Chapter 23: Let the Game Begin

802 19 0
                                    

ARTEMIS POV

Pag tapos ng valentines bumalik ulit kami sa dati naming routine like aral aral, assignments, quizzes, recitations. Buti na lang nakaka pag concentrate ako sa school, dahil madalas akong lutang, wag niyo na itanong kung bakit ito lumilipad.

Nasa laboratory kami ngayon, ang teacher namin ay nasa at nag di discuss. Nakaka titig lang ako sa notebook na nasa harap ko, ang hirap maging self-destructive.

"Heaven, makinig ka." Umayos ako ng upo at tumingin sa teacher namin, nag susulat siya ng mga compound doon, hindi ko alam kung ano.

"Okay class, ready for long quizz tomorrow, review your notes bye!" Tinulungan ako ni Rivera na maka baba sa high chair na inu-upuan ko. Tinanggal ko agad ang lab gown na suot ko at nilagyan sa cabinet.

"Artemis! I miss you!" Nag buga ako ng hangin bago tumingin kay Trigger.

"Mag tigil ka nga, Trigger!" Sabi ko, habang siya inangkla ang kamay sakin.

"Hahahaha. Why so mean?" Tugon niya sabay kurot sa pisngi ko. Ang sakit.

"Masakit ah? Bakit ba?" Tanong ko.

"Wala naman! Bye bye!" Tumatawa niyang sabi saka tumakbo.

Ang gulo talaga nun.

"Ang ingay niya talaga."

"Nahawa sayo." Inirapan ko ang katabi ko at di pinansin ang sinabi niya. Ewan ko sayo.

"Artemis! Psst." Nilingon ko si Ace na nasa likod

"Ano?"

"Pwede man ligaw?"

What the hell? Ang lakas talaga ng trip ng lalaking to! Daming dama! Sarap sapakin.

"Namo, Ace ah. Para kang tanga." Sabi ko at binalik sa harap ang tingin. Tagal mag bell.

"Ito naman, seryoso ko! Ano nga?" Pangungulit niyang sabi, at kinalabit ako ulit.

"Tigilan mo nga! Si Cherish tanungin mo! Panggigil!" Inis kong sigaw.

"Stop it, Ace. Kung ayaw wag mong pilitin. Sakin lang naman pakipot yan."

Namula ng todo ang pisngi ko ng sabihin ni Rivera yan. Shit? Masyadong mataas ang confidence niya. Bwisit.

"Leche ka, Rivera! Hindi naman ah!" Sabay palo ko sa kanya,  pinang sangga niya ang dalawa niyang kamay at hinarang sa palo ko. Nakaka inis! Porket crush kita! Walangya!

"Good Morning Class!" Natigil ako sa pag palo sa kanya ng dumating ang english teacher namin.

"Let's start our new discussion, yesterday--- oh! I forgot. Norton, can you go to the faculty room and get my book on my table? Thank you." Wala ako sa harapan pero ako ang tinawag ni Maa'm para kunin ang libro niya. Ni hindi nga siya tumingin sakin. Basta niya lang ako tinawag. Tss.

Lumabas na ako ng room at dumiretso sa faculty room, ang tahimik sa corridor. Ni walang estudyanteng makikita.

Pag pasok ko sa faculty room, kinuha ko agad yung libro na sinasabi ni maa'm. Di ko alam sobrang kapal pala nun, dapat lalaki inutusan ni maa'm eh. Kakainis naman.

Nag madali na akong bumalik sa room at baka naiinip  na si maa'm,  kakaantay.

Malapit na ako sa room ng bigla akong natalisod sa parang may lubid? Wala namang lubid doon ah? Under construction ba ito?!

Sabay na bumagsak sa lapag ang pwet ko pati narin ang librong dala ko. Kahit masakit ang pag bagsak ay tumayo ako ng biglang may nalaglag sakin na pintura? NA NAMAN?! Seryoso talaga?!

I am Miss PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon