Chapter 22: Guild War

300 8 2
                                    

Wednesday na ngayon at nandito kaming lahat nakaupo sa lounge area ng guild center. Isang oras nalang kasi bago ang laban namin. Sampung guild ang nandito kasama na kami dun so bali 60 players ang kasali.

"Ang yayabang naman ng mga kalaban natin." Sabi ni Ace.

"Oo nga nakakainis! Akala mo kung sino!"-Kei.

"Wag na kayong magsalita tingnan nalang natin mamaya kung gano sila kagaling." Sabi ko. Tumahimik naman silang dalawa. Kahit ako naiinis na rin di ko lang pinapakita. Pinagtutulungan kasi nila yung isang guild na mga low level yung players.

"Guild War will open in 5 mins. Be ready."

"Ayan na ayan na!"-Ace. Pagkalipas ng limang minuto ay may lumabas na sampung portal. Siguro tig iisa kami?

"Let's go." At pumasok kami sa portal na pinakamalapit samin. Napunta kami sa isang abandonadong city. Teka.. Arcadia city to ah!

"Battle starts in 3, 2, 1, START!"

"Guys anong gagawin natin? Yuki?"-Aika

"Mamaya na tayo lumaban. Kalabanin lang natin yung may maraming points para di sayang sa pagod."

"Okay!" Sabay nilang sabi.

Naghiwahiwalay kami para maghanap ng mga players. Kasama ko si Naomi, si Aika at Kei at si Ace at Aoki. Nakabukas lang yung guild call namin para may communication parin kami kahit malayo kami sa isa't isa.

"Woooh grabe mukhang gyera nga talaga dito!! Tatlong guild yung naglalaban oh. Patayin mo lang sige!!"-Kei

"Wag ka ngang maingay Kei! Malalaman nilang nandito tayo!"-Aika

"Ah Yuki may tatlong tao dito 1476 points lahat. Sugurin naba namin?"-Aoki

"Oo malaking points din yan. Wag lang kayong magpapatalo."

"Syempre naman Yuki! Hindi kami magpapatalo noh!"-Ace

"Nanalo yung isang guild! Grabe ang intense ng laban hahaha!"-Kei

"Yuki isang guild to. 4668 points nakuha nila mula dun sa dalawang guild na natalo nila."-Aika.

"Sundan niyo lang papunta na kami jan. Ace sumunod nalang kayo." Sabi ko.

"Roger! Isa nalang to. Ang lakas pala ni Aoki!"-Ace

Malakas talaga si Aoki.. pure damage siya ehh. Lakas ng crit niya.

Binuksan ko yung map ko. Malapit lang pala sina Aika. Tumakbo kami ni Naomi papunta sakanila. May mga nakita kaming players on the way kaso konti lang naman yung points nila.

Naabutan na namin sina Aika na sinusundan yung anim na players.

"Sila ba?" Tanong ko. Medyo malakas din sila ah. Apat na level 48 isang 49 at isang 47.

Maya maya dumating na rin sina Ace at Aoki. May points na akong nakita sa ulo nila. 261 kay Ace at 477 kay Aoki.

"Tara na sugod na tayo!!"-Ace

"W-wait lang po.. Party Aid!" Nagcast si Naomi ng buff saming lima. Tumaas yung attack namin for 5 mins.

"Thank Naomi!"-Aika.

"Go."-sabi ko at sumugod na kami. Ang bilis ni Aoki! Hindi lang for display yung arena rank niya.

"Meteor Rain!" Sumali na rin ako sa laban.

"Tsk! Malas natin!" Sabi ng kalaban.

"Arrow Rain!"

"Heavy Blow!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arcana FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon