Chapter 14: New Year

1K 27 0
                                    

ARTEMIS POV

Masaya ang pasko. Oo, because it's the birthday of our God. Pero ibang usapan ang bagong taon! Ahh!! Putukan na mamaya! Hahaha.

Tinignan ko ang phone ko at tinignan kung may text ba galing kay Rivera, pero wala. Noong pasko ang last niyang text sakin. Ano na bang nang yari dun?

"Bored?" Tumingin ako sa lalaking naka tayo sa pintuan ko, ang tangkad at ang gwapo niya talaga. Wearing his gray jersey.

"Hindi naman." Sagot ko sa kanya, pumasok at umupo siya sa silya na katabi ng kama ko at kinuha yung teddy bear na bigay niya sakin.

"Labas tayo." Aya nya sakin habang naka tingin lang dun sa bear. Ay, nakaka pang selos na yan ah?

Charrr!

"Labas? Saan sa kubo?" Gulong tanong ko sa kanya, kaya napa simangot siya.

"No. I mean, mag mall tayo." Sabi niya, kaya ako naman ang napa simangot. Tinatamad akong mag mall.

"Wag na, wala ako sa mood. Tsaka ayokong lumabas ng bahay ngayon."

Tumayo ako at kumuha ng towel sa drawer ko, at lumapit kay Froy.

"Okay."

Lumapit ako sa kanya para punasan sya, don't get me wrong. Walang malisya to.

"Ako na Missy." Akmang kuha nya sakin pero nilayo ko.

"Ako na Froy, minsan lang naman ako ganito kaya dapat nilulubos mo." Sabi ko sa kanya habang naka  . and yes tama ang nabasa nyo minsan lang ako ganto lalo na kung nasa mood ako .

Pag tapos kong mapunasan si Froy, agad din siyang naka tulog. Napagod ata sa laro.

"Artemis si Froy?" Napa talon ako sa gulat ng biglang sumulpot si Ryan sa likod ko. Geez.

"Ano bayan Ryan? Bigla bigla ka na lang sumusulpot." Inis kong tugon saka napa tingin kay Froy.

"Mukhang pagod ata sa laro nyo, ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Mag papasama sana ako sa mall, bibili lang ng damit." Talaga naman. Andiyan naman si Kuya.

"Si Kuya Gleen na lang." Sabi ko.

Tumango siya sakin saka bumaba. Dahil wala akong magawa sa kwarto, bumaba muna ako para manuod ng Tv.

Maganda ang palabas kaya hindi ako na bored. Napa tingin ako sa pinto ng sabay na pumasok si Ate Kei at Mica.

"San kayo galing?" Aniya ko, habang naka tutok sa Tv.

"Diyan lang, naki pag meet ulit sa mga dati naming class mates. Ikaw? Hindi mo man lang sila bibisitahin? or what?" Tanong ni Ate, saka umupo sa tabi ko.

"Hindi na, tinatamad ako. Tsaka si Ryan na bahala dun." Tugon ko.

"So, how's the feeling with Froy?" Tanong ni Ate habang naka ngisi. Psh.

"Ate, ano kaba? Syempre, masaya. Best friend ko siya simula dati pa. Alam mo naman ata na..." Iniwan ko ere ang mga salita ko at hindi na dinugtungan.

"Yeah, I know. But, what if he confess to you?" Minsan ayaw ko kay Ate, pag ganito siya ka pursigido.

"He already confess." Naka nguso kong sabi saka yumuko.

"Talaga? Kailan? Bakit di ko alam?" Sunod sunod niyang tanong.

"Bata pa kami nun, Ate. Matagal na iyon." Saka ako tumayo at bumalik sa taas.

Pag tapat ko sa pintuan ko, nakita ko agad si Froy. Tinignan ko siya at nag pakawala ng malalim na hininga.

Kinuha ko ang phone ko saka pumunta sa contacts, nakita ko ang pangalan ni Rivera dun, saka pinindot ang caller button.

I am Miss PilosopoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon