Chapter 4 - New Friend

477 27 6
                                    

I've Met The Mayabang Prince

Chapter 4 - New Friend

Marilyn's POV

Panibagong araw, panibagong saya. Naalala ko yung tungkol kay Jake. Grabe. Haha. Yung sinabi nya na pinatay ko?

Flashback

"Bakit? Bakit mo sya pinatay?" Nanigas ang katawan ko sa sinabi nya. Pinatay?

"P-pinatay k-ko? S-sino?" Natatakot kong sagot. Kinakabahan ako sa kinikilos nya. May kakaibang Aura sya na hindi ko alam.

"Bakit mo pinatay yung ilaw kanina pagpasok mo." Medyo kumunot naman ang noo ko. At nawala ang kaba at takot kanina na nararamdaman ko sa'kanya.

Nung naRealize ko yung sinabi nya na pinatay ko yung ilaw ay napatawa ako ng mahina. Naalala ko kanina. Bago ako pumasok sa Room ay pinatay ko ang ilaw kasi maliwanag.

Humarap naman sya sa'kin at ngumiti. "Anyway. Maybe you want to know my name. Im Jake." Nakangiting sabi nya. Feeling ko namula ako. Kasi napakabait nya.

"I-im Marilyn. Nice to meet you." Nakangiting sabi ko rin.

End Of FLashback

Pero, masayang masaya talaga ako kahapon. Unang-una, Wala nga si Aso. Kumbaga it's DOG Free day. Yaaay!

[School]

As usual. Wala namang bago. Nakatingin pa rin yung iba.

"Ouch! What the hell!" Maarteng sabi ng babaeng nabangga ko.

Pinulat nya yung CP nya na iPhone. Psh. Paki ko dyan? Tss.

"Hindi ka ba magsoSorry Miss?" Ako pa magsoSorry? Psh.

Tumingin lang ako sa'kanya. Masaya ang Mood ko. Ayokong sirain. "Bakit ako magSosorry? Eh kasalanan mo rin naman? Alam mo Miss. Hindi kita mababangga kung tumitingin ka rin sa dinadaanan mo." Kasi kung nakita nya na dadaan ako. Iiwasan nya kung saan ako pupunta para hindi ko sya mabangga.

"Eh ikaw kaya 'tong tatanga-tanga. Alam mo?!" Aba! Ako pa tatanga-tanga?

"Miss. Kung tanga ako? Ano ka pa kaya?" Naiinis na ko. Pero hindi ko pinapakita yun. Kasi ayokong masira ang napakaganda kong MOOD.

"Alam mo? Bago ka lang dito pero kung umasta ka akala mo kung sino ka! Eh malandi ka rin naman pala." Naiinis na sabi nya.

"Malandi RIN ako? Ibig sabihin mas malandi ka. Bitch!" Paalis na sana ako ng hawakan nya ang braso ko.

"Miss. Pakitanggal ng madumi mong kamay sa malinis kong braso." Naiirita kong sabi.

Hindi pa rin nya binitawan kaya hinawakan ko ang kamay nya at mahigpit kong hinawakan na alam kong masasaktan sya. Kaya nabitawan nya ang braso ko.

"Anong sinabi mo? Bitch ako?" Problema nito? Binge lang? Psh.

"Sinabi ko nga. Hindi ka lang pala TANGA. Binge ka pa." Sasampalin nya na sana ako ng nahawakan ko yung kamay na ipangsasampal nya.

Ngayon ko lang napansin na marami ng echusero at echusera.

"Wala kang karapatan hawakan ang braso ko at idampi yang kamay mo sa napakakinis at napakaganda kong mukha. Bitch!" Saka ko sya sinampal.

Napahawak naman sya sa kanang pisngi nya kung saan ko sya sinampal.

"Infairness sumakit yung kamay ko ah! Alam mo kung bakit? Kasi sobrang KAPAL!" At lumayo na ko dun.

I've Met The Mayabang Prince [On-Going]Where stories live. Discover now