Chapter 8 - Someone

253 9 6
                                    

I've Met The Mayabang Prince

Chapter 8 - Someone

Marilyn's POV

Saturday ngayon. Tinatamad talaga akong bumangon. Wala naman kasing bago diba? Tuwing Weekends pahinga lang pero amboring amp!!

Beeepp Beeppp

Kinuha ko yung Phone sa Side table ko at sinagot ko ang tawag.

"Sino 'toh?" Unregister kasi.

"Ayy? Kinalimutan mo na agad ako? Akala ko ba Bestfriend kita?" Hulaan ko? Nagpout 'toh. Hobby nya kasi ang pagpapout.

"Oh? Bakit ka tumawag?"

"Hmm. Wala lang. Namiss kita agad eh. Hihi." Anlandi amp!

"Yeah yeah. Talk to my hand. Bakit ka nga tumawag?"

"Namiss nga kasi kita."

"LEAH!" Sigaw ko. Puro miss miss miss. Pesteng miss. May kailangan 'toh o kaya may gusto 'toh. Yup. Si Leah ang kausap ko.

"Aray ko naman. Sakit sa eardrums. Hehe. Gusto ko lang magBonding tayo? Hehe. Friendship Bonding? Ok lang?" Sabi na may gusto to eh. Kaya tumawag.

"Tss. Anong oras?" Walang ganang sagot ko.

"Ngayon na. Magbihis ka na, kasi On The Way na ko. Kung itatanong mo kung saang lugar? Ako ng bahala dun. Hihi."

"Siguraduhin mo lang! Kung hindi masasapak kita!"

"Opo. Hihi. Excited na'ko. Nga pala, Magdala ka ng damit. Mga tatlo. Bye." ABA! Etong babaeng 'toh talaga. Tsk.

Bakit nya kaya ako pinagdadala ng damit? Tss.

Leah's POV

Yieee <3. Hihi. Im excited na sa Outing namin ni Marilyn. Yup. Tama kayo ng basa. Outing good for only 2 Days and 1 night Haha. Dun lang naman sa Resort namin. Im super bored kasi kanina kaya nag-aya na'ko. Para naman mawala din yung Stress ko. Jusme.

On The Way na'ko sa bahay nila Marilyn.

Nagdoorbell ako. Pinagbuksan naman ako ng Mommy nya I think? Kasi magkamukha sila. Pero etong Mommy nya masayahin. Si Marilyn? Palaging nakasimangot.

"Ahm. Tita. MagaOuting lang po kami ni Marilyn. Ok lang po ba? Ibabalik ko naman po sya bukas ng hapon eh." Kapal ng mukha ko. Haha

"Ah ganun ba? Sige. Ok lang." Nakangiting sabi ni Tita.

Lumabas naman si Marilyn na nakasimangot. Parati naman eh. Haha. Wala ng bago.

Sumakay na kami sa Kotse ko. Oy! Hindi ako magdadrive. Haha. May Driver ako.

"Saan tayo pupunta? At bakit may dala tayong mga damit?" Tumingin ako sa kanya.

"Malalaman mo rin mamaya." Nakangiting sabi ko.

Pero si Marilyn? Kilala ko na yan. Haha. Sasagot yan in 3, 2, 1. "Mamaya? Eh kung ihulog kaya kita sa mismong sasakyan mo?"

Ngumiti ako sa'kanya. Sabi na eh. Sasagot yan. Haha. "Hmm? Oo na. Pupunta tayo sa Resort namin. Bukas ng hapon uuwi rin tayo. Kaya Don't cha worry my Bestfriend." Tapos ngumiti pa ako sa kanya ng pagkalapad-lapad.

"Tss. Alangan namang sa Monday? Edi hindi tayo makakapasok? Shunga lang?" Nakangiting sabi nya.

"Napapadalas yata yang ngiti mo?" Nakangiting sabi ko rin.

"So? Gusto mong hindi ako nakangiti? Bakit? Kasi mas gumaganda ako kapag nakangiti ako? Kaya ka naiinsecure?" Sunod-sunod na sabi nya.

"Haha. Nope. Mas gusto ko lang kapag nakangiti ka."

Tapos natulog na lang kami sa buong byahe namin. Nagising na lang ako ng malapit na kami sa Resort.

[Resort]

Ginising ko na si Marilyn. Pagkababa namin, namangha naman sya. Ayy hindi. Nagulat pala sya? Kasi lumaki yung mata nya tapos nag "O" Shape yung labi nya. Haha.

"This place. This place is so Familiar." Nakangiting sabi nya. Baka nakapunta na siya dito?

Pinauna ko na sya, kasama yung Driver namin sa Resthouse ko. Haha. Kasi may aasikasuhin pa kong gamit. At syempre? Bibili muna ako ng Two Piece namin. Hihi.

Marilyn's POV

Nauna na ko sa Resthouse kasi napagod ako sa byahe. At tsaka may bibilhin rin yata si Leah? Ewan ko dun.

Pero, pagkarating ko sa Resthouse lumbas agad ako. Familiar talaga 'tong lugar na to eh. Hindi ko lang alam kung saan o kailan ko 'toh nakita. Basta. NapakaFamiliar nya.

Nagsuot muna ako ng Short shorts. Tapos nakaSando lang na Fit sa'kin. Saka ako lumabas para gumala.

Nag-ikot ikot na'ko. Pagkalingon ko sa kaliwa ko? Nakita ko si Max. What the heck! ANONG GINAGAWA NYA DITO?!

Someone's POV

Ganto kaaga, tumawag ako sa kanya. Baka kasi totohanin na nya. It's my time to make a revenge. A sweet revenge for her. Im so sweet right?

"Hello?" Sabi nung nasa kabilang linya.

"Hi my dear. What's your plan for today? Lemme rephrase it. What's your plan for her today?" Sabay smirk na sabi ko.

"Wag muna ngayon okay? Masyadong mabilis pag ngayon. Mahahalata tayo." Sabi nya.

"Sure dear! Pero wag sobrang tagal. Baka mainip ako. Ayoko pa naman sa lahat yung naghihintay. Aright?" Malambing na sabi ko.

"Yeah yeah." Sabay end nya ng call.

Wag mo lang totohanin. Baka ikaw ang isunod ko.

To be continue...

I've Met The Mayabang Prince [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon