Chapter 50: Finale

476 16 0
                                    

ARTEMIS POV

One week, two weeks, three weeks? Four? One month. Isang buwan na mula noong huling usap namin ni Rivera at wala akong ni isang balita mula sa kanya. Kung ano man yung tinext niya sakin nong Graduation iyon na yon, yun na ang huli.

I kinda miss him.

"Missy? Tara na. Nasa van na sila Gleen." Tumango ako kay Froy at lumabas ng bahay. Mag ba bakasyon muna kami kila Mama, tutal tapos naman na ang clearance namin at na ayos na namin ang lahat ng requirements na dapat ipasa.

Agad ding umalis ang van namin, lahat sila ay may earphones sa tenga nila tanging kami lang ni Froy ang nag uusap.

Kung ano ano lang ang pinag uusapan naming dalawa wag lang kaming antokin sa byahe. Hayy.

Maka lipas ang ilang oras ay nakarating narin kami. Nadatnan namin si Mama na nag hahanda ng pag kain, Hmm... na miss ko ang luto ni Mama!

"Mama! Na miss kita!" Niyakap ni Kuya Gleen si Mama at hinalikan ang pisngi nito. Ganun din ang ginawa ni Ate Kei kaya sumunod din ako sa kanila at nakisali.

"Oh? Napagod ba kayo sa byahe? Ikaw Artemis?" Lumapit si Mama sakin at pinunasan ang pawis ko. Si Mama talaga.

"Si Artemis lang may ganun, Ma? Ako din dapat!" Natatawang lumapit si Mama kay Kuya Gleen at pinunasan din ang pawis nito. Inggitero talaga itong si Kuya! Hahahaha

Dumiretso ako sa kwarto ko at nag palit ng damit, ang dami kong namiss sa lugar na ito. Lahat ng masasayang nangyari nandirito. Kasama na si Rivera doon.

Pumunta ako ng terris namin at don muna tumambay, malamig dito at sariwa ang hangin na nag mumura sa mga punong ma lapit sa bahay namin.

Naalala ko dito yung unang nag tapat si Rivera sakin, nakaka tawa kasi first time kong maka rinig ng ganun bagay, I've never experience that kind of confessions in my entire life. And maybe, I'm thankful kasi dumating siya sakin. Sa buhay ko.

Gustuhin ko mang I text siya, hindi ko magawa. I told him not to contact nor to see me, kung hindi niya pa naaayos ang gulo sa pamilya niya. Gulo ng dulot ng relasyon namin.

Ng tagal ko ng ilang minuto, bago maisipang bumaba at maka kain ng tanghalian. Nadatnan ko silang kumakain na, kita mo tong mga to, hindi man lang ako tinawag.

"Oh? Mag hain kana ng pag kain mo." Bumusangot ako sa harap ni Mama, Tss!

"Bakit hindi niyo man lang ako tinawag sa taas, Ma?" Tanong ko habang nag hahain ng sariling kong pag kain. Hindi ko talaga maiwasang sumimangot.

"Tinatawag ka namin! Malalim lang talaga yang iniisip mo kaya siguro di mo narinig. Sino ba yang iniisip mo?" Napa tigil ako sa sinabi ni Kuya Gleen. Talaga? Bakit hindi ko man lang narinig?

Umupo ako sa tabi ni Froy at tahimik na kumain, ramdam ko ang pabalik balik na tingin ni Mama sakin. Parang may sinusukat siyang kung ano sakin kaya nailang ako. Nakagat ko yung pang ibaba kong labi dahil sa kabang dinudulot ni Mama. Ano bayan.

"Oh siya,  kayo na bahala dito ha? Aalis lang ako saglit. May susunduin lang ako." Hindi na kami nag tanong kay Mama, agad rin siyang lumabas ng bahay para sunduin ang kung sino man yon.

Pag tapos naming linisin ang bahay, nag sama sama kami sa sala. Ang init naman talaga.

"San ba maganda mag outing ngayon?" Tanong ni Kuya Gleen habang nanunuod ng Tv.

"Mag a-outing tayo? Sa Batangas?" Suhestiyon ko pero sumimangot lang si Kuya Gleen.

"Doon na tayo last year, doon na naman? Wala bang iba?" Tapos tumingin siya sakin.

I am Miss PilosopoWhere stories live. Discover now