"Mama mama!"
"Yes baby?"
"Where are we going? And why am I wearing this?"
"It's your uniform. Mama will take you to a school."
"School? But I want to study in the house!"
"Baby you should learn to interact with other people ang play games with other kids. That's why you'll be studying in a school from now on."
"Hmp!" Wala na akong nagawa kundi ang pumayag nalang sa gusto ng nanay ko. Na pag aralin ako sa isang eskwelahan.
"Class we have a new classmate. Please introduce yourself." Sabi ng teacher.
"Haruhi.. Yukino." Yun lang yung sinabi ko dahil hindi ko talaga alam kung paano magpakilala.
"She's the daughter of the founder of this school. Please be nice to her."
"May I sit down now?" Tanong ko.
"Yes you may sit down." At naglakad na ako papunta sa pinakadulong upuan katabi ng bintana at dun umupo. Gusto ko dito kasi ayaw ko ng may katabi.
Nagsimula na ang lesson namin. At dahil alam ko na yung pinagaaralan namin, natulog nalang ako.
*poke* *poke* nagising ako nang naramdaman kong may pumipindot ng pinsngi ko.
"Goodmorning Yuyu!!" Bati sakin nung nanggising sakin. Sa harapan ko siya nakaupo.
"Yuyu?" Tanong ko.
"Yup mula ngayon yun na ang tawag ko sayo 😁" hindi nalang ako umimik.
"Ako nga pala si Maggie. Mula ngayon kaibigan na kita!" Sabi niya.
"Ayaw" Sagot ko.
"Ha? Hindi pwedeng umayaw! Kaibigan na kita bleeeehhh"
"Haaa?! Bahala ka nga!" Sabi ko at tumawa siya kaya natawa na rin ako.
Natapos na ang klase at nagsilabasan na lahat ng estudyante. "Yuyu! Punta ako sa bahay mo!" Sabi ni Maggie.
"Ano naman gagawin mo dun?"
"Hmm di ko alam basta gusto kong pumunta! Dali punta tayo dali dali!!"
Hindi na ako nakatanggi pa kasi alam kong tatanggihan niya yung pagtanggi ko kaya sinama ko nalang siya pauwi. Walang katao tao sa bahay pagdating namin. Sinabihan narin naman ng driver namin si mama na may kasama akong kaibigan. Nagulat nga daw siya eh.
"Ang laki naman ng bahay niyo Yuyu woooow!!" Pumasok na kami sa kwarto at inayos ang gamit ko. Nag utos narin ako sa maid namin na gumawa ng meryenda.
"Yuyu laro tayo!"
"Di ako naglalaro. Nakakapagod yun eh"
"Hindi naman tayo magtatakbuhan eh.. kahit pwedeng magtakbuhan dito sa kwarto mo sa laki nito."
"Eh anong lalaruin natin?"
"Ito oh!" At may nilabas siya sa bag niya na isang laptop. "Jan tayo maglalaro?" Tanong ko.
"Wala ka bang alam sa mga computer games? Masaya yun! Lalo na yung mga MMORPG"
"MMORPG?"
"Oo MMORPG. Basta mahirap iexplain! Laro nalang tayo para malaman mo. May laptop kaba jan?"
"Meron. Teka kunin ko." At kinuha ko yung laptop.
"Punta ka sa site na to tapos gawa ka ng account." Sinunod ko naman siya at gumawa ng account ko.
"Okay na. Anong next?"
"Gawa kana ng character mo. Pili ka jan sa apat."
"Mage? Ano to?"
"Magic ang power mo pag yan ang pinili mo."
"Magic? Gusto ko yun!" At yung mage yung pinili ko. Pagkatapos ay naglagay na ako ng pangalan ko.
"Ayan tapusin mo yan na tutorial ha" sabi ni Maggie. Nang matapos ko na yung tutorial napunta ako sa city. "Nandito ka rin ba?" Tanong ko.
"Wait papunta na ako jan. Ito ako oh! Archer nga pala ang pinili ko." At nakita ko na nga siya.
"Wow!! Bakit yung suot mo ang ganda? Tapos sakin ang pangit.. gusto ko din maganda!!"
"Hahaha matagal na kasi akong naglalaro nito. Level 70 na ako oh ikaw level 5 palang."
Mula noon ay araw araw nang pumupunta si Maggie sa bahay para sabay kaming naglalaro. Lumakas na rin yung character ko dahil sa tulong niya. Sobrang nagustuhan ko yung mga larong ganon hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa paglaro. Naging bestfriends na kami ni Maggie at lumipas na ang dalawang taon.
Nandito kami ngayon sa balcony ng kwarto ko at pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
"Yuyu walang iwanan ha? Ang mangiwan pangit.."
"Syempre naman! Hindi kita iiwan noh! ikaw lang yung nagiisa kong bestfriend eh. Ayaw kitang mawala."
"Promise?"
"Promise!"
"Hahaha ang drama naman natin tara na nga! Gabi na oh nagaalala na siguro yung nanay ko."
"Oo nga eh. Teka tatawagin ko lang yung driver namin para ihatid ka."
"Wag na big girl na tayo eh di na natin kaylangan ang hatid sundo! Kaya ko naman ang sarili ko"
"Sure ka? Magonline ka pagdating mo sa bahay ha.."
"Yup! Promise magoonline ako paguwi ko sa bahay"
Umalis na si Maggie at umuwi na. Alam ko naman na kaya na niya ang sarili niya pero bakit parang kinakabahan ako? Pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda..
Ilang oras akong nakaonline at naghihintay na magchat sakin si Maggie pero wala pa akong natatanggap na message galing sa kanya. Naghintay pa ako ng ilang oras hanggang sa nakatulog na ako sa harap ng laptop.
Paggising ko ay dali dali kong tiningnan kung may chat siya sakin. Pero wala parin.. inisip ko nalang na baka nakalimutan niya o baka nakatulog agad siya. Sana nga tama yung hinala ko..
Mabilis akong nag ayos ng sarili at dali daling pumasok sa eskwela. Hindi narin pala ako nagpapahatid at sundo sa driver namin dahil kaya ko na rin ang sarili ko.
Pagdating ko sa school ay tumakbo ako papasok ng classroom at tumingin agad sa upuan ni Maggie. Wala siya.. Inisip ko na lang na baka nalate lang yun gising o baka naman papunta palang.
Isang oras na ang nakalipas at magsisimula na ang klase namin ngunit hind parin pumapasok si Maggie. Absent kaya siya? Pero hindi naman siya sanay umabsent kaya imposibleng mag absent siya ngayon. Kahit may sakit pumapasok parin siya eh.
Maya maya ay pumasok na ang adviser namin. Bakit adviser? Diba dapat yung teacher namin sa first subject?
"Class may announcement lang ako. Actually its a bad news." Bigla akong kinabahan. Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko na parang anytime pwede na itong sumabog.
"Maggie was found... dead. She was hit by a car last night." Biglang tumulo yung luha sa mata ko. Tumakbo ako palabas at pumunta sa bahay ni Maggie.
Nagbibiro siya diba? Nagpromise kami sa isa't isa na walang iwanan. Ang mang iwan ay pangit! Hindi ako naniniwalang patay na si Maggie!
Sinabayan pa ng ulan ang pagiyak ko. Wala na akong pakealam kung mabasa ako. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa marating ko ang bahay ni Maggie.
Maraming kotse ang nakaparada malapit sa bahay nila. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa narating ko ang harapan pinto ng bahay. Hindi ako magalaw ang mga paa ko. Natatakot ako. Natatakot akong malaman ang totoo.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto at pumasok. Ang lahat ay napatingin sa akin pero wala akong pakealam.
Tuloy tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa harapan. Doon ay nakita ko ang isang kabaong at ang nakahiga rito ay si Maggie, ang aking matalik na kaibigan.
TLaaaw ~
BINABASA MO ANG
Arcana Fantasia
FantasyArcana Fantasia is a new VRMMORPG game which became famous worldwide in 2025. Enter Haruhi Yukino, a 16 year old girl who is obsessed in online games, bought a new game called Arcana Fantasia and entered the world of Arcana.