Chapter 31: On Rainy Day

648 15 2
                                    

ARTEMIS POV

"Ang lakas ng ulan!" Sigaw ni Jasmine, andito kasi kami ngayon sa room at kung minamalas ka umulan pa, wala pa naman akong payong ngayon.

"Hindi, araw yan Jasmine, araw ayan!" Pamimilosopo ko sa kanya, tapos nag poker face lang siya.

Wala pang dumadating na teacher ngayon, hindi ko nga alam kung mag tuturo pa sila eh, yung mga class mates ko? Ayun ang ingay ingay nila para na namang naka wala na preso. Andito ako ngayon sa corridor, kasama sila Verna. Mas gusto ko lamig dito sa labas kesa loob.

Iba ang feeling pag umuulan, parang ang sarap sa feeling.

Napa tingin naman ako sa babaeng pumasok ng room namin, hindi siya classmate siguro galing sa kabilang section, if im not mistaken nasa higher section siya.

"Oy guys! Tahimik lang daw, may bibilin daw si maa'm mapeh." Suway ni Hana, tapos nag si tahimik kami well except sa boys na ingay ingay parin hanggang ngayon.

"Good afternoon, aluminum may a-announce lang ako na walang klase ngayon so pwede kayong umuwi pero mamaya pang 4, tsaka may ibibilin daw si maa'm joice, yung group niyo daw sa mapeh ay bibili ng white board na may chalk board sa likod ayun na daw ang magiging prject niyo for her, and also for the new students, kayo na daw ang mag kaka group, thank you." Agad din lumabas si ate pag tapos niyang mag announce.

"Let's go to the mall, later." Maiksing tugon ni Cherish at sinalampak ang ear phone sa tenga.

"Artemis? Kelan tayo? Sabado?" Tanong ni Verna sakin.

"Hmm. Mamaya kami, nag aya si Cherish." Naka nguso kong tugon, tumango siya bago umalis.

"Ganito na lang, kami na lang ni Rivera ang bibili ng project sa mapeh tapos hintayin niyo na lang kami mamaya sa may star bucks, okay lang ba?" Sabi ko sa kanila tapos nag nod lang sila except for Cherish na tinarayan lang ako.

Habang nag lalaro ng pou sa phone ko, biglang pumasok si maa'm janny, math teacher namin. Kala ko ba walang klase ngayon? ano to?

"Good afternoon, aluminum" Bati samin ni maa'm tapos bumati din kami sa kanya.

"Mag kla-klase tayo maa'm?" Tanong ni Edward.

"Hindi. mag papalaro lang ako ngayon about sa lesson natin yesterday and of course there's a point on that." Sabi ni maa'm saming lahat, tapos grinupo na niya kami at as usual hindi na kami pinag hiwalay ni maa'm.

Saming lahat dito may limang group kasama na kami don at may eleven member bawat group, ang unang mag kalaban ay sila. Trigger- Cloe- Edward- Ate shayne- Joan

Sila ang unang participants at five points agad ang binigay ni maa'm lahat puro solving ang gagawin.

"Go trigger!" Cheer sa kanya ni Bryan, tapos ngumiti si Trigger na hindi mo malaman kung kikiligin ba o hindi.

Nag simula ng mag tanong si maa'm sa kanila ang iso solve nila a f(3)=5x g(4)=2x, ang unang humarap na participants na tama ang sagot ay sa kanila ang puntos, pag ka senyas agad ni maa'm saka sila nag simula.

Walang nag iingay, tanging ingay lang ng chalk ang maririnig mo pati narin nag buhos ng ulan sa labas. Unang humarap si Cloe, sunod si Ate Shayne at Trigger tapos sunod sunod ng humarap. Ang isa pang rules ni maa'm ay kahit una kang humarap pero mali naman ang sagot sa kabilang group ang puntos.

"Okay, group of norton got a points!" Nag hiyawan kami sa tuwa ng maka kuha kami ng puntos. Five points agad!

Ako ang sumunod kay Trigger, kinakabahan ako dahil baka hindi ko iyon msagutan. Shiz!

I am Miss PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon