero sinigawan ko na sya.

"CAN YOU PLEASE SHUT UP YOUR FVCKING MOUTH?!" Sa pagsigaw kong yon. Tumahimik naman sya pati na yung iba kong kaklase. Siguro natakot sa sigaw ko.

Lumapit naman sakin si Leah. "Alam nyo? Napakachildish nyo masyado. Bakit? Kasi sa halip na awatin nyo yung nag-aaway? Dinagdagan nyo pa!" Pinalibutan naman nila ko. Kumbaga, ako yung nasa gitna, katabi ko si Yanna at nasa gilid ko yung dalawang nag-aaway na lalaki at nasa harap ko yung mga babae na nag-sasabunutan kanina. And lastly, yung mga kaklase ko pinabilugan ako.

"Nag-aaway na nga eh! Anong ginagawa nyo? Yung mga babae? Ayun nag-aaway rin dahil lang sa mga" Tumingin ako kila Jake at Max. NagSmirk naman si Max. "Tapos yung mga lalaki? Nagpupustahan kung sino mauunang tumumba? Haha. Grabe kayo. Dapat itong SECTION nato? Dapat ito yung section na nagtutulungan at nagkakampihan. Hindi yung nag-aaway." Ako lang ang nagsasalita sa klase.

Bumuntong-hininga ako. Saka ko hinarap yung dalawang lalaking nag-aaway. "Bakit kayo nag-aaway? Dalawa lang yan eh! Dahil sa pera? O dahil sa Babae?"

Tumingin ako kay Jake. Nagsalita naman sya. "Eh pano? Hambog kasi 'tong lalaking 'toh! Sinabi ba naman nyang pinaglalaruan lang kita? The Heck? Ano mo ba sya ha? Grabe sya umasta! Psh!" Naiinis na sabi ni Jake.

Tinignan ko lang si Max at nagSmirk lang ulit sya.

Nagsalita ulit si Jake. "Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang? Sinapak na agad nya 'ko! Tss." So? Si Max nga talaga ang nauna. Sya naman palagi eh! Tss.

"Oh? Bakit mo naman agad sinapak si Jake? Ha? May problema ka ba?" Tanong ko kay Max na Smirk lang ang sinagot at nagwalk-out. Psh.

Umupo na'ko. Kaya nagsibalikan na lang sila sa upuan nila. At nagsimula naman nila akong pagbulungan. Pero sa bulong na yun na halos talagang pinarinig sa akin ay natuwa ako.

"Ay grabe. Napatahimik ni Marilyn ang klase."

"Yup. And napatigil nya rin ang mga nag-aaway."

Meron pa rin naman akong HATERS sa Room na'to.

"Sino sya para pagsabihan tayo?"

"Kaya nga. Nagmamagaling masyado."

"Akala mo kung sino."

Nagsalita naman si Jake na katabi ko. "Malala yata ang bugbog na ginawa nya sa gwapo kong mukha."

Natawa naman ako sa sinabi nya. "Ikaw talaga. Bugbog sarado ka na nga eh."

"Kaano-ano mo ba yang si Max? Psh!"

"Wala. Kaibigan na kaaway?" Sagot ko.

"Ehem." Sino pa ba? Edi si Leah! Tsk.

"Wag kang mageEhem dito. Kasi kung may ubo ka na, pumunta ka na sa clinic. Baka mahawaan mo pa kami." Nakangiting sabi ko sa kanya.

Nagulat naman yata sya sa pagngiti ko. Minsan lang ako ngumiti.

Leah's POV

Grabe. Bilib na'ko sa BESTFRIEND ko. Yup. She's my bestfriend from now on. Napatahimik nya ang buong Class. At napatigil nya rin ang mga nag-aaway.

Hindi ako nagkamali na maging kaibigan sya. Nung una, natatakot ako sa kanya. Ang tapang-tapang nya kasi tapos napakapilosopa nya pa.

Tapos parang wala syang kinakatakutan. Except kay GOD :). Hihi. At feeling ko? May gusto sya kay Jake.

Jake? Magkausap sila ngayon. Grabe. Nao-Op kaya ako :3.

"Ehem." Sinadya ko talaga para mapansin nila ang Presence ko. Tsk. Sayang ganda ko kung pinangdidisplay lang. Haha.

"Wag kang mageEhem dito. Kasi kung may ubo ka na, Pumunta ka na sa Clinic. Baka mahawaan mo pa kami." Napakapilosopa talaga nya. Pero ngumiti sya pagkatapos nyang sabihin yun.

Ngumiti sya? WOW! First time ko syang nakitang ngumiti. Mas maganda--err let me rephrase it. NAPAKAGANDA nya nung ngumiti sya. Hihi. Ganda talaga ng Bestfriend ko *U*.

Teka? Nasaan na nga pala si Max? Walk-out King ang Peg? Ganern?

Max's POV

Tss! Ang tanga nya talaga. Naniwala naman sya sa lalaking yun? Bakit pa'ko magpapaliwanag sa kanya kung simula naman alam kong dun sa lalaking gusto nya na sya maniniwala.

Masyado syang tanga. Kaya sa sobrang katangahan nya? Di na ko magugulat kung maloko sya ng taong yun.

Bumalik na'ko sa Room. Badtrip puta.

Marilyn's POV

"Salamat nga pala kagabi ah? Pasensya na din at nakadagdag ng abala. Haha." Sabi ko kay Jake.

"Err, yun ba? Wala yun. Haha. Ba't nga pala nasa MOA ka kagabi? Diba niyaya kitang lumabas? Anong nangyare? Ba't di ka pumunta?" Sabay pout nya. Amp!!! Ang cute shems.

*Boooogsh*

Lahat kami napatingin sa pinto. Sino pa ba ang BASTOS na bubuksan ang pintuan ng pagkalakas-lakas?

Sino pa ba? Edi si Max. Psh!

Nung nakita nya kong tumingin sa kanya. Nag-smirk lang sya at dumiretso sa upuan nya.

Bakit ba palaging naka-smirk 'tong Max na'to? Psh! Akala mo gwapo! Hmp!

To be continue...

I've Met The Mayabang Prince [On-Going]Where stories live. Discover now