Chapter 22: Valentines Day

862 21 0
                                    

BELATED HAPPY VALENTINES SA INYO :)

ARTEMIS POV

Ang lamig parin. But it is still usual, besides February parin at talagang malakas pa ang hanging amihan.

Bumangon ako at dumiretso sa Cr para maka ligo, after ay nag bihis saka bumaba para sa agahan.

"Good Morning" Bati ko sa kanila na kumakain na pala, hindi talaga uso sa kanila ang mag ay a.

"Kumain kana." Sabi ni Kuya kaya umupo narin ako sa tabi niya.

"Artemis, pag tapos mong kumain uminom ka ng gamot ah. Tapos mag dala ka nun kahit tatlong piraso." Bilin sakin ni Ate Kei kaya tumango na lang ako. Ang sabi niya vitamins daw iyon, Suman ayon na lang ako kahit nag dududa.

Pag tapos namin kumain, nag sakayan na kami sa van para dumiretso sa school. Hindi sumabay si Froy kaya nag taka ako. Asan ka yun?

"Artemis, wag na wag kang masyadong mag papagod." Si Kuya naman ngayon ang nag bilin kaya puro tango ako sa sinasabi nila.

Pag baba namin sa Academy, punong puno ng booth, kaliwa't kanan kahit san ka tumigin may mga booth .

Lahat ng klase ng booth ay makikita sa loob, lahat ng outsiders ay pwedeng pumasok basta may ID na ipapakita. First time ko sa ganito!

"Artemis!" Lumingon ako kaliwa at kanan para hanapin ang tumawag. Hindi ko siya makita dahil umaalon ng tao ang paligid.

"Dito! Tingin ka dito!" Bakit ba laging pasigaw yung pag tawag niya? Hindi ako bingi! Hindi lang talaga kita makita!

"Ang shunga mo naman! dito , sa may kanan!" Tumingin ako sa may bandang kanan, may nakita akong booth ng mga bulaklak na may kasamang sweet candies and chocolates.

"Eto yung atin?" Tanong ko, malaki siya at kasya ang mahigit sa 15 na tao sa loob. Ang iba naming class mates ay nag aaya sa iba para puntahan ang booth namin.

Sino naman kaya naka isip ng theme?

Madami rin ang bumibili at binibigay sa partners nila.

"Yep, alam mo ba kung sino nag isip nito?" Naka ngising sabi niya sakin.

"Hindi. Unless kung sasabihin mo sakin." Pamimilosopo ko sa kanya. Mukha bang alam ko?! Natural hindi!

"Eto naman! Syempre si Cedrick! He's so brilliant to think this booth right?" Halos natawa ako sa sinabi niya, pwera biro? Si Rivera? Itong booth? Talaga?

I can't believe it! He's so manly at ito ang napili niya? But yeah, ang talino nga. Patok na patok sa masa ang booth namin. Valentines na valentines ang datingan!

"Bakit ganitong booth ang napili niya?"  Natatawang tanong ko sa kanya. Nakaka baliw din ang taste ng isang yon.

"I don't know, better ask him later." Tumango ako sa sinabi niya at humarap para mas lalong makita ang ibang booth.

"Artemis! bantay ka muna dito oh!" Sabi ni Honey, isa siya sa mga nag organize ng booth.

"Wala ba tayong klase ngayon?" It was a stupid question coming from me. Obvious naman na walang klase.

"Tuwing valentines dito sa Olympus Academy walang klase, kinabukasan ulit ang magiging klase natin. Oh siya ikaw muna diyan may gagawin pa ako eh." Iniwan ako doon ni Honey, at pumunta sa kung saan, nakaka enjoy ang pag bebenta kahit mainit.

Past 11 na at nagugutom na ako, mainit narin kaya tinanggal ko muna ang vest ng uniform ko.

"Artemis?"

I am Miss PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon