Chapter 17: Reach the Top

159 7 0
                                    

Magkasama kaming dalawa ni Ace na naglalakad ngayon dito sa city. Isang linggo na ang nakalipas mula nung nakuha namin yung griffin pero hindi parin ako nasasanay na laging tinitingnan at pinaguusapan ng mga tao.

"Woah! Anong pet yun? Ang laki!"

"San kaya nila nakuha yun?"

"Bat wala sa pet list yung pet nila? Bago ba yan?"

"May bago bang update?"

"Wahahaha! Mainggit kayo mga alipin! Muahahaha!!" Mukhang gustong gusto ni Ace na pinaguusapan kami ah. -_-

"Napansin ko lang."

"Ano yun Yuki?"

"Halos lahat ng players dito may mga guild na."

"Syempre kaylangan talaga may guild ka kasi may mga benefits kang makukuha. Tayo lang naman ang malalakas na hindi kasali sa guild eh hahaha!"

-_-

Tumigil kami sa harap ng colosseum.

"Oh siya parin top." Sabi ni Ace.

"Level 52 na siya. 49 palang tayo. Tara." At pumasok kami sa loob. Umupo kami sa spectator seat at nanood ng mga laban. Rank 20 na pala ako ngayon at 23 naman si Ace.

*flashback* (bago sila pumunta sa city)

Nakaupo ako ngayon sa sofa at inaayos yung laman ng bag ko.

"Yo Yuki. Goodmorning" bati sa akin ni Ace.

"Morning." Bati ko sakanya. Umupo naman siya sa tabi ko.

"San sila?"

"Umalis."

"San punta?"

"Palevel."

"Ahh. Silang tatlo?"

"Oo. Kasama si Amethyst."

"Ah tayo lang pala natira dito."

Wala sa aming nagsalita ng ilang minuto. Pero hindi kami awkward sa isa't isa. Wala lang talagang may gustong magsalita.

"Nga pala Ace."

"Hm?"

"Kunin natin yung arena."

"Ha? Panong kunin?"

"Ako rank 1. Ikaw rank 2."

"Huh?! Bat kaylangan ako yung pangalawa?!"

"Syempre mas malakas ako sayo."

"Hindi ako makakapayag! Ganito nalang. Ikaw kalabanin mo rank 1. Ako kalaban ko rank 2. Tapos maglalaban tayo kung sino sating dalawa ang magiging rank 1. Okay?"

"Sige ba. Matatalo ka lang naman." Asar ko sakanya.

"Oy di nako katulad ng dati ah! Humanda ka ng matalo!"

*end of flashback*

"Challenge mo na si rank 2 kung ano mang pangalan niya." Utos ko kay Ace.

"Oo na oo na. Eto na nga oh."

Chinallenge na niya yung rank 2. "You challenged Kuroba Ichiro. Waiting for reply.." sabi ng VRB ni Ace.

Wala pang isang minuto ay sumagot agad ito. "Kuroba Ichiro accepted the challenge. Connecting.."

"Connected..-Ah hello?"

"Ngayon laban natin as in now na." At pinatay na ni Ace yung tawag bago pa makasagot yung kabilang linya. Hay naalala ko yung unang tawag sakin ni Ace ganyan din siya.

Arcana FantasiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon