Chapter 14: Sky Island

163 10 0
                                    

"We're here!" Sabi ni Amethyst. Nakarating na kami sa lugar na kung saan matatagpuan ang portal.

"Ito oh tingnan niyo."-Amethyst. Lumapit kami sakaniya.

"Oo nga iba nga ito kesa dun sa isa."-Ace.

"Alien ata ang nagsulat niyan eh"-Kei

"Tatay mo alien"-Ace.

"Tatay kita eh."-Kei. Hay nako nagsisimula nanaman sila.

"Wait parang alam ko to.." sabi ko at napatingin naman silang lahat sakin.

"Alam mo?" Sabay sabay nilang tanong. Kakasabi ko lang diba? -_-

"Oo kasi nakita ko tong sulat sa nilalaro ko dati. Ang astig tingnan kaya pinag aralan ko." Sagot ko.

Lumapit ako at tiningnang mabuti ang nakasulat. Ito nga yun.

"En ni kh i ovh eo st u rve ptho gra zho raji ma" sabi ko pero hindi pa bumubukas yung portal kaya sinabi ko ulit ito ng maayos. "Enni khio vheos turv ephto grazhora jima."

"Woah! Bumukas nga!"-Kei.

"Ang galing mo Yuki!!"-Aika.

Isa isa na kaming pumasok sa portal. Pag labas namin ay nasa sky island na talaga kami at nasa taas na kami ng mga ulap.

"Nakapunta na tayo sa impyerno tapos ngayon sa langit naman. Anong sunod?"-Ace.

"Sa ilalim naman ng tubig hahaha!"-Aika.

"Hindi ko akalaing makakapunta ako dito!"-Amethyst.

"Asan si Yohan, Amethyst?" Tanong ko.

"Aba malay ko ngayon lang ako nakapunta dito eh."

"Tara na nga hanapin na natin yung npc" sabi ko sakanila.

Habang naglalakad ay nagsalita si Kei. "Ang laki naman ng Sky island na to parang sakop na niya buong sky."

"Oo nga eh"-Aika.

Matagal tagal kaming naglakad hanggang sa marating namin ang isang napakalaking crystal na palasyo.

"Woah! Ang laki! Ang dami ding ibon!"-Ace

Pumasok na kami sa loob at nakita na namin si Yohan na nakaupo sa trono. Hari siya dito? Ang laki niyang fairy!

"Himala nakarating kayo dito. Wala pang nakakarating sa islang to mula pa nung nagsimula akong tumira dito. Ah except pala sa isa pero wag niyo ng tanungin kung sino yun." Sabi ni Yohan. Marunong siyang magtagalog?!

"Bat kayo pumunta dito? At pano kayo nakapunta dito?" Tanong niya.

"Ikaw yung nagbibigay ng quest para makakuha ng griffin na pet diba? Ako yung nakabasa ng portal sa baba." Sabi ko.

Napansin kong nagulat siya sa sinabi ko pero agad naman niyang binalik sa dati ang mukha niya. Npc ba talaga siya? Mukhang hindi eh.

Napatingin naman ako kay Amethyst. Nakatulala lang siya kay Yohan at parang gulat na gulat siya.

"Amethyst? Anong problema?" Tanong ko pero hindi siya sumagot. Maya maya ay nagsalita siya.

"G-God F-Feiro.."

Napatingin narin silang lahat kay Amethyst.

"God Feiro?"-Ace

"Si Yohan ba si God Feiro? At bakit "God" Feiro?" Tanong ni Aika.

"Haay since kayo ang unang nakapunta dito, sasabihin ko na sainyo ang totoo. Oo, ako nga si God Feiro, ang God ng Enchantria."

"Waaaaahhh!!! Akala ko namatay ka sa war dati God Feiro!! Andito ka lang pala ang tagal ka naming hinanap!! 😭😭" sabi ni Amethyst at niyakap niya si God Feiro.

Arcana FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon